Chapter 21

194 9 0
                                    

CHAPTER 21

"Go Ivanne! Go Ivanne!" sigawan ng mga tao sa loob ng gym. Halos puro pangalan ni Ivanne ang isinisigaw ng karamihan.

Tutal marami namang sumisigaw sa kaniya, hindi ko na lang siya ichecheer. Sinunuod ko naman ang gusto niya na gumawa ng banner eh.

Lalo pang lumakas ang sigawan ng makapuntos si Ivanne. Ang galing niya palang magbasketball. No'ng nagpractice kasi sila ay parang lantang gulay lang si Ivanne kung maglaro, pero ngayon ay sobrang husay niya. Halos siya ang laging nakakashoot sa mga kasamahan niya.

Last 1 min. na lang. Halos dikit na dikit ang laban. Isa lang ang lamang ng kalaban nila. Napakaintense ng laro dahil salitan lang ang pagpuntos.

Hawak na ni Ivanne 'yong bola. Ilang segundo na lang at matatapos na ang laban. Sila na ang lamang ngayon.

"10, 9, 8, 7"

Sinipat niyang mabuti ang ring. Bago niya pa ipasok ito ay tumingin siya sa akin at kumindat sabay shoot. Buti na lang at naipasok niya. Hindi ko alam kung sa akin ba siya tumingin. Baka nag-aassume lang ako.

Mas lalong lumakas ang sigawan ng manalo ang koponan nila. Ang saya ko din dahil nanalo sila. Agad ko namang nilapitan si Ivanne.

"Congrats!" nakangiting saad ko.

"Thank you!" saad niya. Pinunasan ko ang pawis niya gaya ng ginawa ko no'ng nagpapractice sila.

Next na kami. Kinakabahan ako. Tinawag na kami.

"Galingan mo ha." saad ni Ivanne sa 'kin. "I have a surprise for you kapag nanalo kayo." saad niya. Napangiti na lamang ako. Para akong kinikilig tuwing nakikita at lumalapit kami sa isa't isa. Kinakabahan na talaga ako. Sana manalo kami.

Sinerve ko ang bola. Buti na lang at hindi natira ng kabila kaya naman nakapuntos agad kami. Nakita ko si Ivanne na abala lang sa panonood sa 'kin. Habang nakatingin ako sa kaniya ay natamaan ako ng bola sa mukha. Napahiya ako. Sumasakit ang ulo ko. Agad namang inilahad ni Ivanne ang kamay niya para kunin ako. Binuhat niya ako at dinala sa clinic.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Ivanne.

"Oo. Okay na 'ko. Thank you nga pala sa pagdala sa 'kin dito."

"Bakit ba kasi hindi ka nagfocus sa bola kanina?"

"Nakatingin kasi 'ko sa 'yo." saad ko. Inamin ko na lang ang totoo. Wala na din kasi akong maisip na palusot.

"Heto, uminom ka muna." saad niya sabay abot ng tubig niya. "Hindi kasi ako nakabili ng tubig. Pagtiyagaan mo muna 'yan."

"So pa'no na 'yong surprise mo sa 'kin?" tanong ko.

"Edi tuloy pa rin." saad niya.

"Ano ba kasi 'yong surprise mo?" tanong ko.

"Basta. Surprise nga 'di ba? Aalis muna ako may kukunin lang ako." saad niya sabay alis.

Naiwan akong mag-isa sa clinic. Umalis din kasi 'yong nagbabantay dito dahil mayroong binili. Pwede naman na akong lumabas pero medyo masakit pa din 'yong ulo ko dahil sa nang

Mayamaya ay mayroong nagtakip ng tela sa mata ko. Mukhang dadalhin ako sa wedding booth. Doon lang kasi may ang bukod tanging booth na may piring. Habang naglalakad ako ay kinakabahan ako. Kanino kaya ako ipapawedding booth? Sino naman kaya ang nakaisip ng kalokohang 'to?

Nang makarating na ako ay konti lang ang tao. Hindi kasi gan'on karami 'yong naririnig kong mga sumisigaw at tumitili. Binibigyan kasi nila ng privacy 'yong mga dinadala dito.

Inupo nila ako sa upuan. Gustong-gusto ko ng tanggalin ang piring ko at tumakbo papalayo pero hindi ko magawa dahil bawal. Kapag kasi hindi ako nakipagcooperate sa kanila y ikukulong nila ako aa Jail Booth ng limang oras.

"Hi!" bati sa akin ng isang lalaki. Pamilyar ang boses niya pero hindi ko alam kung kanino.

"Hello." saad ko.

May nagsalita naman sa likod ko na parang pari. Para talaga kaming totoong ikinakasal.

Sinuotan ako ng lalaki ng singsing na laruan at gano'n din ang ginawa ko sa kaniya.

"You may now kiss the bride!" saad no'ng nagsasalita.

"Pero wait. Bawal magkiss talaga ha!" babala no'ng isa.

Hinalikan ako ng lalaki sa pisngi. Pagkatapos no'n ay hinubad na ang piring naming dalawa. Bumungad sa akin si... Ivanne! Nagulat ako sa kaniya.

"Nagustuhan mo ba 'yong surprise ko?" tanong niya.

"Hindi!" saad ko sabay labas ng pinto. Nakakahiya kasi 'yong nangyari. Parte pa rin ba ng pagpapanggap namin 'yon? Nakakahiya. Sobrang nakakahiya.

Dapat pala hindi na lang ako pumayag na maging jowa niya dahil marami namang tunay na babae na patay na patay sa kaniya at pwede niyang halikan anytime.

Kapag hindi ako nakapagpigil ay ihihinto ko na ang deal namin na 'to. Iba na din kasi ang nararamdaman ko para sa kaniya. Baka mafall lang ako ng tuluyan sa kaniya at sa huli ay iwan niya lang ako sa ere. Mahirap na.

Sakto namang uwian na kaya naman pumara na lang ako ng tricycle sa labas at nagpahatid ako sa bahay ni Tita Angela. Hindi na ako sumakay sa kotse ni Ivanne. Naiinis pa din ako sa kaniya dahil sa nangyari. Okay lang kasi sa akin na halikan niya ako 'wag lang sa may mga taong nakakakita. Baka masira kasi ang image niya at image ko sa school.

"Sir Nathan, bakit parang hindi niyo po kasabay si Sir Ivanne?" tanong sa akin ni Manang. Ako kasi ang nauna sa aming dalawa.

"Mahabang kwento manang. Mamaya ko na lang po sa inyo ieexplain. Magpapalit po muna ako." saad ko.

"Nathan! Nathan! Sorry na! Hindi ko sinasadya!" sigaw niya sa akin habang hinahabol ako.

"Mamaya niyo na lang po sir siguro kausapin kapag lumamig na ang ulo niya." rinig kong sabi sa kaniya ni Manang. Buti na lang at sinunod niya ito. Akala ko ay hahabulin niya pa rin ako.

After kong magbihis ay bumaba na ako. Gusto ko din kasing sabihin kay Manang ang nararamdaman ko para kay Ivanne.

"Sir Nathan, okay na po ba kayo?" tanong sa akin ni Manang.

"Opo manang. 'Wag niyo na lang po akong intindihin."

"Eh ano po ba kasi ang nangyari sa inyo? Bakit parang aso't pusa na naman po kayong dalawa?"

"Si Ivanne po kasi. Hindi ko po kasi inaasahan na ganoon po pala ang surprise niya sa 'kin.

"Ano po bang surprise niya sa 'yo?"

"Ipinawedding booth niya po ako sa sarili niya tapos hinalikan niya po ako sa pisngi."

Nagulat si Manang sa narinig niya.

"Eh sir, parte pa po ba mg pagpapanggap niyo 'yon?"

" 'Di ko nga din po alam Manang eh. Pero kahit parte po siya o hindi, nakakahiya pa rin po ang nangyari kanina."

"Oo nga po. Matanong ko lang po sir, sa tagal niyo na po bang nagpapanggap, wala ka pang nararamdaman para kay sir Ivanne." tanong ni Manang na nagpatahimik sa akin.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon