CHAPTER 5
"Pasensiya na sa nangyari kagabi, ako na humihingi ng dispensa." saad ni Gerald. Nandito kami ngayon sa Fast food na pinagtatrabahuhan namin.
"Okay lang 'yon. 'Wag ka ng magsorry. Naiintindihan ko naman eh." saad ko.
"Oo nga pala, nasabi ko na kay Mom and Dad na break na tayo, ayoko na kasing magkaroon pa ng gulo. 'Yon lang 'yong naisip kong paraan para hindi na sila pa magalit."
Napangiti ako sa sinabi niya. Ang bait talaga nitong si Gerald. Nagpapasalamat ako dahil mayroon pang lalaki na kagaya niya na mamahalin ako kahit na ganito ako.
"Thank you ha! Thank you kasi inayos mo 'yong relasyon natin. Alam mo muntik na nga akong sumuko sa relasyon natin eh, pero inayos mo."
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Kahit kailan ay hindi kita iiwan at loloohin. Mahal na mahal kita." saad niya sabay halik sa noo ko.
Agad naman akong bumalik sa trabaho.
"Nathan, ano ba nangyari kagabi?" usisa naman ni Ate Gemma.
"Nagkasagutan kasi kami n'ong Mama ni Gerald. 'Di niya daw kasi ako tanggap para sa anak nila. Tapos tinapakan pa 'yong pagkatao ko."
"Masama naman pala ugali ng magulang niya ehh. Alam mo, matagal ko ng nahahalata na parang hindi seryoso sa 'yo 'yang lalaking 'yan. Parang may something eh."
"Paano mo naman nasabi 'yan? Ang bait kaya ni Gerald saka sweet pa."
"Lahat kasi ng girlfriend niya, halos isang buwan lang nagtatagal. Papalit-palit kasi ng girlfriend 'yang si Gerald. Nakikita ko kasi na buwan-buwan, iba-iba lagi 'yong nakakasama niyang babae. 'Di ko nga ineexpect na papatol sa katulad mo 'yan eh. Kaya ikaw mag-iingat ka diyan. Baka mamaya niloloko ka lang niyan."
"Alam ko namang hindi niya magagawa sa 'kin 'yon. Saka kampante naman ako na mahal niya ako."
"Oh basta ang akin lang, 'wag kang magpapadala diyan sa nararamdaman mo sa kaniya. Bagkus, kilalanin mong mabuti 'yang si Gerald."
Napaisip ako sa sinabi niya. Paano kung lokohin lang ako ni Gerald? Paano kung niloloko niya lang pala ako? Pero sigurado naman akong hindi niya gagawin sa akin 'yon dahil mahal namin ang isa't isa.
Paglabas namin sa fast food ay sumakay na ako sa kotse niya at inihatid niya ako sa bahay namin. Habang nasa daan ay tinanong ko siya.
"Ilan na nga pala 'yong ex mo?" tanong ko.
Bahagya siyang natigilan. Alam kong nag-iisip siya ng usasagot niya.
"Tatlo. Bakit mo natanong?"
"Ah wala. Hindi mo kasi sila nababanggit sa akin. Akala ko nga wala kang ex eh."
"Hahaha! Kaya hindi ko binabanggit sa 'yo, dahil alam kong masasaktan ka lang sa tuwing maririnig mo ang pangalan nila. Hindi na mahalaga ang past, ang mahalaga 'yong taong mahal ko ngayon na nasa harapan ko." saad niya. Siguraduhin mo lang na mahal mo ang talaga ako.
May hinala na din kasi ako sa kaniya. Madalang na lang din kasi kaming magkita simula nong nangyari 'yong sagutan namin ng magulang niya. Hindi ko alam kung niloloko niya na lang ako o hindi, pero kailangan kong maghanda para hindi na gaanong masakit kapag nangyari 'yon.
"Oh sa'n ang punta mo? Bakit parang bihis na bihis ka?" tanong sa akin ni Nanay ng makita ako.
"Monthsarry po kasi namin ni Gerald. Isang buwan na po kaming magkarelasyon. Pupuntahan ko po sana siya para surpresahin." saad ko.
"Oh siya sige, basta kapag sinaktan ka ng lalaking 'yan isumbong mo sa 'kin."
"Hahaha sige nay paluin niyo po kapag niloko ako."
"Hahaha sige anak, oh umalis ka na at baka maabutan ka pa ng ulan. Mag-iingat ka anak."
Hindi ko maialis ang tingin ko kay Nanay. Parang may something na mangyayari ngayong araw. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Samantalang tuwing aalis naman ako ay ayos lang ang pakiramdam ko. Pero bakit tila iba at ang bigat ng dibdib ko?
Habang nasa daan ako ay mas lalo pang bumigat ang nararamdaman ko. Parang hindi ako makahingi sa sobrang bigat. Dapat pala ay hindi na lang ako pumunta ngayon pero espesyal ang araw na ito. Espesyal ang araw na ito para sa aming dalawa ni Gerald. Uuwi na lang din ako kaagad pagkatapos ko siyang puntahan. Mayamaya pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakalimutan ko pa namang magdala ng payong ngayon.
Pagbaba ko ay may dala-dala akong isang cake na maliit na pagsasaluhan sana namin ngayon. Wala ang magulang niya dito dahil may out of town daw sila kaya pinapunta ako ni Gerald dito.
Kinakabahan ako at tila mas lalo pang bumigat ang nararamdaman ko. Hindi ko na lamang ito pinansin. Habang umaakyat ako sa taas ng bahay nila ay nanginginig ako. Nang makarating ako sa tapat ng kwarto niya ay mayroong akong narinig na boses ng babae na animo'y nagsesex. Siguro ay nanunuod lang siya ng p*rn at hindi niya alam na nandito na ako sa bahay nila. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang isang babae habang nakapatong sa kaniya habang sarap na sarap siya sa ginagawa nito.
'Di ko namalayang tumulo ang mga luha sa mata ko.
"Hayuuup kayo!!! Mga dimonyo kayo! Ang baboy niyo! Paano mo nagawa sa 'kin 'to? Pa'no?" sigaw ko. Kapwa nagulat silang dalawa dahil sa sigaw at sa pagbukas ng pintuan. Agad tumayo si Gerald at lumapit sa akin.
"Let me explain!"
"Hahaha explain? G*go ka ba? Nakita ko na lahat tapos mag-eexplain ka pa? Para saan pa 'yong ieexplain mo? Para bilugin ang ulo ko? Tama nga sila! Manloloko ka! Hayop ka!" sinampal ko siya sa pisngi ng buong lakas ko. "Ang lakas ng loob mong gawin sa 'kin 'to. Minahal kita! Tapos heto lang ang gagawin mo? At ikaw babae ka!" hinatak ko ang buhok niya at sinabunutan saka sinampal. "Alam mo namang may karelasyon na 'yong tao, inahas mo pa! Magsama kayo mga baboy!" saad ko sabay labas ng kwarto.
Napahinto na lamang ako sa labas ng bahay nila. Hindi ako makapaniwal na magagawa niya sa akin 'to. Tama nga sila. Manloloko ang lalaking 'yon. Buti na lang at hindi gaanong masakit dahil nairemind ako ni Ate Gemma. Hinding hindi ko siya mapapatawad dahil sa kahayupang ginawa niya! Naglakad ako papalayo sa bahay nila. Habang umuulan. Sabay ng pag-agos ng luha ko ay ang pagkulog at pagkidlat.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...