CHAPTER 31
"Actually hindi kami nagbreak. She's dead. Nagpakamatay siya." pag-uumpisa niya. Nagulat ako sa sinabi niya. "She's funny person kaya hindi mo mahahalata na may problema pala siyang iniinda. Hindi din kasi siya 'yong tipo ng tao na nag-oopen ng problema niya sa ibang tao especially sa akin. I didn't expect na magpapakamatay siya. Sa kabila ng masayahing at maamo niyang mukha, may problema pala siyang iniinda. Mayroon pala siyang itinatago. One day, i saw her in her room, nakabitin siya sa kisame at wala ng buhay. It's almost three years na since nangyari 'yong pangyayari na 'yon pero i always blame myself dahil sa pagkamatay niya. Napakawalang kwenta kong boyfriend dahil hindi ko man lang siya natulungan sa mga problema niya." kuwento niya habang tumutulo ang mga luha niya. Nalungkot ako dahil sa kinwento niya. Akala ko ay nagbreak o niloko lang siya ni Heaven pero hindi, nagkamali pala ako.
"'Wag ka ng malungkot. Alam kong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon at mas lalong magiging masaya siya, kung nakikita ka niyang masaya. Nandito naman ako. 'Wag ka ng malungkot. Siguro, nakatakda talagang magkita at magkakilala tayo para ako ang tumulong at magpagaan sa puso mo."
"Siguro nga tama ka." saad niya sabay ngiti. Hindi ko kayang nasasaktan siya. Parang dinudurog ang puso ko dahil nakita ko siyang umiiyak.
Kinabukasan ay hinatid kami ni Tita Angela sa sasakyan niya. Ipinapagawa pa kasi ni Ivanne ang kotse niya.
"Bakit parang ang saya niyong dalawa? May dapat ba akong malaman?" nakangiting tanong ni Tita.
"Hmm... napatawad ko na po kasi Ivanne. And guess what Tita? Nililigawan niya na po ako." madayang tugon ko.
"Oh that's good to hear! Ang cute niyo talagang tingnan. Sana magtuloy-tuloy na 'yan hanggang forever." biro ni Tita.
"Hahaha. Hindi lang forever tita, hanggang dulo." saad naman ni Ivanne.
"I hope so." saad ni Tita.
Tuwing recess ay binibilhan ako ni Ivanne ng paborito kong pagkain na fries. Ang sweet niya.
Bago kami umuwi ay may dinaanan kami. Tinatakpan niya ng kamay niya ang mga mata ko.
"Diretso lang." saad niya.
Nang makarating na ako ay bumungad sa akin ang isang tulay na sa ilalim nito ay may magandang dagat. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong uri ng lugar.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya.
"Oo, sobra."
Mayamaya pa ay mayroon siyang kinuhang nakakahon.
"Talikod ka." utos niya. Inilagay niya sa leeg ko ang isang kwintas na may pendat na dalawang taong may hawak hawak na heart. Napangiti ako.
"Ang ganda naman nito."
"Pinag-ipunan ko 'yan para sa 'yo."
"May sasabihin nga pala ako sa 'yo."
"Ano 'yon? nakakunot-noo niyang tanong.
"Sinasagot na kita."
"Ha? Ano? Hindi ko narinig eh. Pwedeng pakiulit?"
"Ang sabi ko sinasagot na kita!"
"Ha? Medyo maingay hindi ko ulit narinig. Ulitin mo ulit."
"Sinasagot na kita Ivanne. I love you!" saad ko.
"Talaga? Yes! Whooo!" Sobrang saya niya ng sabihin ko 'yon. Halos mabaliw siya. Natatawa na lang ako sa reaksyon niya. "Thank you ha!"
"Wala 'yon. Nakikita ko naman 'yong hardwork mo kung paano ka manligaw sa akin kaya dapat lang na sagutin na kita. Mahal na din naman kasi kita saka matagal naman na tayong magkakilala."
Agad naman namin itong inannounce kila Tita at kila Manang.
"Tita, Manang, kami na po!"
"Wow! We need to celebrate! I will to the mall para bumili ng mga pagkain." saad naman ni Tita. Congrats sa inyong dalawa!"
"Thank you po Tita." saad ko sabay yakap.
Masaya kaming nagcelebrate dahil sa nangyari. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil finally, naging kami na. Parang dati lang iniimagine ko 'to. Parang dati lang pinapangarap ko 'to, pero ngayon, sobrang saya ko dahil natupad na.
----------------
"Alam mo, sobrang saya ko ngayon." saad ko habang nakatayo kami sa balkonahe at nakatingin sa mga bituin.
"Parehas tayo. Sobrang saya ko din ngayon. Ang buong akala ko ay hindi mo na ako mapapatawad dahil sa ginawa ko. Sorry ulit ha. Sorry kung pinilit ko 'yong puso mo na mahulog sa akin."
"Ano ka ba naman? Past is Past! Kalimutan na natin ang nakaraan. Ang importante, magkasama na tayong dalawa ngayon. I love you Ivanne!"
"I love you more, Nathan!" saad niya sabay halik sa noo ko."
"Mag star gazing tayo bukas?" aya niya sa akin.
"Ha? S-sige! Mukhang masaya 'yan!" saad ko.
"Sige matulog ka na, matutulog na din ako. Maaga kang gumising bukas, bibili tayo ng pagkain at tent para sa stargazing bukas."
"Sige! Good night!" saad ko sabay pasok sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang picture ni Nanay na nakatayo sa lamesa ng kwarto ko. Naupo ako sa kama at kinausap ko siya.
"Nay, alam niyo po, sobrang saya ko ngayon. Alam kong nakikita niyo po ako at tinutulungan niyo ako para maging masaya ako Nay. Sayang nay, wala ka dito. Masaya sana tayo ngayon kung nandito ka. Sana nay, si Ivanne na 'yong taong para sa akin at mamahalin ako ng totoo at hindi ako iiwanan."
Paggising ko kinabukasan ay nakita ko si Ivanne na nasa higaan ko at may dala-dalang pagkain.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Wala, gusto lang kitang dalhan ng pagkain. Kain ka na."
"Thank you ha!"
"Walang anuman, bilisan mo pupunta pa tayong mall." saad niya.
Nang matapos ako ay nagbihis na ako at sinakay na ako ni Ivanne sa kotse niya. Napagawa na niya ang kotse niya. Pinayagan na din siya ni Tita na magmaneho.
Pagdating namin sa grocery ay agad akong kumuha ng mga chichirya at mga in can na softdrinks.
"Pwede ba 'kong uminom nito?" tanong niya habang pinapakita niya ang naka can na san mig.
"Bawal muna sa 'yo 'yan. Kakainom mo lang dati eh. Baka masira na 'yong atay mo." pagbabawal ko.
"Okay! Noted!" saad niya sabay ngiti.
Habang nagbabayad kami sa counter ay tinanong kami ng babae.
"Sir, jowa niyo po?" tanong ng babae kay Ivanne.
"Opo."
"Bagay po kayong dalawa." saad ng babae. Namula ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang kasi nalaman na bagay kami.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...