Chapter 32

174 3 0
                                    

CHAPTER 32

Kinagabihan ay inayos na namin ang mga kailangan namin para sa stargazing namin. Sa harap lang kami ng bahay ni Tita Angela magsstargazing dahil mayroon namang bermuda grass dito.

Nang matapos na kaming mag-ayos ay tumingin ako sa relo na suot ko na ibinigay ni Ivanne. Alas nuebe na pala ng gabi. Nahiga kami sa inilatag naming sapin.

"Ang ganda ng mga bituin noh?" saad niya.

"Oo nga. Parang ang saya-saya din nila tulad natin."

"I think they support us sa pagmamahalan nating dalawa."

"Bakit ako ang napili mong ligawan? 'Di ba marami namang nagkakandarapa na babae sa school? Bakit hindi na lang sila?"

"Alam mo, hindi naman hadlang ang kasarian ng para mahalin ka. Kahit ano pang kasarian mo, mayroon pa ring isang tao na dadamay at magmamahal sa 'yo. We are all equal. Lahat tayo may pakiramdam at may karapatang mahalin at magmahal."

"True! Kaya nga lang 'yong ibang tao puro panghuhusga at hindi nila tanggap ang kagaya namin sa lipunan."

"Many people didn't accept in this society those people na kagaya niyo, pero tandaan mo, marami pa ring tao ang tatanggap at magmamahal sa 'yo kahit sino ka pa."

"Thank you ha, kasi tinanggap mo ako kahit ganito ako, minahal mo ako kahit hindi ako tunay na babae."

"Walang anuman. Basta ang sa akin lang, mamahalin kita maging ano at sino ka man." saad niya sabay yakap. Sobrang swerte ko talaga kay Ivanne dahil tinanggap niya ako at tanggal din ako ni Tita Angela para sa pamangkin niya.

"Pero paano kung hindi ako magustuhan ng Mama mo? Paano na tayo?"

"Ipaglalaban kita! Hinding-hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Depende na lang kung susuko ka. Pero kahit sumuko ka, hinding-hindi ako magsasawa sa 'yo."

'Di ko alam ang gagawin ko kapag hindi na tanggap ni Tita Theresa na bakla ang jowa ng panganay na anak niya. Pero pangako, kahit na hindi niya kami matanggap ay hindi ako magpapaapekto sa kaniya. Mahal na mahal ko si Ivanne at ayokong mawala siya sa akin.

"Bukas nga pala ipapakilala na kita kay Mommy. Ipapakilala na din kita sa mga kapatid ko. Okay lang ba sa 'yo?" tanong niya.

"Oo naman sige!" nakangiting saad ko. Hindi ko na lang ipinahalata na kinakabahan ako. Gusto ko din kasing malaman kung tatanggapin niya kami o hindi. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtingin sa mga maliliwanag na bituin na nakadungaw sa kalangitan.

"Nathan, tatawagan ko na si Mommy, tara na! Ipapakilala na kita!" aya sa akin ni Ivanne pagkatapos naming kumain ng agahan

"S-sige nandyan na!" saad ko. Agad naman akong umakyat sa taas at nagtungo sa kwarto niya.

"Hi Mom!" bati niya. Pagtingin ko pa lamang sa Mommy niya ay kinabahan na ako. Mukha kasi itong masungit. Sa tingin ko ay nasa edad 45 na ito.

"Hi son! How are you?"

"I'm good Mom! How about you?"

"Okay din naman anak, sino 'yang kasama mo?"

"Heto nga po pala si Nathan, boyfriend ko!" pakilala niya sa akin. Ngumiti ako ng pilit saka nagsalita.

"Hello po!"

"Ivanne, iwan mo muna kami. Mag-uusap lang kami." saad niya na mas lalong nagpakaba sa akin. Umalis naman si Ivanne at nagtungo sa baba.

"Hijo, sorry kung sasabihin ko 'to pero ayoko ng kagaya mo para sa anak ko." saad niya. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Gerald no'ng ipakilala niya ako sa mga magulang niyo. Tila nanumbalik ang alalang 'yon. "I'm sure na alam mo namang panganay siya and alam kong hindi mo siya kayang bigyan ng anak. Sorry pero ayoko sa 'yo." tahasang saad niya. Hindi ako nakaimik. Inend call na niya ang video call naming dalawa. Hindi ko akalain na mangyayari na naman ang ganoong tagpo.

"Kamusta? Anong sabi ni Mom?" tanong niya.

"Ahh eh, wala hehe. Wala naman siyang sinabi. Tanggap niya naman tayong dalawa." palusot ko. Ayokong sabihin kay Ivanne 'yong totoo. "Sige maiwan muna kita, magpupunta muna ako sa cr." paalam ko. Napahawak na lamang ako sa ulo ko ng makapasok ako sa cr. Nanggigilid na din ang mga luha sa mata ko kaya naman naghilamos ako para hindi niya mahalata.

"Happy First Monthsarry!" bungad sa akin ni Ivanne isang umaga. "Hahaha 'wag kang mag-alala, totoo na 'to, hindi na 'to pagpapanggap."

Napangiti ako. May daladala kasi siyang cake. "Heto nga pala, itago mo. Picture nating dalawa 'yan." saad niya sabay abot ng mga pictures namin. Inabot ko ang picture at inipit ko sa isang notebook. Mayroon din akong mga pictures sa phone ko, ipapadevelop ko na lang 'to at ilalagay ko sa photo album para naman mayroon kaming remembrance.

______________

Several Years Later...

"Babe, nasaan ka na?" tanong sa akin ni Ivanne. Kausap ko siya sa telepono ngayon. Today is our 5th anniversarry bilang magjowa. Ipinadevelop ko na din ang mga pictures na nasa phone ko at ikinompile ko ito sa isang photo album gaya ng pangarap ko dati.  Nagtatrabaho na si Ivanne as Engineer habang ako naman ay nakatapos na ng pag-aaral at naghahanap na ng trabaho.

"Malapit na ako. Medyo traffic kasi eh. Pasensiya na."

"Sige babe, basta hihintayin na lang kita. I love you! Ingat ka!" saad niya. Ibinaba ko na ang telepono ko.

"Manong, pakibilisan po." saad ko.

Nang makaalis na kami sa traffic ay binilisan ng lalaking nagdadrive. Buti na lang at wala nang masyadong sasakyan. Mayamaya pa ay mayroong matulin na sasakyan kaya naman nabunggo kami nito. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nakahiga ako sa lupa at sobrang sakit ng ulo ko. Yakap yakap ko pa din ang photo album na ipinadevelop ko. Kinapa ko ang ulo ko at nakita ko na may dugo ito.

"May naaksidente tulungan natin sila!" saad naman ng mga nakikita sa amin.

Mayamaya pa ay mayroong lalaking lumabas sa sasakyan. Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Paggising ko ay nasa isang maliwanag na silid na ako. Sobrang sakit pa din ng ulo ko. Hindi ko maalala kung bakit ako napunta dito at ano ang mga nangyari kanina.

"Bakit ako nandito? Nasaan ako?" tanong ko sa lalaking nakaupo.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon