CHAPTER 17
"Hindi ko alam 'yong gagawin ko simula no'ng namatay siya. Ang tanga-tanga ko! Inuna ko pa 'yong taong hindi naman pala karapat-dapat. Hindi ko alam kung paano ako babangon that time. Hanggang sa napadpad ako dito. Pinatira ako ni Tita Angela. Kaya kung mapapansin mo, tuwing umuulan, lagi ayokong umiiyak at lagi akong malungkot kasi naaalala ko 'yong pangyayari na 'yon."
"Nakamove on ka na?" tanong niya.
"Saan? Sa pangyayari na 'yon o kay Gerald?"
"Kay Gerald, sa naging boyfriend mo."
"Alam mo, kahit naman sabihin ko na nakamove on na 'ko, nandito pa rin siya eh. Kahit na sabihin nating nakamove on na tayo sa mga taong mahal natin, hindi pa rin sila basta-basta mawawala sa puso natin. Kahit na nakalimutan mo na sila, hinding-hindi pa rin makakalimutan ng puso mo ang taong naging bahagi ng buhay mo kasi kahit anong gawin mo parang may kulang. Kahit anong gawin mo parang may mali sa nararamdaman mo? Parang may hinahanap 'yong puso mo na hindi mo na nagagawa ngayon dahil hindi mo na siya kasama. Dahil wala na kayo."
Hindi ko na kinaya pa ang bigat ng loob nadarama ko. Agad akong pumasok sa kwarto at nahiga. Ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Nanay! Ako! Dahil pinabayaan ko siya! Tanging iyak na lamang ang nagawa ko.
Kinabukasan ay hindi ko na naman maidilat ang mata ko dahil sa sobrang daming luha na naging muta dahil sa pag-iyak ko. Pumunta ako sa banyo para maghugas ng mukha. Bumalik ako sa kwarto ko pagkatapos kong maghugas. Nakatulala lang ako.
Mayamaya ay mayroong kumatok sa pintuan ko. Agad ko naman itong binuksan.
"Are you okay?" tanong ng isang boses pagbukas ko ng pintuan. Nakita ko si Ivanne. Napatango na lamang ako. Niyakap niya ako na ikinagulat ko. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya.
"Sorry, dahil sa 'kin umiyak ka tuloy." saad niya.
"Okay lang. Ginusto ko din namang umiyak. Miss na miss ko lang kasi si Nanay."
Bumaba na kami sa hapag-kainan. Napangiti na lamang si Manang ng makita kaming dalawa. Siguro ay masaya siya na nagiging magkasundo na kaming dalawa.
"Can i get a favor?" tanong niya sa akin. Kaya naman pala ginagawa niya 'to dahil may favor lanh siyang gustong hingin hayst.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Bilang kabayaran dahil sa ginawa mong pagsuspend sa akin, pwede ka bang magpanggap bilang jowa ko?" tanong niya na ikinagulat ko. Ano daw? Magpanggap na jowa?
"Ha? Bakit naman?" tanong ko.
"Basta please?" saad niya. Ayoko sanang pumayag pero wala akong choice kundi sumakay na lang sa gusto niya. Heto na din siguro 'yong pagkakataon para makabawi sa pagtatanggol niya sa akin.
"Sige!" saad ko sabay ngiti ng pilit. Hayst! Ano ba 'tong kalokohang naisip niya.
Pagkaraan ng tatlong linggo ay sabay na ulit kaming pumasok.
"Basta 'yong favor ko 'wag mong kakalimutan. Kita na lang tayo sa cafeteria mamaya." saad niya bago ako bumaba.
Pagkayari ng klase namin ay nagtungo kaagad ako sa cafeteria dahil sigurado akong kanina niya pa ako hinihintay do'n. Hindi namin ipinaalam kay Tita na may deal kaming ganito. Baka kasi kung ano pa ang isipin niya.
"Bes! Pasensiya ka na kung hindi kami nakapunta no'ng sabado. Babawi na lang kami sa 'yo." saad ni Francis.
"Ano ba kayo? Okay lang! 'Wag na kayong mag-alala okay lang sa 'kin 'yon!' saad ko.
"Sigurado ka?"
"Oo." saad ko sabay tango. Mayamaya ay dumating na si Ivanne. May dala itong fries. Iniabot niya ito sa akin at umalis na siya. May nakadikit pang sticky note.
"Alam kong paborito mo 'yan. Kumain ka na, 'wag kang magpalipas ng gutom! :)" -Ivanne.
"Hoy bes! Teka nga ha! Ano ba talaga ang real score sa inyong dalawa?" tanong sa akin nila Francis. Ayokong sabihin na deal lang ang lahat dahil sigurado akong kakalat 'yon dahil sa sobrang daldal nilang dalawa.
"Ano ahm... K-kami na!" saad ko.
"What? Is that true? Support ka namin bes!" saad ni Francis.
"Oo nga! We're support you!"
"Hindi ka ba nagagalit?" tanong ko kay Francis.
"Hindi. Saka tanggap ko naman na hindi ako magugustuhan ni Ivanne noh!"
"Hayst ano ba kasi 'tong kalokohang pinapasok namin ni Ivanne." bulong ko sa sarili ko. Bakit ba kasi ako pumayag.
Pagdating ko sa parking lot ay nadatnan ko si Ivanne.
"Bakit ang tagal mo?" tanong niya.
"Wala lang. Nakipagkwentuhan pa kasi ako kina Francis at Veronica."
"Sa susunod babantayan na lang kita. Baka kung ano na naman ang mangyari sa 'yo." sambit niya. 'Di ko alam kung parte pa rin ba 'yon ng pagpapanggap namin o totoong nag-aalala siya para sa 'kin. Bahala na nga.
"Bakit po parang ang saya-saya ni sir Ivanne?" tanong sa akin ni Manang ng makauwi na kami. "May alam po ba kayo?"
"Wala po Manang. Nagpanggap lang naman po kaming magjowa sa school." pahayag ko.
"Ha? Totoo ba? Oh ano sir? Kamusta si Ivanne? Sweet naman bang maging boyfriend?"
"Hahaha opo manang."
"Sir Nathan, mag-ingat po kayo kay sir Ivanne baka po bigla kayong mahulog sa kaniya. Lagi niyo pong tatandaan na deal lang ang lahat." paalala niya.
Napaisip din ako sa sinabi niya. Paano kung mangyari nga 'yon?
"Naku manang, malabo po! Oo gwapo po siya pero hindi ko siya bet" saad ko na ikinatawa ni Manang. Nakita ko naman si Ivanne na nasa likuran ko at parang nakikinig sa mga pinag-uusapan namin ni Manang. Nang tingnan ko ito ay agad tumalikod at pumasok sa kwarto habang sumisipol.
"Manang kung pwede sana, sikret muna natin 'yon. Ayoko po kasing malaman ni Tita Angela dahil baka kung ano pa ang isipin niya."
"Sige po sir. Lagi po kayong makakaasa sa 'kin." saad niya.
P
aano kung mafall nga ako kay Ivanne? Sana naman hindi ako mafall sa kagaya niya kasi alam ko naman ang kahihitnan at masasakatan lang ako sa bandang huli. Sisikapin kong hindi mafall kay Ivanne! Susubukan ko! Nagpaalam na ako kay Manang dahil nakaramdam na naman ako ng pagkabored. Gusto ko munang matulog. Halos alas-12 na kasi akong nakatulog kahapon dahil sa pinag-usapan namin ni Ivanne kagabi.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...