CHAPTER 23
"Opo Tita. Sorry po kung sinikreto namin sa 'yo. Baka po kasi kung ano'ng isipin niyo." mahinahong saad ko.
Ngumiti ito. "Okay lang. Masaya nga ako kasi nagpanggap kayo. I think, bagay kayo." saad niya.
"Luhh. Hindi Tita noh."
"Hahaha type mo ba si Ivanne?" tanong niya. "Bawal magsinungaling. Kitang kita ko sa mga mata mo."
"Opo Tita. 'Wag na lang po kayong maingay kay Ivanne. Alam ko naman po kasing hindi ako magugustuhan no'n."
"Hahaha okay! Noted! Basta support ako sa inyong dalawa." saad niya. Bumalik na kami sa upuan namin.
"Bakit hindi kayo magbonding dalawa? I mean, tutal close naman na kayo sa isa't isa, siguro you need bonding like pasyal sa mall, kumain sa labas and so on.."
Nagkatinginan kami ni Tita Angela. Mukhang gumagawa si Tita para magustuhan ako ni Ivanne Paktay! "Ano sa tingin mo Ivanne?""Ahh yes po Tita. Naisip ko na nga din po 'yan eh. Nahihiya lang po ako kay Nathan baka hindi siya pumayag."
"By the way, mauuna na ako, siguro pag-usapan niyo na lang 'yan. Sorry ha, I have to go na." saad niya sabay alis. Hayst ano ba 'tong idea na naisip ni Tita Angela.
Nagtitinginan lang kami ni Ivanne. Hindi ako makapagsalita.
"S-so ano? Pasyal tayo sa mall mamaya?" tanong niya sa akin."
"Ahh-ehh----"
"Don't worry treat ko."
Tumango na lamang ako. Wala na kasi akong choice na umayaw pa. Nakakahiya kay Ivanne.
Nagpunta ako sa kwarto para magbihis. Lahat na ng damit ko ay naisukat ko pero wala akong magustuhan. Mayamaya pa ay kumatok na si Ivanne.
"Nakabihis ka na ba?" tanong niya.
"H-hindi pa. Wala kasi akong maisip na maisuot."
"Bibigyan na lang kita ng damit. Tutal marami namang nakatambak sa cabinet ko na mga na hindi ko naisusuot na damit, baka may magustuhan ka. Wait lang."
"'Wag na. Nakakahiya na. Andami mo na sa aking naibigay."
"No, okay lang." saad niya sabay punta sa kwarto niya at kuha ng damit.
Binigay niya sa akin ang isang damit na kulay pula. Jusko ano ba 'yan bakit pula pa, inlove nga ako pero hindi ko naman dapat ipangalandakan 'yon. Agad ko itong isinuot.
Pagpunta namin sa mall ay nagpunta kami sa bilihan ng watch.
"Sir bili na po kayo ng couple watch." saad no'ng isang babae. Halos puro couple watch ang available dahil malapit ng magvalentines.
"Ate magkano dito?" saad niya habang tinitingnan ang magandang relo.
"1,500 po." saad no'ng nagbebenta.
Agad niyang kinuha ang wallet niya at binayaran.
"Hati na lang tayo sa pambayad." saad ko.
"'Wag na. Ako naman nag-aya ng date na 'to kaya ako ang magbabayad."
Ano daw? Date? Ang kapal naman neto. Ang naalala ko lang na sinabi niya ay lalabas kami at hindi magdedate! Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang relo na binili niya.
Pagkatapos ay inaya niya naman ako sa fast food. Nagugutom na daw kasi siya. Umorder siya ng spaghetti, burger at french fries.
Habang kumakain ako ay nalagyan ng sauce ng spaghetti 'yong mukha ko. Pupunasan ko na sana ng hawakan niya ang tissue niya at ipinunas sa gilid ng pisngi ko. Nagtama na naman ang mga mata namin. Halos kalahating minuto kaming nakatitig sa isa't isa.
"Sir, heto na po 'yong drinks niyo." saad ng isang lalaki. Nabalik na lamang ako sa ulirat ng marinig ko 'yon.
"Sige thanks!" sagot naman niya.
Nang matapos kami ay pumunta kami sa World of Fun para maglaro. Halos puro bata ang nandito.
Nagtungo kami sa claw machine kung saan kukunin mo ang mga stuffed toys. Ang cute nila. Kaagad namang kumuha si Ivanne ng token at inihulog dito. Marami din siyang naihulog na pera bago niya nakuha ang stuffed toy na panda.
"Heto oh." sabay abot niya. Sobrang cute talaga ng panda.
"Bakit mo ibinibigay sa 'kin? 'Di ba ikaw nagpakahirap niyan?"
"Pinaghirapan ko talaga 'yan para sa 'yo. saad niya. 'Di ko maiwasang mapangiti. Favorite ko kasi ang panda.
Pag-uwi namin ay didiretso na sana ako sa kwarto ko ng biglang pigilan niya ako.
"Thank you nga pala sa pagpayag mo kanina."
"Wala 'yon. Ako nga ang dapat magpasalamat sa 'yo kasi binigyan mo 'ko ng relo saka nitong stuffed toys."
"Basta ikaw. Malakas ka sa 'kin eh."
"Salamat. Nag-enjoy ako!" saad ko. Bumitaw na ako pagkakahawak niya sa akin. Inaantok na din kasi ako dahil napagod ako sa biyahe.
Niyakap ko ang stuffed toys na binigay niya sa akin. Sobrang bait talaga ni Ivanne. Tama nga si Manang.
"Sir Nathan alam niyo po, ngayon ko lang po ulit nakita na ganyan kasaya si sir Ivanne simula no'ng nagbreak sila ni Heaven." saad ni Manang kinabukasan habang nakatambay ako sa kusina. "Kamusta po pala 'yong lakad niyo kahapon?"
"Okay naman po Manang, actually binilhan niya po ako nitong relo. Sobrang mahal nga po nito eh. Tapos binigyan po niya ako ng stuffed toy."
"Ang sweet naman po ni Sir Ivanne sa inyo. Baka po mas lalo kayong mafall niyan."
"Oo nga po manang eh. Pinipigilan ko nga po 'yong sarili ko pero hindi ko magawa. Tuluyan na pong nahuhulog 'yong loob ko kay Ivanne."
"Basta sir Nathan, pinapaalalahanan kita, mas maigi na pong maging handa kaysa sa masaktan ka lang sa dulo." saad niya.
"Sige po Manang, mauna na po ako. Pupunta pa po ako sa lumang bahay namin." paalam ko.
Umakyat ako sa taas at tinawag ko si Ivanne para magpahatid sa lumang bahay namin. Agad naman siyang tumalima sa sinabi ko.
Pagdating namin ay mayroon akong nakita na isang kotse na nakaparada sa harap ng luma naming bahay. Nagtataka din ako kung bakit bukas ang bahay namin samantlang iniwan ko 'yong ng bukas. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harap ng pintuan habang sumusunod sa akin si Ivanne.
Pagdating ko sa harap ay nakita ko na may nakaupong isang lalaking nakaputi. Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Sino siya? Anong ginagawa niya dito?
Siguro ay naulinigan niya parang may tao kaya naman napalingon siya sa akin.
"Tay?" bulong ko sa isip ko. Nakita ko na kasi ang itsura niya sa picture na ibinigay sa akin no'n ni Nanay. Wala pa ding pinagbago ang itsura niya."Dad?" tanong naman ni Ivanne at pumasok ito saka siya niyakap.
Magkakilala sila?
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...