CHAPTER 15
"Naibigay mo 'yong sulat na pinapaabot ko?" wika sa akin ni Francis. Nandito na naman kami sa cafeteria.
"Oo, naibigay ko na sa kaniya."
"Ano namang reaksyon niya?" tanong niya.
"Wala, inabot niya lang sa akin 'yong sulat. Wala naman siyang naging reaksyon." saad ko. Hindi ko pa din maunawaan kung bakit sinabi ni Ivanne kahapon ang katagang 'yon. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabi niya. "Paano kung pumatol ako?" Ano ibig niyang sabihin? Papatol siya kay Francis? Ayokong sabihin kay Francis ang sinabi ni Ivanne sa akin dahil panigurado ako na aasa lang siya sa lalaking 'yon. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Namimiss ko na si Gerald. Kamusta na kaya siya?
"Bakit ka nakatulala diyan?" tanong sa akin ni Veronica.
"Wala, may iniisip lang ako."
"Oo nga pala, pupunta kami sa inyo sa sabado para naman makapagbpnding tayo." saad ni Francis.
"Gaga! Gusto mo lang talagang makita si Ivanne eh!" singit naman ni Veronica.
"Parang gano'n na nga." saad ni Francis. Tinawanan na lamang namin ang sinabi niya.
"Mauna na ako, bukas na lang ulit." paalam ko.
Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay mayroong lumapit sa aking lalaki na hindi ko naman kilala.
"Pwede bang makipagkaibigan?" tanong niya. Masama ang tingin niya sa akin. Ewan ko kung anong meron sa kaniya.
"Ayoko." saad ko sabay lakad ng matulin pero naabutan niya ako. Hinawakan niya ako sa kamay at nagtapat ang aming mga mata. Hinalikan niya ako ng hinalikan. Hindi ako makagalaw dahil hawak niya 'yong mga kamay ko. Sumigaw sigaw ako. Kaagad namang dumating si Ivanne para iligats ako. Hinatak niya ang lalaki at sinuntok pero gumanti ito. May pasa na ang mukha ni Ivanne at dumadami na ang mga tao na nanunuod sa kanila. Inawat naman ng guard ang dalawa at dinala sa guidance.
"Ano ba talaga ang nangyari? Bakit kayo nag-away?" tanong ni Ms. Faustino, ang teacher sa guidance office.
"Ipinagtanggol lang naman po ako ni Ivanne dito sa lalaking 'to. Agad niya po kasi akong hinalikan." paliwanag ko.
"Ma'am hindi ko po siya hinalikan! Kaagad po akong sinuntok nitong lalaking 'to! Gusto ko lang naman pong makipagkaibigan sa kaniya." depensa ng lalaki na nambugbog kay Ivanne.
"Sinungaling! Napakabastos mo!" saad ko.
"Shhh stop! Bukaa ng umaga, kailangan ko ang magulang niyo! Did you understand?" awat sa amin ni Ms. Faustino.
Habang nasa biyahe kami ay nagsorry ako kay Ivanne.
"Ivanne sorry! Nang dahil sa 'kin nagkapasa ka at napatawag pa si Tita Angela.
Hindi ito kumibo. Nakatingin lang ito sa daan habang nagdadrive. Nagi-guilty ako sa nangyari kanina. Nakakainis naman kasi 'yong lalaking 'yon! Bwiset!
"Ano pong nangyari kay sir Ivanne?" tanong sa akin ni Manang ng makauwi kami sa bahay.
"May bumugbog po kasi sa kaniya. Pinagtanggol niya lang po ako pero binugbog siya no'ng lalaki."
Kumain muna ako. Siguro ay mamaya ko na lang siya kakausapin at pupuntahan dahil alam kong mainit pa rin ang ulo niya dahil sa nangyari. Nanag matapos akong kumain ay pumunta na ako sa kwarto niya dala-dala ang gamot. Gagamutin ko ang mga pasa niya sa mukha.
Pinihit ko ang doorknob ng pintuan niya. Buti na lang at nakabukas ito. Pumasok ako. Pinadalan ko na din siya ng pagkain sa isang katulong.
Agad kong kinuha ang betadine at bulak sa loob ng maliit na lalagyan na bitbit ko kanina.
"Ivanne sorry sa nangyari kanina. Dahil sa 'kin nagkapasa ka tuloy." saad ko habang nakaupo siya sa kama niya.
Nilagyan ko ng betadine ang bulak at ipinahid ko sa pasa niya. Buti na lang at hindi siya umangal. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya dahilan para magkatitigan kami. Mayamaya ay may kumatok dahilan para maiiwas ko ang tingin ko sa kaniya.
"Sir, heto na po 'yong pagkain ni Sir Ivanne." saad ng isang katulong. Kinuha ko sa kaniya ang pagkain at ibinaba sa table niya.
"Dapat kasi hindi mo na ginawa 'yon." saad ko.
Napatingin ulit siya dahil sa sinabi ko. "Kung 'di ko ginawa 'yon paano ka? Binastos ka no'ng lalaking 'yon tapos sasabihin mo hindi ko na lang dapat ginawa 'yon?"
"Dahil sa 'kin na office ka tuloy. Nag-aalala lang din naman ako kasi baka kung ano mangyari sa 'yo."
Tumahimik na lamang siya. Nang dahil sa 'kin kailangan tuloy ipatawag si Tita.
"Kumain ka na. 'Wag kang magpapalipas ng gutom." bilin ko bago ako umalis. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nag-aalala sa kaniya. Umalis na ako at bumaba. Dumating naman si Tita.
"Hi Nathan, nabalitaan ko 'yong nangyari sa inyo kanina." sambit ni Tita ng makasalubong ko pababa ng hagdan.
"Opo Tita. Nabugbog po kasi si Ivanne. 'Wag ka na pong mag-alala Tita, ginamot ko na po siya."
"Ikaw kamusta ka? Are you okay?"
"Hindi po gaano. Nang dahil po kasi sa 'kin naguidance si Ivanne saka kailangan po kayong ipatawag sa school bukas."
"Don't blame yourself. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Pinagtanggol ka lang naman ni Ivanne. Don't worry pupunta ako bukas." saad niya. Niyakap ko siya dahil sa tuwang nararamdaman ko. Akala ko kasi ay hindi siya makakapunta dahil busy siya sa trabaho.
"Mr. Monteverde, pinapatawag ka ni Ms. Faustino sa Guidance Office!" saad ni Ms. Agoncillo. Dali-dali akong pumunta sa office para ipaliwanag ang nangyari kahapon.
"Ano ba talaga ang nangyari kahapon?" tanong niya pagdating ko.
"Naglalakad po ako papunta sa parking lot tapos ay bigla na lang po akong hinila ng lalaking 'yan at hinalikan." saad ko.
"Sa tingin mo magagawa 'yon ng anak ko? Hindi siya papatol sa isang kagaya mo!" depensa naman ng magulang ng nakaaway ni Ivanne.
"Totoo ba 'yon, Tristan?" tanong ni Ms. Faustino.
"Hindi po. Sinuntok niya lang po ako kaagad."
"Sinungaling ka! Nagsasabi po ako ng totoo!"
"Shhhh! Stop !Ang punishment niyong dalawa ay ikaw Mr. Aguirre you're suspended for 3 weeks. Hindi ka muna papasok dito! At ikaw naman Mr. Gutierrez, you're suspended for a month! Kukunin niyo lang ang mga school works niyo dito para sagutan sa bahay! Did you understand!" Napatango na lamang kami. Kasalanan ko 'to!
"Ms. Faustino baka naman po pwedeng ako na lang ang masuspend. Kasalanan ko naman po talaga kung bakit nadamay sa gulo si Ivanne."
"No! Ang sinabi ko ay sinabi ko! Hindi na pwede pang mabago 'yon! You can now go to your classroom!" utos niya. Napayuko na lamang ako. Wala akong nagawa para ipagtanggol si Ivanne matapos ang ginawa niya akong ipagtanggol kahapon.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...