Chapter 11

213 13 0
                                    

CHAPTER 11

Luminga-linga ako para makita ko kung saan 'yong room ng first year. Sobrang lawak kasi ng campus na 'to kaya naman hindi ko makita kung saan 'yon. Mayamaya ay mayroong lumapit sa aking isang may edad na babae na sa tingin ko ay nasa 50 anyos na. Sa tingin ko din ay siya ang caretaker dito sa campus na 'to.

"May hinahanap ka ba?" tanong niya.

"Saan po ba dito 'yong room ng first year?"

"Doon po." turo niya.

"Thank you po!" pagpapasalamat ko.

Agad naman akong pumunta sa tinuro niyang building. Hinanap ko ang pangalan ko sa mga nakapaskil na pangalan. Nang makita ko ay agad akong pumasok. Halos muntik na akong malate dahil pagdating ko ay dumating na din 'yong professor namin.

"Good Morning Class!" bungad niya.

"Good Morning, Ms. Agoncillo." bati namin.

"Please sit down! I will check the attendance, once I call your name, say present!"

Halos wala naman kaming ginawa ngayon dahil umpisa pa lang naman ng klase. Nakita ko agad si Ivanne na hinihintay ako sa parking lot kaya naman napangiti na lamang ako. Akala ko ay iiwan niya ako.

Pag-uwi ko ay sinalubong agad kami ni Tita Angela habang kumakain.

"Kamusta first day of school niyong dalawa?" tanong niya.

"Okay naman po." sambit ko.

"Ikaw Ivanne? Kamusta?"

"Okay lang din po Tita." saad ni Ivanne habang kumakain.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Tita. Napansin niya siguro na malungkot ako. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya para malaman niyang ayos lang ako. Actually hindi ako ayos. Namimiss ko na naman kasi si Gerald at si Nanay. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na ako sa banyo para maglinis. Naalala ko no'ng unang araw ko sa high school. Kahit na matanda na ako ay hinatid pa din ako ni Nanay sa eskwelahan at sinusundo niya ako para malaman lang na ligtas ako. May kalayuan din kasi ang eskwelahan na pinapasukan ko noon sa bahay namin. Naalala ko din 'yong una naming pagkikita ni Gerald no'ng inaya niya akong maglunch at inaya niya akong magsimba.

'Di ko lubos akalain na magagawa niya sa akin 'yon. Ang buong akala ko ay nagbago na siya. Nagtungo na ako sa kwarto ko pagkatapos kong maglinis.

"Oh bakit hindi ka pa nakagayak? May problema ba? May nangbully ba sa 'yo?" tanong sa akin ni Tita ng puntahan niya ako sa kwarto ko kinaumagahan. Siguro ay nagtataka siya kung bakit hindi pa ako bumababa.

"Wala po Tita. Namimiss ko na po kasi si Nanay. Gusto ko pong umuwi do'n sa dating bahay namin."

"Sorry pero hindi ako makakapayag. Alam mo bang hinahanap ka kahapon ni Gerald? Miss na miss ka na daw niya. Kapag pumunta ka pa do'n sa bahay niyo, sigurado akong pupuntahan ka n'on. Alam kong hindi ka pa nakakamoved on sa kaniya. Nag-aalala lang ako baka kasi saktan ka na naman niya kagaya ng ginawa niya sa 'yo no'n. Papayag akong umuwi ka doon sa sabado pero isama mo si Ivanne. Alam ko kasing mababantayan ka niya ng mabuti kahit wala ako do'n." saad niya. Naiintindihan ko naman siya. Para siyang tunay na ina na nag-aalala para sa kalagayan ng kaniyang anak.

Wala akong nagawa kundi pumasok na lang. Nagbihis na ako at pumasok na ako sa kotse ni Tita Angela. Nauna na kasi si Ivanne. Kailangan daw kasi ay maaga siya sa eskwelahan.

"Good Morning Mr. Monteverde! Why are you late!" Nagising na lamang ako sa katotohanan ng marinig ko ang katagang iyon. Kanina pa kasi ako wala sa ulirat dahil iniisip ko si Nanay.

"Ahh-ehh tinanghali po kasi ako ng gising." palusot ko.

"I warned you! Kapag umabot ang warning ko sa 'yo sa pangatlong pagkakataon, ipapatawag ko na ang magulang mo! Do you understand?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Center of attraction ako pagpasok ko sa classroom. 'Yong iba kong kaklase ay nagtatawanan pa. Para makabawi sa pagkakalate ko ay nakinig akong mabuti sa discussion ni Ms. Agoncillo para kapag nagtanong siya ay alam ko ang isasagot ko. Alam ko na kasing ako ang tatawagin niya dahil nalate ako.

"Mr. Monteverde! What is the building blocks of Life?" tanong niya.

"Cell!" sagot ko.

"Nice answer! Very Good!" saad niya. Napangiti ako ng batiin niya ang ginawa kong pagsagot.

"Hi! Puwedeng makiupo?" tanong sa akin ng isang babae na may kasamahang lalaki habang nasa cafeteria

"Oo naman sige, wala namang nakaupo diyan." saad ko.

"Puwede ba kaming makipagkaibigan sa 'yo?" tanong ng lalaki. Sa palagay ko ay ka uri ko din siya.

"Oo naman. Actually wala pa nga akong kaibigan dito eh." saad ko.

Lumapit naman sa akin si Ivanne at inabot niya sa akin ang baon ko. Wala kasing barya kaninang umaga kaya nasa kanya ito. Inabot ko naman agad. Nagulat ko dahil 500 ang iniabot niya sa akin. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera. Allowance ko daw 'to for whole week.

"Kapatid mo ba 'yon?" tanong sa akin no'ng lalaki.

"Oo nga? Kapatid mo ba?" dagdag naman no'ng babae.

"Hindi." matipid na sagot ko.

"Eh kaano-ano mo siya? Bakit binigyan ka niya ng pera?" dagdag nung lalaki.

"Nakatira kasi ako sa Tita niya. Medyo mahaba kasi 'yong kwento kaya 'wag niyo na alamin kung pwede lang." saad ko.

"Anyway, ang gwapo niya. Crush ko na siya. Ano pa lang pangalan niya?" tanong ng lalaki.

"Ahh siya ba? Si Ivanne."

"Wow ang gwapo naman no'ng pangalan. Bagay na bagay sa kaniya."

"Oh sige diyan na muna kayo, kailangan ko na kasing umuwi."

"Sige! Mag-iingat ka!"

Agad naman akong lumabas ng cafeteria. Masama na naman ang panahon. Nagbabadya na namang umulan. Agad kong nakita si Ivanne kasama ang mga barkada niya.

"Nathan, pakisabi nga pala kay Tita gagabihin akong umuwi. May pupuntahan kasi kami."

"Hahaha pre sino 'yan? Katulong niyo?" tanong naman no'ng isa na sa tingin ko ay kaklase ni Ivanne. 'Di ko na lang siya pinansin.

"Sa'n kayo pupunta?" tanong ko. Lumapit siya sa akin.

"Puwede ba 'wag kang masyadong maraming tanong?"

"Sabi kasi ni Tita bantayan kita, baka kasi ang akalain niya hindi ko ginagawa 'yong sinabi niya."

"That's the point! Ang sabi ni Tita bantayan lang ako, hindi tanungin kung sa'n ako pupunta."

"Baka kasi kung mapano ka. I'm sure mag-aalala sa 'yo si Tita."

"Bakit ba concern na concern ka sa 'kin? 'Di ba hindi naman kita kaano-ano? 'Wag kang makialam sa buhay na meron ako!" saad niya. Halos mapahiya ako sa mga kaibigan niya. Tumalikod na siya at umalis kasama ang mga barkada niya. Biglang humangin ng malakas kasabay ng pagbuhos ng ulan.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon