CHAPTER 37
Kinabukasan ay wala pa rin akong naalala. Nais ko na sanang magbalik lahat para maging masaya na si Ivanne.
"Heto nga pala si Tita Angela. Siya 'yong nagdala sa 'yo dito." pakilala ni Ivanne sa isang babae pagbaba ko ng hagdanan. "Naalala mo?"
"Hindi eh. Pasensiya na po kayo." saad ko.
"Heto naman si Tito. Ang tatay mo." pakilala niya sa isang matandang lalaki. "Naaalala mo?"
"Hindi pa din eh."
"Heto si Manang. Lagi kayong magkausap niyan dati."
"Hi sir Nathan!" bati nito.
"Sorry pero, hindi ko po kayo natatandaan. Pasensiya na po. Sorry talaga."
"Okay lang. Naiintindahan naman namin." saad ng babae na Tita ni Ivanne.
"Sumama ka na lang sa akin, may pupuntahan pa tayo." aya niya.
Pumunta kami sa isang restaurant.
"Anong meron dito? Bakit tayo nandito?" tanong ko.
"Basta."
Naupo kami sa table na mayroong isang lalaki at isang babae.
"Bes! Kamusta ka na!" saad ng babae
"Bes! Namiss ka namin." saad ng lalaki.
Napakunot ang noo ko. "Sino sila?" tanong ko kay Ivanne.
"Mga kaibigan mo sila noon. Si Veronica at si Francis. Lagi kayong magkakasama noon."
"Nabalitaan namin 'yong nangyari sa 'yo. Okay lang naman kung hindi mo kami maalala. Naiintindihan naman namin 'yong nangyari sa 'yo."
"Pasensiya na talaga, hindi ko kayo maalala."
"Ano ka ba bes? Okay lang noh! Kami nga dapat ang magsorry sa 'yo kasi hindi ka namin nadalaw noon." saad no'ng lalaki.
Wala talaga akong matandaan ni isa sa lahat ng pinakilala sa akin ni Ivanne. Hindi ko sila marecognize.
"Pasensiya na, hindi ko talaga sila maalala." saad ko kay Ivanne habang nasa biyahe kami papauwi.
"Hayaan mo na. Baka hindi pa talaga ready 'yong isip mo na maalala silang lahat. May isa pa sana ako sa 'yong ipapakilala kaso hindi ko alam mung saan na siya nagpunta."
"Sino?"
"Si Gerald, 'yong ex mo, kaso lang, hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Siya 'yong kinwento mo sa akin na nanakit sa 'yo. 'Wag na lang siguro nating pag-usapan." saad niya.
Paulit-ulit kong binanggit sa isipan ko ang pangalan niya pero hindi ko pa rin siya maalala. Ako ba talaga si Nathan?
Halos araw-araw ko na lang iniisip at inaalala ang mga tao at mga lugar na naging bahagi ng nakaraan ko pero wala. Hindi ko maalala."Siguro, mas mabuti nang isauli na lang kita kung saan kita nakuha. Baka sakaling makapag isip-isip ka do'n." saad niya sa malungkot na tono.
"Ayaw ko! Dito lang ako. Ayaw kong maging malungkot ka dahil sa 'kin. Pipilitin kong alalahanin lahat para sa 'yo. 'Di ba nangako ako? Gagawin ko lahat para maalala ko." tugon ko. "Hintayin mo na lang, malay mo sa ibang araw maalala ko na." Hindi na siya kumibo pa.
Kinabukasan ay pinaalala niya pa sa akin 'yong iba naming alaala. Parang ang saya ko kapag kasama ko siya. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Sa tuwing kasama ko siya ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko pero naiisip ko pa rin si Brent. Feeling ko ay nagtataksil ako sa kaniya sa tuwing kasama ko si Ivanne.
Isang gabi ay sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ako makatulog sa sobrang sakit. Uminom na ako ng gamot pero hindi pa rin ito natatanggal. Parang binibiyak ang ulo ko. Mayamaya pa ay mayroong mga nagflashback na mga malabong alaala at unti-unti itong lumilinaw. Nakikita ko si Ivanne, si Tatay, Si Tita Angela, si Francis, si Veronica at si Brent sa alaala ko. Mabilis na nagpaflashback ang mga ito sa utak ko. Mula ng magkilala kami ni Ivanne at hanggang sa sinagot ko siya hanggang sa naaksidente na ako at nawalan ako ng malay. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit naaalala ko ang mukha ni Brent samantalang ngayon ko pa lang naman narinig ang pangalan niya.
Mayamaya pa ay nagflashback ang mukha niya at ang lahat ng nangyari sa amin hanggang sa napagtanto ko na si Brent ay si...Gerald!
Bumalik ang alaalang idinulot niya sa akin. Lahat ng sakit ay nagbalik din. Nagpanggap lang pala siyang si Brent para makasama ako. Bumalik din ang alaalang kinausap ko ang magulang ni Ivanne pero hindi ko tanggap nito para sa anak niya. Sobrang sakit! Iyak ako ng iyak. Mahal na mahal ko si Ivanne pero sa tingin ko ay mas makabubuting hindi ko muna sa kaniya aminin na naaalala ko na ang lahat.
Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa sinag ng araw na tumatama sa bintana ng kwarto ko.
Naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko na muna talaga aaminin sa kaniya. Kailangan kong kausapin si Gerald kung bakit niya nagawa sa akin ito.
"Kamusta ka Nathan? Okay ka lang?" tanong sa akin ni Ivanne habang kunakain kami. Napansin niya sigurong nakatulala ako.
"Oo. Ayos lang ako." tugon ko.
"Bakit parang mugto yata 'yang mata mo? May problema ka ba?"
"Wala. Kumain ka na lang diyan, wag mo na lang akong intindihan." saad ko.
Kailangan ko 'tong gawin para sa magulang ni Gerald at mas lalong kailangan ko 'tong gawin para sa 'min. Naiintindihan ko naman ang magulang niya. Kahit masakit, ay kakayanin at pipilitin ko.
"May gagawin ka ba mamaya?" tanong niya.
"Wala naman, bakit?"
"Labas tayo mamaya." aya niya. Hindi na ako nakatanggi pa.
Sobrang saya ng naging paglabas namin. Marami kaming lugar na pinuntahan. Ang saya talaga niyang kasama. Gusto kong aminin kay Ivanne na bunalik na ang alaala ko pero hindi pwede. Hindi ko dapat aminin sa kaniya.
"Nag enjoy ka ba?" tanong ni Ivanne sa akin habang nasa biyahe kami papauwi.
"Oo. Salamat ha!" saad ko.
"Kamusta ka nga pala? Wala ka pa bang naaalala?" tanong niya. Bahagya akong natigilan.
"Wala pa. Siguro matagal talagang magfunction 'yong utak ko dahil sa nangyaring trahedya sa 'kin. Pasensiya na."
"Hindi mo kailangang magsorry. Okay lang. Basta ang mahalaga, nandito ka sa tabi ko." saad niya na nagpangiti sa akin. Hindi pa din talaga nawawala ang pagiging sweet niya.
Kinabukasan ay mayroon akong isang lalaki na natanaw sa labas na halos sirain na ang gate ng bahay ni Tita Angela.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Roman pour AdolescentsMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...