CHAPTER 36
"Paano mo naman nasabi na jowa kita? May pruweba ka ba?"
"Wala. Pero once na lumabas ka ng gate, 'di ako magdadalawang isip na halikan ka."
"Edi gawin mo, kung kaya mo!" panghahamon na tugon ko.
"Hahaha! Bakit? Miss mo na ba 'yong halik ko?" saad niya na nagpatigil sa akin. Anong ibig niyang sabihin? Hinalikan niya na ako dati?
"Hindi! 'Wag ka ngang assuming! at saka isa pa, hindi mo pa 'ko nahahalikan noh!"
"Gusto mo gawin ko ulit para may pruweba?"
Inirapan ko siya. Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to. Akala mo naman kung sinong gwapo. "Saan ka pupunta?" tanong niya nang akmang babalik na ako papunta sa loob ng bahay.
"Wala! Umalis ka nga diyan!" sinunggo ko siya. Lahat na lang ng galaw ko sinusundan talaga ng lalaking 'yon!
Nakakabored dito sa kwarto. Miss ko na si Brent pero bakit parang may kung anong bumabagabag sa puso ko. Bukod kay Brent ay parang may iba pa akong namimiss. Napabuntong hininga na lamang ako. Mayamaya pa ay mayroong kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Anak, buksan mo 'tong pintuan." katok ng isang lalaki.
Agad ko naman itong binuksan dahil gusto ko ding makita ang itsura nito. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang lalaki na medyo matnda na.
"Si-sino po kayo?" tanong ko.
"Ako 'to, 'yong tatay mo."
"Ahm tito, may sasabihin nga po pala ako tungkol kay Nathan." saad niya. Nagtungo sila sa tapat ng kwarto ni Ivanne at doon sila nag-usap. Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga pinagsasasabi nila o hindi. Wala akong natatandaan na may tatay ako. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa bahay nila Brent. Gusto ko siyang puntahan at kausapin para malaman ko ang katotohanan sa pagkatao ko pero hindi pwede, dahil panigurado akong pipigilan na naman ako no'ng Ivanne na 'yon.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Paano ko ba malalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo sa kanila? Kailangan ko pa bang mag inimi-mini mo para lang malaman ko?
Lumabas muna ako ng kwarto ko dahil hindi ako makatulog kakaisip kung sino ba talaga ako. Nakita ko si Ivanne na nasa balkonahe. Napansin ko na parang malungkot siya.
"Bakit malungkot ka?" tanong ko. Umiling ito.
"Wala. Miss ko na kasi si Nathan." malungkot na saad niya. Parang may kung anong kirot akong naramdaman ng sabihin niya iyon. "Matulog ka na, ibabalik na kita bukas kung saan kita kinuha." saad niya habang nanggigilid ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Kung ako talaga si Nathan, tulungan mo ako! Tulungan mo akong alalahanin lahat ng mayroon tayo noon. 'Wag mo muna akong ibabalik."
"Paano kung hindi magwork 'yong gagawin natin? Paano kung hindi mo na maalala lahat?"
"Aalalahanin ko lahat para sa 'yo kasi hindi ko kaya na nakikita kang malungkot. Nasasaktan ako tuwing malungkot ka. Please tulungan mo ako."
Tumango siya bilang tugon sa sinabi ko. Gusto ko ng malaman kung ako ba talaga si Nathan o hindi. Ayoko siyang masaktan.
Kinabukasan ay inumpisahan na namin ang pagpapaalala sa akin lahat ng bagay na nangyari bago ako magkaamnesia. Una kaming pumunta sa tulay kung saan ibinigay niya ang kwintas na suot-suot ko.
"Alam mo para sa akin, heto ang pinakamasayang lugar na napuntahan natin. Bukod sa binigay ko sa 'yo ang kwintas na 'yan, dito mo din ako sinagot, 6 years ago na."
Nakatingin lang ako sa malayo habang sinasabi niya iyon. Hindi ko maalala ang sinasabi niya. Mukhang hindi nga nagwowork ang ginagawa namin.
"Naalala mo ba?" tanong niya.
"Hindi. Wala akong alam na nangyari 'yon. Hindi ko maalala."
"Gano'n ba? May pupuntahan pa tayo. Sana naman ay natatandaan mo ito."
Nagpunta kami sa isang lumang bahay.
"Anong ginagawa natin dito? Kaninong bahay 'yan?" tanong ko.
"Bahay niyo dati 'yan. Dito ka dati nakatira."
"Paano ako napunta sa malaking bahay eh may bahay naman pala kami dito?"
"Wala na kasing mag-aasikaso sa 'yo kaya kinuha ka ni Tita Angela. Pinatira ka niya sa bahay niya. Nagtatrabaho ka kasi dati sa fast food niya. Naaalala mo?"
"Hindi din eh."
"May pupuntahan pa tayong isa."
Dinala niya ako sa isang sementeryo.
"Bakit nandito naman tayo?"
"Basta." saad niya sabay akay sa akin. "Kilala mo 'yan?" tanong niya. "Glenda Monteverde" ang nakasulat sa lapida.
"Sino 'yan?" tanong ko.
"Hindi mo ba talaga siya kilala?"
"Hindi eh."
"Siya si Tita Glenda, ang nanay mo. Namatay siya dahil sa sakit sa puso. Kinuwento mo sa akin noon kaya nalaman ko." paliwanag niya.
Bahagyang sumakit ang ulo ko at parang mayroon akong babaeng nakikita sa isip ko. Malabo ang itsura niya. Sabay kaming tumatawa. Mayamaya ay namatay ang babae.
"Anong nangyayari sa 'yo? Are you okay?"
"Mabuti pa sigurong umuwi muna tayo." saad ko.
"Sige. Bukas naman ay ipapakilala ko sa 'yo 'yong mga taong naging bahagi ng buhay mo." saad niya. Napatango na lamang ako. Kinagabihan ay hindi ako makatulog kaya naman pumunta ako sa balkonahe. Gusto kong masilayan ang mga bituin ngayong gabi. Kay gandang pagmasdan ng mga butuin sa kalangitan. Parang mayroon silang nais sabihin sa akin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang mga tala sa kalangitan.
Mayamaya ay parang mayroong humihikbi. Pinakinggan kong mabuti kung saan nanggagaling ang iyak na iyon. Binuksan ko ng bahagya ang pintuan ng kwarto ni Ivanne. Bumungad sa akin si Ivanne na umiiyak. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang malungkot. Marahil ay namimiss niya na si Nathan.

BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...