Chapter 16

218 12 0
                                    

CHAPTER 16

Dapat ay ako ang nasa kalagayan ni Ivanne ngayon. Dapat pala ay pinatulan ko na lang ang lalaking 'yon. Naiinis din ako kay Ivanne dahil pinagtanggol niya pa ako. Siya tuloy ang nalagay sa alanganin. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom namin.

"Bakit malungkot ka na naman? May problema ba?" tanong sa akin ni Francis.

"Oo eh."

"Ano?"

"Si Ivanne, masususpend ng 3 weeks dahil sa 'kin." saad ko.

"Bakit?"

"Ipinagtanggol niya kasi ako kahapon do'n sa lalaki na humalik sa akin. Naiinis na nga ako kay Ivanne eh. Dapat ako ang nasa posisyon niya ngayon hindi siya."

"'Wag mong sisihin 'yong sarili mo. Baka 'yon talaga ang nakatakdang mangyari." saad sa akin ni Francis.

"Oo nga. Wala namang may kasalanan sa nangyari."

"Pero nagiguilty pa rin ako. Nagugilty ako sa nangyari. Siya tuloy 'yong nagsasuffer sa consequence na dapat ay sa akin." malungkot na tono ko.

Pag-uwi ko ay kinausap ko kaagad si Ivanne.

"Ivanne can we talk?" saad ko pero tititigan niya lang ako. Walang lumabas sa bibig niya. Para niya akong pinapayagan na sabihin sa kaniya kung ano ang mga gusto kong sabihin.

"Ivanne sorry. Hindi ko sinasadya na ikaw 'yong magsuffer sa mga consequences na dapat ay sa akin." saad ko pero umiling lang ito. Kinuha ko kaagad ang kamay niya bago pa man siya makapasok sa kwarto niya.

"Please? Gagawin ko lahat basta mapatawad mo lang ako." sambit ko. Hinatak niya ang kamay niya para maalis sa pagkakahawak ko. Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya. Alam kong masama ang loob niya dahil sa nangyari.

Malungkot akong pumunta sa kusina. Paano ba ako makakabawi sa kaniya?

"Sir Nathan ano pong nangyari kay Sir Ivanne?"

"Nasuspinde po siya ng tatlong linggo. Dito lang po siya sa bahay mag-aaral. Nagi-guilty nga po ako sa nangyari eh."

"Ganyan po talaga siguro ang nakatakdang mangyari. Siguro po ay tulungan niyo na lang si Sir Nathan kung mayroon man siyang hindi maintindihan sa lesson niya para makabawi kayo sa kaniya." saad ni Manang. Oo tama siya! Babawi na lang ako sa pamamagitan ng pagtuturo kay Ivanne. Pero sana kailanganin niya ang tulong ko.

Kinabukasan ay sabado na naman. Wala na naman akong gagawin dito sa bahay. Nagpunta si Ivanne sa eskwelahan kahapon para kunin ang mga papers na sasagutan niya. Naawa talaga ako sa kaniya.

Mayamaya ay mayroon akong narecieve na text galing kay Francis.

"Bes, hindi muna kami makakapunta diyan. May kailangan kasi kaming gawin."- Francis.

Napailing ako. Lalo akong mabobored nito. Sila lang kasi ang inaasahan ko na makakapaglibang sa akin pero hindi sila pupunta ngayon. Pumunta na lang ako sa taas para sana matulog pero naisipan kong puntahan muna si Ivanne at kamustahin siya.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko pero hindi niya naman ako pinansin. Nagkamot ito ng ulo na tila nahihirapan sa sinasagutan niya kaya naman pumasok na ako sa kwarto niya. "Kung hindi mo alam, tutulungan na lang kita." dagdag ko pa.

Nag-umpisa na akong tulungan siya. Habang tinutulungan ko siya ay nakatingin lang siya sa ginagawa ko. Minsan ay nakikita ko na nakitingin siya sa 'kin pero hindi ko na lang ito pinapansin.

"Oh ayan tapos na!" saad ko. Agad niya namang tinago ang mga papel na sinagutan namin. "Sorry talaga."

"Okay lang. Ako naman 'yong may gusto ng nangyari." saad niya na ikinagulat ko. Akala ko ay napipi na siya dahil kapag kinakausap ko siya ay hindi siya kumikibo.

"Thank you pala sa pagiging concern mo sa 'kin. Sige aalis na ako. Tawagin mo na lang ulit ako kapag kailangan mo ng tulong." paalam ko.

Sobrang saya ko dahil nakakasundo ko at nakakausap ko na si Ivanne. Pumasok na ako sa kwarto ko para matulog. Inaantok kasi ako kahit umaga pa lang naman. Nang magising ako ay alas-otso na pala ng gabi. Gusto ko pa sanang matylog pero ayaw makisama ng mga mata ko kaya naman lumabas ako ng kwarto ko at tumambay sa balkonahe malapit sa kwarto ko. Gusto ko din kasing makalanghap ng sariwa at malamig na hangin.

Pagpunta ko sa balkonahe ay ang ganda ng tanawin. Halos kita mo lahat ng bahay mula dito. Mga ilaw na mistulang alitaptap sa sobrang liit. Nalulungkot na naman ako. Sana nandito pa si Nanay para hindi na ako maging malungkot. Halos araw-araw ko na lang kasi siyang namimiss at gustong makita lalo na kapag may problema ako. Miss ma miss ko na 'yong pag-advice niya sa akin tuwing may pinagdadaanan ako. Miss na miss ko na siya.

Mayamaya pa ay mayroong lumapit sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin.

"Mukhang malungkot ka ha." saad niya kaya naman napatingin ako sa direksyon niya. Nakita ko si Ivanne na umiinom ng softdrinks na in can. Mayroon pa siyang isang hawak kaya naman inalok niya sa akin iyon at hindi ko na siya tinanggihan pa. Kapwa kaming nakatayo sa balkonahe habang nakatingin sa malayo.

"Hindi naman ako malungkot ha! Masaya nga ako kasi nagkasundo na tayo." saad ko sabay pilit na ngiti. Tanging buwan lamang ang nagsisilbing ilaw namin.

"'Yong totoo? Bakit may lungkot sa mga mata mo? Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko na may problema ka."

Napasimangot ako ng sabihin niya iyon. Marahil halata nga ang lungkot sa mga mata ko. Ayoko sanang sabihin pero mukhang maikukuwento ko sa kaniya. Wala kasing nakakaalam sa totoo kong kwento maliban kay Tita Angela. Ayoko din kasing kumalat na ulila na ako at iniwan kami ng Tatay ko.

"Miss ko na kasi si Nanay." maikling tugon ko sabay tungga ng softdrinks.

"Bakit ba namatay ang Nanay mo?" tanong niya.

"Inuna ko kasi 'yong taong hindi naman pala karapat-dapat unahin kesa sa Nanay ko."

"What do you mean?"

"Gusto mo talagang malaman? Cheers muna tayo hahaha." saad ko. Pinagbunggo namin ang dalawang lata ng softdrinks.

"Mayroon kasi akong nakilala sa pinagtatrabahuhan ko. Isang lalaki na akala ko mamahalin ako ng totoo. Then after ko siyang nakilala niligawan niya ako at naging kami. Magcecelebrate sana kami no'n ng monthsarry dahil first month pa lang namin as magjowa. Iniwan ko si Nanay sa bahay para puntahan siya. That time, mayroong sakit sa puso si Nanay no'n kaya nagtrabaho ako kay Ma'am/Tita Angela. Huminto na kasi siya sa pagtatrabaho. Then ayon pagpunta ko sa kanila nakita ko na may ka "sex" siyang isang babae. Halos mawalan ako ng gana no'n dahil minahal ko siya. Akala ko hindi niya magagawa sa 'kin 'yon. Naglakad ako papauwi sa amin habang umuulan. Then pagdating ko sa 'min wala na 'yong taong nag-alaga at kinukuhanan ko ng lakas para magtrabaho. Wala na 'yong taong sumusuporta sa 'kin." kwento ko habang umiiyak.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon