CHAPTER 10
Paglabas ni Tita sa kwarto ni Ivanne ay agad itong lumapit sa akin.
"Thank you sa pag-aalaga mo kay Ivanne. Sinabi niya kasi sa akin na ikaw daw 'yong nagpainom at nagpakain sa kaniya ng lugaw kanina, Am i right?"
"Opo tita, nag-aalala din po kasi ako kay Ivanne dahil baka ano na ang nangyari sa kaniya kanina, ang tagal niya po kasi kaninang lumabas kaya napagdesisyunan ko po na puntahan na lang siya sa kwarto niya."
"Oh! that's good to hear! Mabuti naman at nagkakasundo kayo." saad niya. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya. "Oh by the way, babalik na ako sa trabaho. Alagaan mong mabuti si Ivanne. Chineck ko lang kayong dalawa. Bye!" paalam niya. Nang makaalis na si Tita ay agad akong nagtungo sa taas para sana magpasalamat kay Ivanne dahil hindi niya sinabi na ako ang dahilan ng pagkakasakit niya pero naaalala ko pa rin 'yong nangyari kanina. Huminga ako ang malalim at pumasok sa kwarto niya. Nakita ko siyang natutulog. Buti naman at tinigilan na niya ang paglalaro niya ng gadget.
Kinabukasan ay umalis ulit si Tita ng maaga. May naabutan akong sticky note sa table ko. "Good Morning Nathan! 'Di ba sabi ko sa 'yo pag-aaralin kita? Magpasama ka kay Ivanne magpa enroll sa school na pinapasukan niya. Tutal ay malapit na ang pasukan at alam ni Ivanne ang pasikot-sikot doon." - Tita Angela.
Inayos ko ang sarili ko at nagpunta sa lababo at nagmumog. Nang matapos ay pumunta din ako sa kusina para kumain ng agahan. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa kwarto ni Ivanne para tingnan kung magaling na ba siya at para ipabasa ang sticky note na iniwan sa akin ni Tita.
Pagbukas ko ay nakita ko siya habang gumagayak. Nakahubad ito kaya kita ang six pack abs. Ang ganda din ng katawan niya.
"Magaling ka na?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay ipinagpatuloy niya ang paghahanap ng damit. Mukhang alam niya na may pupuntahan kami kaya naman agad akong pumasok sa banyo para maglinis. Agad kong binilisan ang paglilinis ko dahil baka iwan ako ni Ivanne.
Nang matapos ako ay sumakay na kami sa kotse niya at umalis. Nasa likuran lang ako habang siya ang nagdadrive. Ayokong umupo sa harapan dahil awkward na naman.
"Salamat nga pala kasi, hindi mo ako sinabi kay Tita na ako ang dahilan kung bakit ka nagkasakit." saad ko. Walang salitang lumabas sa bibig niya. Napagtuloy lang ito sa pagdadrive. "S-sorry nga pala sa nangyari kahapon. 'Di ko sinasadya na kunin 'yong gadget mo." Napatingin siya sa salamin. Nakatingin siya akin. Agad naman niya itong inalis at itinuon ang atensyon niya sa pagdadrive.
Nang makarating kami ay sobrang naamaze ako dahil ang ganda ng eskwelahan na papasukan ko. Nang makapasok kami sa loob ay mas lalo pa akong naamaze dahil sa sobrang lawak nito. Ang ganda. May sarili itong cafeteria, basketball court, Gymnasium at iba pa. Halos matataas din ang mga building na nakapalibot dito.
"Wow ang ganda naman dito. Saan dito 'yong first year college?" tanong ko. "Ang tataas din ng mga facilities."
"Tsk! Inosente! Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kagandang school kaya ganyan ang reaksiyon mo?" masungit na tanong niya. Napayuko ako. Mahirap lang kasi kami at ngayon lang ako nakapasok sa ganito kaluwag na campus kaya ganito ako makapagreact. Lumapit kami sa naglilista ng pangalan.
"Ivanne Aguirre." saad niya.
"Anong year na po?"
"Third Year." tugon niya.
"Ikaw anong pangalan mo?"
"Nathan Monteverde po!"
"Anong year?"
"First Year po." saad ko.
Binigyan kami ng enrollment form. Agad ko naman itong pinirmahan at binilisan dahil baka iwanan ako ng mokong na 'to. Malayo pa naman ang binyahe namin at wala akong dalang pamasahe sakaling iwan niya ako. Inabot ko na sa kanila pagkatapos ko.
Agad naman kaming umalis. Tila iba ang daang tinatahak namin pauwi.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Hindi na naman siya nagsalita. Hindi ko na din pa siya tinanong dahil alam kong sa ligtas na lugar niya ako dadalhin. Pagkaraan ng ilang minuto ay mayroon kaming hinintuan na bahay. Simple at maganda ito pero parang walang tao. Bumaba kami ng sasakyan. Kinuha ni Ivanne 'yong susi ng sasakyan niya dahil nandoon 'yong susi ng bahay. Tila alam na alam niya kung ano ang gagawin niya. "Heto ba 'yong bahay nila?" tanong ko sa sarili ko. Kahit kasi tanungin ko siya ay hindi niya naman ako kikibuin.
Pumasok siya sa loob. Walang gaanong mga furniture ang loob nito. Maalikabok din dahil na din siguro walang nakatira at naglilinis dito.
Pagkatapos naming pumunta doon ay umuwi na din kami. Medyo nakakapagod 'yong biyahe dahil malayo-layo din ang eskwelahan namin dito sa bahay.
Problema ko ngayon kung saan ako kukuha ng pamasahe papunta sa school sa darating na lunes. Sa lunes na kasi magsisimula ang klase. Mukhang mag-iisa na naman ako nito dahil wala akong gaanong kakilala sa campus na 'yon.
Pagkalipas ng ilang araw ay simula na ng klase. Kinakabahan ako.
"Ivanne, i-guide mo si Nathan. Ituro mo sa kaniya kung saan siya dapat pumasok at bantayan mo siya." Paalala ni Tita Angela kay Ivanne bago kami umalis.
"Nathan, pakibantayan din 'tong si Ivanne. Minsan kasi ay ginagabi 'to ng uwi dahil sa barkada niya." saad naman sa akin ni Tita Angela. Napakamot siya sa ulo at natawa ako.
Sumakay ako sa kotse ni Ivanne dahil 'yon ang bilin sa akin ni Tita Angela.
Ipinark ni Ivanne ang kotse niya sa parking lot ng campus.Pagpasok ko pa lang sa gate ay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi nila inaalis ang tingin sa akin. Siguro ay dahil baguhan pa lang ako dito. Nang makapasok na si Ivanne ng gate ay biglang lumakas ang tilian. Campus Heartrob pala ang mokong. Halos kahit kagaya ng kasarian ko ay nagkakandarapa din sa kaniya. Agad naman siyang sinalubong ng mga barkada niya. Nakatingin lang ako sa kanila habang inaantay siya. Siya kasi ang magtuturo sa akin kung saan ang room ng first year dito.
"Mauna ka na, hanapin mo na lang 'yong room niyo." saad niya ng mapadako ang mga mata niya sa akin.
Napakamot na lang ako ng ulo. Saan ba dito 'yon? Hayst! Sabi kasi ni Tita si Ivanne daw 'yong magtuturo sa akin pero pinabayaan niya lang ako. Tss...
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...