CHAPTER 3
"Hi!" bati sa akin n'ong isang kasamahan ko sa trabaho.
"H-hi!" nauutal na bati ko. Siya si Gerald Mendez. Halos matanda lang siya ng dalawang taon sa akin.
"Kamusta ka? Are you okay?" Napansin kasi niyang nakasimangot ako.
Tinanguan ko lang siya. "Kain tayo sa labas after?"
"Ha? Eh kailangan ko kasing umuwi ng maaga mamaya. Wala kasing magbabantay kay Nanay eh."
"Gano'n ba? Hmm... sige next time na lang." Nakita ko na sumimangot ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Sige na nga! Payag na 'kong lumabas tayo mamaya." saad ko. Biglang lumawak ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Inaantay niya lang talaga ang pag sang-ayon ko.
"Sige. Kita na lang ulit tayo mamaya." saad niya sabay balik sa ginagawa niya. Dishwasher ang trabaho niya dito.
Nang matapos kami sa trabaho namin ay kumain na kami sa labas.
"Kamusta na si Tita?" tanong niya habang kumakain kami.
"Ha?" balik na tanong ko.
"I mean, kamusta na 'yong Mama mo?"
"Ayos naman." maikling tugon ko.
"Hahaha 'yon lang? Magkwento ka naman about sa family mo."
"N'ong bata pa ako, iniwan kami ng tatay ko siguro mga 6 years old ako no'n, and then si Nanay 'yung nagtaguyod sa 'kin. Namasukan siya sa kapitbahay namin bilang katulong tapos ayon nagkasakit siya."
"Ang lungkot naman pala ng buhay mo."
"Oo nga eh. Ikaw?"
"So ayon, Si Mom and Dad nagtatrabaho sa kumpanya nila. Halos hindi na nga nila ako nababantayan eh."
"Eh bakit nagtatrabaho ka? 'Di ba mayaman naman kayo? Bakit hindi ka na lang sa kumpanya niyo pumasok?"
"Ayoko, ampon lang kasi ako ni Mom and Dad. Tanggap ko naman 'yon. Kaya ako nagtrabaho dito para may makausap ako. Halos buong araw lang kasi akong nakatunganga sa bahay. Akala ko kapag mayaman ka, makukuha mo lahat ng gusto mo pero hindi pala. Nagkamali ako. Puno ng gadgets 'yong kwarto ko. Halos lahat mayroon ako pero ang pagmamahal ng isang magulang wala. Hindi ko maramdaman na mahal nila ako." saad niya. Bahagyang may kumurot sa dibdib ko.
"Sorry, 'di ko sinasadya."
"Okay lang. Buti nga nakakausap kita eh. Alam mo bang sa 'yo ko lang lahat nasabi 'to?"
Ngumiti ako at nagsalita. "Basta kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako." saad ko. Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Siya ang nagbayad lahat. Ang lungkot din pala ng buhay niya.
"Oh anak bakit ginabi ka?" bungad sa akin ni Nanay ng makauwi ako.
"Wala nay, inaya po kasi ako ng katrabaho ko na kumain sa labas."
"Naku, ano naman pangalan?" curious na tanong ni Nanay.
"Si Gerald po Nay."
"Sigurado bang kumain lang kayo? Baka mamaya nagdedate na pala kayo hindi ko pa nalalaman ha."
"Hahaha nay, alam ko naman na hindi papatol sa kagaya ko 'yon noh!"
"Hahaha basta anak, support lang ako sa 'yo. Kahit anong gusto mo susuportahan ko."
Ang sarap sa pakiramdam na mayroon kang supportive na Nanay. Ang swerte swerte ko talaga dahil binigyan niya akong ng isang inang kagaya niya.
"Oh anak bakit 'di ka pumasok ngayon?" tanong sa akin ni Inay habang naghuhugas ng mga pinagkainan namin kinaumagahan.
"Wala po kasi kaming trabaho kapag linggo nay, church day daw po kasi kapag linggo." saad ko kay Nanay.
"Oo nga pala anak, hindi na nga pala tayo nakakapagsimba tuwing linggo."
"Oo nga po nay, pero alam kong naiintindihan naman po ng Diyos dahil mayroon po kayong karamdaman."
Mayamaya ay mayroon akong narinig na bumusina sa labas ng aming bahay.
Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Gerald."Hi! Good Morning!" nakangiting bati niya.
"Bakit ka nandito? Saka bakit mo nalaman 'yong bahay namin?"
"Hahaha 'di ba hinatid kita kagabi?" Biglang pumasok sa isipan ko 'yong sinabi niya.
"Hahaha oo nga pala,sige tara sa loob pasok ka. Pasensiya na medyo makalat."
"Ayos lang. Aayain sana kitang magsimba ngayon."
"Sige diyan ka muna magbibihis lang ako."
"Anak sino 'yang bisita mo?" tanong ni Nanay habang nasa kusina.
"Oo nga po pala Nay, heto nga po pala si Gerald, siya po 'yong kinukwento ko sa 'yo na nag-aya sa 'king kumain kagabi." saad ko.
"Hello po Tita!" saad niya sabay alalay kay Nanay.
"O nay, maiwan ko muna kayo diyan, magbibihis lang ako."
Agad akong pumunta sa banyo at naligo. Nang matapos ako ay nagtungo ako sa kwarto para magbihis. Isinuot ko ang bago kong damit na iniregalo sa akin ni Nanay noong birthday ko.
Inaya ko na siyang pumunta sa simbahan.
"Nay alis na po kami." paalam ko kay Nanay.
"Sige anak, isimba mo na lang ako." rinig kong sabi niya.
Pagdating namin sa simbahan ay muntik na kaming mawalan ng upuan. Buti na lang at may naabutan pa kaming bakante.
"Salamat nga pala sa pagsama sa 'kin dito ha." saad niya.
"Okay lang 'yon. Matagal na din kasi akong hindi nakakapagsimba, saka kailangan ko ding ipagdasal si Nanay para sa karamdaman niya.
"Sige tara, ipagdasal natin si Tita." saad niya.
Lumuhod kami at ipinikit ang aming mga mata.
Lumipas pa ang maraming araw at unti-unti na akong napapalapit sa kaniya. Mas dumalas pa ang pagkain namin sa labas at mas madalas kaming magkasama.
"Pwede bang manligaw?" Nagulat na lamang ako sa tinanong niya.
"Ha? A-alam mo naman na ganito ako 'di ba?"
"Oo alam ko pero, mahal na kita. Hindi ko na pwede pang pigilan ang nararamdaman ko sa 'yo."
Pumayag na lamang ako sa sinabi niya. Unti-unti na din kasi akong nahuhulog sa kaniya. Lumipas ang ilang buwan ay sinagot ko na din siya.
"Gusto ko sanang imbitahan ka sa dinner namin." saad niya. "Gusto kasi ng parents ko na makilala ka." 'Di ko maiwasang kabahan dahil sa paanyaya niya. Baka hindi ako magustuhan ng mga magulang niya.
Pagdating namin sa bahay nila ay bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Dinaanan niya ako sa bahay namin para makapunta ako sa kanila. Hindi ko pa kasi alam kung saan 'yong kanila. Ngayon pa lang ako makakapunta at makakapasok sa bahay nila. Ngayon ko lang din makikilala ang parents niya.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...