CHAPTER 9
"Ivanne, gumising ka, kainin mo 'tong lugaw." saad ko. Agad naman itong bumagon at inabot ang lugaw sa akin.
"Pagkatapos mong kumain diyan, papainumin kita ng gamot. Bakit hindi ka nagpalit ng damit kagabi?" tanong ko pero walang tinig o salita ang lumabas sa bibig niya. "Sa susunod kapag nabasa ka ng ulan magpapalit ka para 'di ka lagnatin."
"'Wag mo nga akong utusan! Bakit? Sino ka ba para utusan ako? Pasalamat ka nga sinundo pa kita kahapon eh. Dapat nga hindi kita susunduin, pero nakonsensiya lang ako at alam kong mag-aalala lang si Tita kapag nalaman niya na umalis ka dito! Ikaw nga ang dahilan kung bakit ako may sakit ngayon eh." sigaw niya. Nagulat ako sa ginawa niya.
Napayuko na lamang ako sa sinabi niya. Gusto ko lang naman siyang tulungan para gumaling siya. Oo tama siya, ako nga ang dahilan kung bakit siya nagkasakit kaya nga gusto kong bumawi sa kaniya. Lumabas na ako ng kwarto at sinabi sa isang katulong na painumin na lang si Ivanne ng gamot. Ayoko muna siyang lapitan ngayon.
"Sir, pasensiya na po kayo kay Sir Nathan, ganyan po talaga 'yan kapag hindi niya kilala 'yong isang tao. Pero mabait po 'yan kapag tumagal-tagal na."
"Okay lang po manang, naiintindihan ko naman po. Sa tingin ko nga po ay hindi talaga kami magkakasundo hahaha."
"Oo nga po sir, para kayong aso't pusa. Pero alam niyo po ba sir, kagabi, hindi siya mapakali dahil umalis kayo. Ilang beses po siyang nagpabalik-balik dito dahil halos naikot na niya 'yong kabilang kalsada."
"Oo nga po. Nakwento niya po sa 'kin 'yon. Ayaw niya daw po kasing mag-alala si Tita Angela."
"Oo nga po pala sir, saan po ba kayo nagpunta kahapon?"
"Namiss ko kasi 'yong bahay namin. Marami kasi kaming naiwang alaala do'n ni Nanay. Saka dinalaw ko din po siya. Kung maaari po sana, ayokong malaman ni Tita Angela 'yong ginawa ko. Ayoko po kasing mag-alala siya."
"Sige po sir, makakaasa ka na hindi ko sasabihin lahat ng sinabi mo sa akin. Kawawa naman po pala kayo sir, kaaga niyo po palang naulila. Eh nasaan na po 'yong Tatay niyo?"
"Bata pa lang ako no'ng iwan niya kami. Kaya nga bilib ako kay Nanay kasi naitaguyod niya ako kahit mag-isa lang siya. Namasukan siyang katulong para maitaguyod at mapag-aral ako. No'ng una nga ayokong pumunta dito kasi sigurado akong mamimiss ko lang si Nanay at 'yong bahay namin pero naalala ko 'yong pangarap namin ni Nanay na kailangan kong magtapos ng pag-aaral. Buti na nga lang po kinupkop ako ni Ma'am Angela at pinag-aral."
"Paano niyo po ba nakilala si Ma'am Angela?"
"Nagtatrabaho po ako dati sa fast food kung saan siya pumapasok bilang manager. Buti na nga lang po nahire ako do'n. Siguro kalooban ng Diyos na makilala ko siya dahil siya pala 'yong taong tutulong sa akin. Doon na lang po muna ako sa labas." saad ko.
Tumambay ako sa harapan ng bahay nila. Mayamaya ay tinawag ako ng isang katulong.
"Sir, ayaw pong uminom ni Sir Ivanne ng gamot."
"Hayst! Sige akin na, ako na lang ang magpapainom sa kaniya." saad ko. Ang tigas ng ulo niya.
Pumasok ako sa kwarto niya. Nakahiga pa rin siya habang naglalaro ng gadgets.
"Tama na muna 'yan. Uminom ka muna ng gamot." saad ko sa kaniya sabay bigay sa kaniya ng tubig at gamot pero hindi niya ito pinansin bagkus ay pinagpatuloy niya pa ang ginagawa niya. "Mabibinat ka pang lalo niyan kapag hindi mo nilubayan 'yan!"
"Bumabawi ka ba dahil sa ginawa ko sa 'yo kahapon? 'Wag kang mag-alala, hindi ko ginawa 'yon para sa 'yo, ginawa ko 'yon para kay Tita."
"So kung mahal mo ang Tita mo, bakit ayaw mong uminom ng gamot? 'Di ba ayaw mong mag-alala siya sa'yo?"
Mukhang natuhan siya sa sinabi ko. Kinuha na niya ang gamot niya at ininom. "Madadaan din naman pala sa pakiusapan eh." mahinang saad ko.
"Anong sabi mo?"
"Wala, ang sabi ko magpahinga ka na diyan. 'Wag mong paglalaruan 'yang gadget mo."
" 'Di ba kasasabi ko lang? Ayoko ng inuutusan ako! Bakit Nanay ba kita? O kaya Kapatid? O kaya naman girlfriend?"
"Bakit sila lang ba ang may karapatang mag-utos sa 'yo?" tanong ko sabay hablot ng tablet niya. Agad naman niya itong inagaw kaya naman napailaliman niya ako at nakapatong siya sa ibabaw ko habang inaagaw niya sa akin ang tablet niya. Halos magkalapit na ang mukha naming dalawa. Ramdam ko din ang init ng kaniyang katawan dahil sa lagnat niya.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Agad ko namang inalis ang tingin ko sa kaniya dahil masyado ng awkward. Bumilis din ang tibok ng puso ko habang nakadagan siya. Tahimik ang buong paligid. Tanging malakas na tibok lamang ng puso ko ang maririnig. Agad naman siyang umalis mula sa pagkakadagan sa akin. Inayos ko ang damit ko at tumayo. Inabot ko na sa kaniya ang tablet niya at lumabas ng pintuan.
Paglabas ko ng pintuan ay pilit kong kinalma ang sarili ko. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko kaya naman nagpaypay ako gamit ang mga kamay ko. Kinalma ko ang sarili ko. Agad naman akong pumasok sa kwarto ko. Gusto kong kalimutan 'yong nangyari kanina pero paulit-ulit na nirerewind ng utak ko. Alam kong wala namang ibig sabihin ang nangyari kanina.
Nang kumalma na ang sarili ko ay lumabas ako para magpahangin sa labas. Ngayon ko lang napagtanto na gwapo pala siya. Hindi ko malimutan ang itsura niya kanina habang nakahiga kami. Muntik na ngang dumampi ang labi niya sa labi ko, pero buti na lang at napigilan niya ang pagbagsak niya sa ibabaw ko.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Tss... ano ba 'tong iniisip ko. Sana naman makalimutan ko na 'yong nangyari kanina. Mayamaya pa ay dumating na ai Tita Angela sakay ng kaniyang kulay pulang innova.
"Hey Nathan! What are you doing here?" tanong niya.
"Nagpapahangin lang po Tita."
"By the way lumabas na ba sa kwarto niya si Ivanne?" tanong niya.
"H-hindi pa po eh."
"Sige, puntahan ko na lang siya sa kwarto niya." saad ni Tita. Huminga ako ng malalim. Hanggat maaari sana ay ayokong malaman ni Tita na ako ang dahilan kung bakit nagkasakit si Ivanne.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Ficção AdolescenteMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...