Chapter 7

231 12 0
                                    

CHAPTER 7

Nagising na lamang ako sa ingay ng sasakyan ni Ma'am Angela. 'Di ko maidilat ang mata ko sa sobrang kapal ng muta na bumabalot dito dahil sa luha na natuyo kagabi.

Kinusot ko ito pero ayaw matanggal. Tumingin ako sa orasan. Pasado alas-9 na pala ng umaga kaya dali-dali akong nagpunta ng banyo para maghilamos. Pagbukas ko ng banyo ay 'di ko namalayan na may tao pala.

"Hey! What are you doing here?" saad nung lalaki habang naliligo. Sa tingin ko ay 20 years old na siya. Napatakip na lamang ako ng mata ko at dali-daling lumabas. Sinundan naman ako nito habang nakatapis siya ng twalya. "Magnanakaw ka siguro noh?"

"Ha? Hindi ha! Baka ikaw ang magnanakaw!"

"Hindi mo ba alam na kapatid ng Mama ko si Tita Angela kaya nandito ako! Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Siya siguro 'yong sinasabi ni Ma'am Angela kahapon na lalaking galing states.

"Basta! Wala ka ng pakialam do'n" saad ko. "Bilisan mo nga diyan. Malelate na ako."

"Hahaha are you kidding me? Bakit mo ako inuutusan eh hindi nga kita kilala? Magnanakaw ka ba?"

"Bakit mukha ba akong magnanakaw?"

"Hahaha sa itsura mo pa lang mukha ka ng magnanakaw." saad niya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Lakas makainis ng tao na 'to. Agad akong pumasok sa banyo kaya wala siyang nagawa. "Hoy wala kang mananakaw diyan!" saad niya sa labas. Umirap na lang ako at naghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay lalabas na sana ako pero hinarang niya ako sa pintuan ng banyo. Nakahawak siya sa dalawang hamba ng pintuan kaya wala akong dadaanan.

"Sino ka ba talaga? Anong ginagawa mo dito?"

"Eh pa'no kung sabihin kong magnanakaw talaga ako? Anong gagawin mo sa 'kin?"

Itinulak ko siya dahilan para matanggal ang pagkakahawak niya sa hamba ng pintuan at bumalik ako sa kwarto ko. Late na talaga ko! Bwisit kasing lalaking 'yon! Mayamaya ay may nakita akong sticky note na nakalagay sa table ng kwarto kaya naman binasa ko ito.

"Simula ngayon ay hindi ka na papasok sa fast food dahil panigurado akong hahanapin ka lang ni Gerald." -Tita Angela.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hayst bwisit naman! Anong gagawin ko dito sa bahay? Tatambay ako maghapon kasama ang lalaking 'yon? Gusto ko mang pumunta sa dati naming bahay ay hindi ko magawa dahil wala naman akong pamasahe.

Hayst jusko mukhang impyerno buhay ko kapag kasama ko 'yong lalaking 'yon. Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng gutom kaya naman bumaba ako. Habang bumababa ako ay nakita ko na naman 'yong lalaking masakit sa mata na 'yon. Wala din naman kasi akong choice kung 'di bumaba dahil nagugutom na ako.

"Sir, nabasa niyo po ba 'yong sticky note sa table niyo?" tanong sa akin ng isang maid na sa tingin ko ay nasa edad 40's na siya.

"Opo manang nabasa ko po." saad ko sabay upo sa upuan. Buti na lang at mahaba ang lamesa kaya hindi ko makakatabi 'yong lalaki na 'yon.

"Manang can i ask you kung sino 'tong lalaking 'to?"

"Ayy sir inampon po ni Ma'am Angela 'yan."

"Inampon?"

"Opo, ulila na daw po 'yan kaya pinatira na lang po dito ni Ma'am Angela."

Tumingin ako sa lalaki at inirapan ko lang siya. Buti nga sa kanya! Napahiya tuloy siya.

Pagkatapos kong kumain ay naglibot-libot ako sa likod ng bahay at naisipan kong mag-swimming. Tutal maaraw naman. Agad akong nagswimming. Hindi ko namalayan na nakaupo pala malapit sa pool 'yong lalaking kinaiinisan ko. Galak na galak ako sa paglangoy ng mawisikan ko ng tubig ang gadget na ginagamit niya.

"F*ck! Bakit mo binasa ang gadgets ko? 'Di mo ba alam na ang mahal mahal nito? Sh*t!" Agad naman siyang pumasok sa loob para punasan ito.

Agad ko siyang hinabol para humingi ng sorry pero pumasok na siya sa kwarto niya. Nakonsensiya ako sa ginawa ko kahit 'di ko naman intensiyon. Kinatok ko ang pintuan niya para magsorry kaya binuksan niya ito. Nang makita niya ang mukha ko ay sinara na namam niya ito at hindi na binuksan.

"Sorry na po talaga, hindi ko naman sinasadya." saad ko pero hindi niya pa rin ito binubuksan. Naglinis na ako at pumunta na ako sa kwarto ko. Ano ba pwedeng gawin ngayon? Nakakabored naman. Lumabas ulit ako ng kwarto ko para maghanap ng kung ano pwede kong gawin.

Alam ko na! Magdidilig na lang ako ng halaman sa likuran ng bahay. Agad akong nagtungo doon para magdilig ng halaman.

"Manang nadiligan na po ba 'tong mga halaman na 'to?"

"Naku hindi pa po sir."

"Ako na lang po magdidilig nito." saad ko. Gustong gusto ko ang mga halaman. Nakakawala kasi ito ng stress. Habang nagdidilig ako ay kinakausap ko ang mga halaman.

"Ang ganda naman ng mga bulaklak na 'to. Siguro alagang alaga kayo sa dilig dito noh?"

"Tsss.." rinig kong saad ng lalaki sa likod ko. Umiling-iling pa ito. Siguro ay narinig niya na kinakausap ko ang mga halaman.

"Sorry nga pala sa nagawa ko kanina. Hindi ko sinasadya." saad ko. Walang lumabas sa bibig niya.

Mayamaya pa ay dumating na si Tita Angela. Galing siya sa Fast food.

"Hi Nathan, kamusta ka?" tanong ni Tita Angela pagbaba niya ng kotse.

"Okay naman po."

"Hi tita!" masiglang bati ng lalaki sa kaniya sabay halik sa pinsgi ni Tita Angela.

"You met each other already?" tanong no Tita sa aming dalawa. Sabay kaming tumango kaya naman napatingin kami sa isa't isa.

"Oo nga pala, nakalimutan kong isulat do'n sa sticky note na nandito na siya ngayon. Siya nga pala 'ying sinasabi ko sa 'yo na si Ivanne." pakilala ni Tita sa kaniya. "Heto naman si Nathan." pakilala sa akin ni Tita.

Ngumiti ako ng plastik sa kaniya pero hindi naman niya ako nginitian.

"Sana maging nice kayo to each other. Tutal wala naman akong gagawin mamaya, can we go to the mall?"

"Sige Tita, magbibihis lang ako." saad ni Ivanne.

"Oh bakit nandiyan ka pa? Magbihis ka na. Bibili tayo ng bagong damit. " Agad naman akong pumanik sa taas para magbihis.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon