Chapter 2

394 17 0
                                    

CHAPTER 2

"Nay, sigurado po bang okay lang kayo dito sa bahay?" tanong ko habang nakahiga siya. Ngayon kasi ang umpisa ko sa trabaho.

"Oo anak, basta mag-iingat ka."

"Opo nay, mag-iingat din po kayo." saad ko.

Umalis na ako. Sana ay walang mangyari kay Nanay na masama habang nasa trabaho ako.

Pagdating ko ay masaya akong sinalubong ng mga katrabaho ko at lalo na si Ma'am Angela.

"Nathan, can we talk?" tanong sa akin ni Ma'am Angela. Agad naman akong sumunod sa office niya para malaman ko kung bakit niya ako gustong makausap.

"Nathan, nabalitaan namin 'yong nangyari sa Nanay mo, gusto sana naming makatulong sa 'yo. Nag-ambag-ambag sila para makatulong sa kalagayan niyo." saad niya sabay abot ng pera na nakabalot sa sobre.

"Naku, ma'am okay lang----" bigla niyang pinutol ang sasabihin ko. Iniabot niya ang sobre sa akin.

"Tanggapin mo na 'to." saad niya. Wala akong nagawa kundi tanggapin na lang ang iniaabot niya. Kung hindi ko 'yon tatanggapin ay sigurado akong makakahiyaan na niyang isauli iyon sa mga kasamahan ko.

"Thank you po! Sobrang bait niyo po talaga." saad ko. Napangiti na lamang siya sa sinabi ko.

"Kamusta na pala 'yong Nanay mo?" pag-iiba niya.

"Okay naman po."

"Sinong nagbabantay sa kaniya?"

"Wala po." malungkot na tugon ko. "Gusto niya daw po kasi na makapagcollege ako kaya gusto niyang magtrabaho ako. Tuparin ko daw po 'yong pangarap namin na makapagtapos ako."

"Ang sweet naman ng Nanay mo. Oh siya sige, magtrabaho ka na." saad niya. Ngumiti ako bago umalis ng office niya.
Nag-umpisa na akong magtrabaho bilang waiter.

"Makikichika lang ako ha, kamusta na 'yong Nanay mo?" tanong ni Ate Gemma. Mas matanda siya ng sampung taon sa akin.

"Okay naman po, ang sabi po ng nagdala sa kaniya sa hospital, kapag daw po hindi siya naoperahan kaagad eh posible daw pong mamatay si Nanay."

"Naku, nakakaawa naman pala 'yong Nanay mo. 'Wag mong hahayaan na mamatay siya ha! Alagaan mo siya at gawin mo lahat ng makakaya mo para maipagamot siya. Ganiyan din kasi 'yong nangyari sa Nanay ko. Namatay 2 months before."

Nalungkot ako bigla sa sinabi niya. Tama siya! Dapat hindi ko pabayaan si Nanay. Kailangan kong gawin lahat para hindi siya nawala dahil siya na lang ang taong nandiyaan at laging sumusuporta sa akin.

Hinagod ko ang likod niya. Alam kong hindi niya sinasadya na maalala at masabi ang nangyari sa Nanay niya dahil ikalulungkot lang niya.

"Kaya mo 'yan, ate! Laban lang po! Alam kong masaya na siya sa kung sa'n man siya naroroon ngayon." saad ko. Niyakap niya ako.

"Puwede pengeng favor?" tanong niya.

"Ano po 'yon, ate?"

" 'Wag mo na akong sinasabihan ng "po". Parang gurang na ako kapag may "po" eh."

Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Haha nakakatawa pala 'tong si Ate Gemma.

Sobrang nakakapagod ang araw na 'to dahil sobrang dami naming naging customer. Pag-uwi ko ay nagluto ako ng hapunan para sa amin ni Nanay.

"Kamusta naman ang unang araw mo sa trabaho?" tanong sa akin ni Nanay.

"Okay naman po Ma, nagbigay nga po pala sila ng konting tulong para sa atin." saad ko sabay abot sa kaniya.

"Itabi mo na lang anak 'yan para sa college mo. Idagdag mo pa 'yung suswelduhin mo."

"Nay, ipapagamot kita. Mag-iipon ako para maipagamot ka." Tumayo ako at niyakap ko siya. "Nay, gagaling ka! Lahat gagawin ko para gumaling ka." saad ko.

Hindi ko maimagine ang buhay ko kapag nawala si Nanay kaya lahat ay gagawin ko para sa kaniya. Mahal na mahal ko siya. Kailangan kong makakuha ng scholarship para kahit papaano ay mabawasan ang babayaran ko sa kolehiyo.

Nagpaalam ako kay Ma'am Angela na kukuha ako ng scholarship sa eskwelahan. Pagkatapos kong magtake ay umuwi na ako. Sana makapasa ako.

Dumating na ang araw kung saan irereveal na kung sino ang mga nakapasa sa exam. Kinakabahan ako. Hinanap kong mabuti ang pangalan ko sa mga pumasa pero wala. Dinouble check ko ito pero hindi ko talaga makita ang pangalan ko. Bigo akong umuwi sa amin.

"Kamusta 'yong pagkuha mo ng scholarship?" tanong ni Ma'am Angela.

"H-hindi po kasi ako nakapasa. 'Di ko po sinabi kay Nanay na gusto kong kumuha ng scholarship kasi gusto kong surpresahin siya, pero hindi ako nakapasa." malungkot na saad ko.

"Okay lang 'yan. Ganyan talaga ang buhay." saad niya sabay ngiti. "Laban lang! 'Wag kang mawawalan ng pag-asa." napangiti ako sa sinabi niya. Buti na lang at nandito sila para palakasin ang loob ko.

Malapit na nga pala ang graduation namin. Namomroblema ako dahil wala sa 'king sasama. Hindi kasi taga dito ang mga kapatid ni Nanay. Wala kaming kamag-anak dito.

"Anak malapit na nga pala 'yong graduation mo, ako na lang ang sasama sa 'yo."

"Nay, baka mapagod lang kayo do'n, baka kung ano pa mangyari sa'yo." saad ko.

"Okay lang anak, ang mahalaga makaattend ako sa graduation mo. Espesyal na araw para sa'yo 'yon 'di ba?"

Tumango ako. Tama ang sinabi niya. Dapat ay nadoon siya dahil espesyal na araw 'yon para sa akin.

Bumilis pa ang mga araw at sumapit na ang graduation day namin. Masaya ako dahil nandito si Nanay sa tabi ko.

"Monteverde, Nathan, Valedictorian of this Year." Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko ang aking pangalan. Proud akong tumayo sa stage at sinabit ni Nanay ang medalya na aking natanggap. Wala ng mas sasaya pa sa pagkakataon na ito. Labis akong natutuwa dahil nakapagtapos na ako ng sekondarya.

Pag-uwi namin sa bahay ay nagcelebrate kami.

"Anak, proud na proud ako sa 'yo. Kahit kailan hindi mo ako binigo."

"Thank you, Nay. Proud din po ako sa inyo dahil kahit ikaw lang mag-isa, naitaguyod niyo pa rin po ako. Maraming salamat nay. Mas lalo ko pa pong pagbubutihin ang pag-aaral ko para sa atin." Bahagyang tumulo ang luha sa aking mga mata. Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap ko siya.

"Tama na nga 'tong drama natin nay, tara kain na tayo." saad ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang sandaling ito.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon