CHAPTER 22
"Meron na po." maikling tugon ko. Natigilan siya ng sabihin ko 'yon.
"Mas mainam na po siguro na iwasan niyo muna siya."
Marahil ay tama si Manang, kailangan kong iwasan si Ivanne para hindi na lumala pa ang nararamdaman ko sa kaniya.
Kinagabihan ay hindi ako makatulog. Nagiguilty kasi ako sa nagawa ko kay Ivanne dahil hindi ko siya pinatawad. Maliit na bagay lang naman ang ginawa niya sa akin. Gusto kong lumabas at sabihin sa kaniya na pinapatawad ko na siya pero hindi ko magawa. Nahihiya ako. Kinalma ko ang sarili at huminga ng malalim. Susubukan kong kausapin siya.
Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko siya. Marahil, kanina niya pa ako hinihintay sa labas at gusto rin kausapin.
"Sorry nga pala sa nagawa ko kanina." saad niya habang malungkot.
"Sige! Basta 'wag mo na lang uulitin. Ayoko kasi ng hinahalikan ako sa harap ng maraming tao." saad ko.
"Salamat!" saad niya sabay yakap sa akin na ikinabigla ko. "Sorry. Gusto mo do'n muna tayo sa kwarto ko?" aya niya. Agad naman akong sumama sa kaniya dahil hindi ako makatulog. Hindi ko talaga magaeang iwasan siya. Sa tuwing makikita ko siya o maririnig ko ang boses niya ay agad niya akong nakukumbinse. Bakit gano'n ang epekto niya sa akin?
Kinuha niya ang gitara niya.
"Sanay ka bang maggitara?" tanong niya sa akin.
"Hindi."
"Turuan kita?" saad niya. Pumunta siya sa likuran ko at ipinahawak sa akin ang gitara niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at inilapit sa string ng gitara. Nakaramdam ako ng awkward.
"Ahm... siguro 'wag mo na lang akong turuan. Hirap kasi akong mangabisado ng mga chords." palusot ko.
"Okay sige, pero gusto ko magduet tayo."
"Ano namang kakantahin natin?""Kahit ano basta umisip ka."
Nag-isip akong pwede naming kantahin hanggang sa naisip ko 'yong...
"Alam ko na! Favorite song ko kasi 'to. Alam mo ba 'yong chords ng ikaw at ako ni Moira?"
"Oo naman. Favorite song ko din kasi 'yon. Ikaw sa version ni Moira then, ako naman sa version ni Jason." saad niya. Kinalabit na niya ang gitara at tumogtog.
Ikaw At Ako
[Nathan]Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala.[Nathan And Ivanne]
At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako[Ivanne]
At sa wakas
Ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa'yo
Na ika'y uunahin
At hindi naitatanggi
Ang tadhanang nahanap ko
Sa'yong pagmamahal
Ang dudulot sa pag ibig
Natin na magtatagal[Nathan and Ivanne]
At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at AkoAt ngayon, nandito na
Palaging hahawakan
Iyong mga kamay
'Di ka na mag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Ay iibigin ka
Mula noon
Hanggang ngayon
Mula ngayon
Hanggang dulo
Ikaw at AkoUnti-unting nagdikit ang aming mga mukha. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang lumalapit siya sa akin. Marahan akong napapikit ng dumampi ang labi niya sa labi ko. Hindi ko ineexpect na mangyayari 'to. Mas malala pa 'to sa naexperience ko kanina.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Kapwa kami nagulat dahil sa nanagyari. Agad naman akong lumayo sa kaniya.
"Sorry." saad niya.
"S-sige, pupunta na 'ko sa kwarto ko. saad ko. Hindi pa rin ako makaget over sa nangyari kanina. Halos Alas 12 na pero hindi pa rin ako makatulog. Gusto ko na lang iuntog ang ulo ko para makatulog na ako.
Nagising na lamang ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto. Naalala ko na naman 'yong nangyari sa amin ni Ivanne kagabi. Bakit ba kasi nagpahalik ako sa kaniya? Dapat pala umiwas na lang ako o kaya pinigilan ko na lang siya gagawin niya. Napabuntong hininga na lamang ako.
Pagbaba ko ay nakita ko si Tita Angela na nag-aalmusal. Nandoon din si Ivanne.
"Nathan, have a sit! Join us!" aya sa akin ni Tita. Ngumiti ako ng mapait. Naupo ako sa tapat ni Ivanne. "So, kamusta kayong dalawa?" tanong sa amin ni Tita.
Kapwa natahimik kami ni Ivanne. Nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita.
"Okay naman po kami ni Nathan Tita, actually nag-enjoy nga po ako kagabi eh." saad niya. Napakunot naman ang noo ni Tita.
"Kagabi? Ano'ng nangyari kagabi?" tanong niya.
"Nagpunta po kasi siya kahapon sa kwarto ko then,... ano po ahm... tinuruan ko po siyang maggitara." saad niya. Akala ko ay sasabihin niya kung ano ang nangyari sa amin kagabi. Kinabahan ako do'n.
"Oh that's good to hear! Tutal malapit na ang birthday mo Ivanne, you are turning 21 na, right?" tanong niya kay Ivanne.
"Opo Tita." maikling sagot niya.
"So, ano gusto mong celebration? Do you want party or what?"
"Hayaan niyo na po Tita. Ayoko naman po ng magarbong celebration sa birthday ko. Okay na po sa akin na tayo-tayo na lang saka 'yong mga kaibigan ko."
"Are you sure? Okay ka lang na walang party sa birthday mo?"
"Opo tita!"
"Pero minsan lang naman kasi ang debut. Once in a lifetime lang 'yon. Pero sige, if that's what you want. Magpapaluto na lang ako kay Manang ng pagkain."
"Can we talk for a while?" saad ni Tita sa akin habang kumakin ako. Natigilan ako sa sinabi niya. Pumunta siya sa kitchen at sumunod naman ako. Kinakabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?
"Nabalitaan ko kasi na may "deal" daw kayo ni Ivanne sa school para magpanggap na magjowa? Totoo ba 'yon?" tanong niya. Sino kaya ang nagsabi sa kaniya na mayroon nga kaming deal at paano niya naman nalaman 'yon? 'Di ko alam ang isasagot ko. Baka kasi pagalitan lang niya kami kapag nalaman niya. Kinakabahan na ako. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...