Chapter 19

211 10 0
                                    

CHAPTER 19

" 'Di ba sabi niya umalis ka na? Bakit ba ang kulit mo? Niloko mo 'yong tao! Minahal ka no'ng tao pero sinira mo kung anong meron kayo!"

"'Wag kang mangingialam dito dahil wala kang alam!"

"Walang alam? Bro kinwento niya sa akin lahat ng ginawa mo sa kaniya! Isinaalang-alang niya 'yong kalusugan ng nanay niya para sa 'yo, tapos niloko mo lang siya? You're such a fuck*ng jerk!"

Sinuntok siya ni Gerald sa panga. Ginantihan naman ito ni Ivanne. Muli akong bumalik para awatin silang dalawa.

"Please Gerald leave! Please! Kapag hindi ka umalis magpapatawag ako ng guards para kalagkarin ka! Leave! Now!!" nanggigigil na awat sabi ko kay Gerald. Nadamay tuloy si Ivanne dahil sa kaniya!
Napahawak na lang ako sa ulo ko. Bwisit na lalaking 'yon! Nagpunta-punta pa siya dito!

"Sorry!" saad ko.

"Okay lang."

"Manang 'wag niyo na pong papasukin ang lalaking 'yon dito! Please!" saad ko. Inalalayan ko si Ivanne hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Paano niya ba kasi nalaman na nandito ako!

Nang makarating kami sa kwarto ni Ivanne ay ginamot ko ang pasa niya sa pisngi.

"Nagkapasa ka na naman tuloy dahil sa 'kin. Dapat hindi ka na lang nakipag-away. 'Di ba lalaban ka sa intrams? Nabawasan tuloy 'yong pogi points mo sa mga girls." saad ko.

"Ayoko lang kasi na may nanggugulo sa 'yo. Ayoko ng maulit 'yong nangyari sa 'yo no'n. Tuwing naaalala ako 'yong nangyari sa 'yo noon na hinalikan ka ng isang lalaki, I always blame myself kung bakit nangyari sa 'yo 'yon. I will blame myself kasi pinabayaan kita!"

"Bakit mo ba kasi ginagawa 'to para sa 'kin? Bakit mo 'ko pinagtatanggol sa tuwing nasasaktan ako? Bakit gano'n na lang ang pag-aalala mo sa 'kin?"

"Kasi mahal kita! Ayoko ng may nanakit sa 'yo!"

Kapwa kami nagulat dahil sa sinabi niya. Para akong nastroke ng marinig ko ang sinabi niyang 'yon. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

"'Wag mo na lang pansinin 'yong sinabi ko. I mean, mahal kita bilang kapatid. Ako 'yong magpoprotekta sa 'yo bilang kuya mo. Ayoko kasing mag-alala si Tita sa tuwing may nangyayari sa 'yong hindi maganda." saad niya.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pangagamot sa sugat niya.

Paglabas ko ay nakita ko si Tita Angela na parang nag-aalala.

"Are you okay?" tanong niya.

"Opo tita, bakit po?"

"Sorry. Nalaman kasi ni Gerald na dito ka nakatira kaya sumugod siya. Itinatago ko nga sa kaniya na dito ka nakatira pero nalaman pa rin niya. Don't worry sa susunod maglalagay na ako ng security."

"No it's okay Tita. Wala naman pong nanagyari sa 'king masama. Kaso si Ivanne po kasi nasuntok ni Gerald. Pero don't worry tita, ginamot ko na 'yong sugat niya."

"Sorry talaga."

"Hindi niyo po kailangang magsorry Tita. Ako naman po 'yong may kasalanan. 'Wag na lang po nating intindihin 'yon." saad ko.

"Kamusta na nga pala si Ivanne? Is he okay now?"

"Opo tita." maikling tugon ko.

"Sige maiwan muna kita, magpapalit lang ako ng damit." saad niya sabay pasok sa kwarto niya.

Lagi na lang ako ang dahilan kung bakit nasasaktan si Ivanne. Pero hindi ko naman siya masisisi dahil 'yon ang gusto niya.  Pasalamat pa nga ako dahil mayroong taong nagtatanggol sa akin na kagaya niya.

"Sir Nathan sorry po sa nangyari. Hindi ko naman po kasi alam na ex niyo po pala 'yong lalaking 'yon." saad ni Manang ng puntahan niya ako sa taas.

"It's okay Manang. Basta sa susunod po 'wag niyo na po siyang papapasukin dito."

"Eh kamusta naman po si Sir Ivanne?" tanong niya.

"Okay naman na po. Nagamot ko na po 'yong sugat niya."

"Alam mo Sir Nathan, ang sweet po ni Sir Ivanne sa inyo, lagi niya po kayong pinagtatanggol."

"Oo nga Manang eh. 'Di ko akalain na gagawin niya lahat 'yon para sa 'kin. Sobrang thankful po ako kasi nagkaroon ako ng tagapagtanggol na pumalit kay Nanay." Bahagya akong nalungkot ng sinabi ko 'yon.

"Sir, 'wag na po kayong malungkot. Siguro po ay kaloob po ng Diyos na makilala niyo si Ivanne dahil siya pala ang magtatanggol sa 'yo." saad niya. Ngumiti ako sa kaniya.

"Malapit na nga pala 'yong intrams, saang laro ka sasali?" tanong sa akin ni Francis.

"Oo nga, saan ka sasali?" dagdag pa ni Veronica.

"Wala, wala kasi akong hilig sa mga outside games kagaya ng mga ganyan." saad ko.

"Bakit naman?" tanong ni Francis.

" 'Di ko lang alam. Basta ang alam ko wala akong skill pagdating sa sports. Pang-academic lang ata ako."

"I have an idea! Sumali ka na lang sa 'min. Tutal kulang pa kami ng isa, 'di ba Veron?"

"Oo nga! Mukhang masaya kapag nagsama-sama tayo."

"Ayoko. Natatakot ako sa bola. Baka kasi mamaya matamaan pa ako, mapahiya lang ako sa mga audience."

"Hindi 'yan. Kami bahala sa 'yo. Basta magpapractice tayo mamaya." saad niya.

Habang nasa biyahe kami papauwi ay tinanong naman ako ni Ivanne.

"Wala ka bang sasalihan sa Intrams?"

"'Di ako sure. Sabi kasi nila Francis, isasali daw nila ako sa grupo nila sa volleyball."

"Nice! Galingan mo ha!" saad niya.

" 'Di nga ako sanay maglaro eh."

"Kaya mo 'yan. Basta isusupport kita! Ako no.1 supporter mo." saad niya sabay kindat. Hayst baka mafall ako nito sa kaniya dahil sa pinag-gagagawa niya.

Nang makauwi na kami ay kumain na ako dahil may practice pa kami mamaya nila Francis. Nang matapos ay agad na akong gumayak. Siguro ay mamamasahe na lang ako. Ayoko din kasing abalahin  pa si Ivanne. Baka nagpapahinga siya. Aalis na sana ako ng marinig ko ang boses niya.

"Sa'n ka pupunta?" tanong niya.

"Sa school. May practice kasi kami ng volleyball."

"Hatid na kita?"

"Hindi na. Mamamasahe na lang ako."

"No! Sasama ako. Hintayin mo 'ko." pagpupumilit niya. Pumunta siya sa taas para kunin 'yong susi ng kotse niya.

Sumakay na ako. Pagkarating ko sa schook ay agad naman akong sinalubong ni Francis.

"Bes! Wala akong sinabing isama mo 'yong boyfriend mo!" pagbibiro niya.

"Hahaha! Nagpumilit eh. Kaya sinama ko na." saad ko. Katabi ko lang si Ivanne habang naglalakad. Nakita ko siyang nakangiti.

"Oh anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong ko sa kaniya.

"Wala, wala." saad niya.

Mayamaya pa ay inaya na nila ako ay nagpractice na kami. Nanunuod naman si Ivanne sa gilid ng gym habang nakangiti sa akin. Kulang na kang malusaw ako sa titig at sa ngiti niya. Kakaiba talaga ang appeal ni Ivanne.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon