Chapter 6

237 12 0
                                    

CHAPTER 6

'Di ko namalayan na nakauwi na pala ako. Basang-basa ako at nanginging na ako dahil sa lamig ng damit na nakabalot sa aking katawan. Tila naninibago ako dahil madilim ang paligid ng aming bahay. Datirati tuwing umuuwi ako ay maliwanag ang bahay namin pero bakit gan'on? Baka nakalimutan lang niyang ibukas ang ilaw. Bago ako pumasok ay pinahid ko ang luha ko sa mata ko para hindi mahalata ni Nanay na umiyak ako. Agad kong binuksan ang pintuan ng aming bahay. Halos wala akong maaninag sa sobrang dilim. Pinindot ko ang switch ng ilaw malapit sa pintuan at hinanap kung nasaan si Nanay. Siya lang kasi ang masasandalan ko sa ngayon. Nagtungo ako sa kusina pero wala siya. Wala ding pagkain na nakahain. Pumunta din ako sa banyo para tingnan kung nandoon pero wala. Nasaan kaya siya? Tiningnan ko siya sa higaan at naabutan ko siya roon. Siguro ay pagod lang siya kaya nagpapahinga siya, ngunit ng tingnan at hawakan ko siya ay tila iba na ito. Namumuti ang kaniyang mga labi at ang tigas ng kanyang katawan.

"Nay! Nay! Nandito na ako, nay! Nayyyy!" yinugyog ko siya ng niyogyog at umaasa akong magigising pa siya pero nabigo ako. Hindi na siya nagising. Agad akong humingi ng tulong sa mga kapitbahay para madala siya sa hospital pero wala. Patay na siya. Dinala siya sa morgue.

Kaya pala halos hindi ko maitapon ang tingin ko sa kaniya kanina.

"Nay, bakit mo 'ko iniwan? Bakit ka sumuko agad, bakit ngayon pa? Kailangan kita ngayon Nay! Kailangan kita."

Hindi ko lubos akalain na wala na 'yong taong nagtaguyod at nag-alaga sa akin mula pagkabata ko. Siya 'yong tipo ng tao na nandiyan para suportahan ako, nandiyan para damayan ako sa tuwing may problema ako. Sino na ang mag-aalaga sa akin ngayon? Sino na ang susuporta sa akin? Sino na ang tutulong sa pinagdadaanan ko ngayon? Ibinuhos ko ang luha ko sa kaniya habang yakap-yakap ko siya.

Ilang araw lang ang nakalipas ay inilibing na si Nanay. Hindi ko ngayon alam kung paano ako makakabangon gayong wala na si Nanay. Ang sakit isipin na iniwan na niya ako. Kailangan kong maging matatag at kailangan kong tuparin ang mga pangarap na aming binuo. Makakabangon din ako! Makakabangon ako!

Pumasok ako sa trabaho kahit hindi pa ako gaanong nakakamove on dahil sa nangyari.

"Nathan, puwede ba tayong mag-usap?" tanong sa akin ni Ma'am Angela.

"Nabalitaan ko 'yong nangyari sa Nanay mo. Simula n'ong nabalitaan ko 'yon nabahala ako dahil wala ka ng magulang kukupkop at mag-aalaga sa 'yo. Gusto ko sanang sa bahay ka na tumira. Hindi kasi ako komportable kapag pinabayaan kita sa dati niyong bahay. Baka kung ano lang ang mangyari sa 'yo don." saad niya.

"Ma'am pasensiya na po pero hindi ko po matatanggap 'yong inooffer niyo sa akin. Marami na po kasi kayong naitulong sa amin salamat na lang po."

"Ginagawa ko lang 'to para tulungan ka. Hindi kasi ako komportable na nakikita kang malungkot. Ako na lang ang mag-aalaga sa 'yo, ako na lang din ang magpapaaral sa 'yo."

Gusto ko mang tumanggi sa kaniya pero 'yon kasi ang pangarap namin ni Nanay. Ang makapagtapos ako ng pag-aaral. Heto na ang opportunidad na ibinibigay sa akin kaya tatanggapin ko na.

"Tinatanggap ko na po 'yong offer niyo. Pangarap po kasi namin ni Nanay na makapagtapos ako ng pag-aaral. Maraming maraming salamat po! Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob."

"Oo nga pala, kamusta na kayo ni Gerald?" tanong niya. Natigilan na lamang ako sa tinanong niya.

"W-wala na po kami. Nakita ko po siyang nakikipagsex sa ibang babae."

"Hayst! Heto talagang si Gerald nakisabay pa sa problema mo. 'Wag kang mag-alala, ipapatanggal ko na lang siya dito."

"Naku Ma'am 'wag po, ayoko po kasing mawalan siya ng trabaho. Heto lang po kasi ang tanging nakakapagpasaya sa kaniya."

"Oh sige kung 'yan 'yong gusto mo. Ihahatid na lang kita sa bahay niyo mamaya para kunin 'yong mga gamit mo."

Ang bait talaga ni Ma'am Angela. Buti na lang at may mga taong kagaya niya na tumutulong sa mga taong kagaya kong ulila.

Nang matapos na ang trabaho ko ay sumakay na ako kay Ma'am Angela para kunin ang mga gamit ko. Pagkatapos ay nagtungo kami sa bahay nila. Ang laki ng bahay nila. Malamansiyon ang peg.

Ipinarada na niya ang sasakyan niya. Pumasok na kami sa loob. Ang lawak at ang ganda ng bahay niya. May mga maids din. Siya lang ang nakatira dito dahil wala pala siyang asawa. Inilibot niya ako sa mga kwarto.

"Heto ang magiging kwarto mo." Ipinakita niya sa akin ang isang guest room na animo'y kwarto ng artista.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya.

"Opo sobra po. Thank you po talaga Ma'am Angela.

"Don't call me Ma'am Angela, instead Tita Angela."

"Thank you po Tita Angela." saad ko.

Ipinakilala niya ako sa mga Maids niya at ipinasyal niya ako sa iba pang kwarto, sa Dining Hall, kitchen at bathroom.

"Dito ang kwarto ni Ivanne. Siya 'yong pamangkin kong nasa states. Anak siya ng kapatid ko. Dito siya nagbabakasyon tuwing umuuwi siya. Pasensiya na iisa lang ang banyo ha! Isasara mong mabuti 'yan dahil diyan din siya nag-ccr. By the way, uuwi na nga pala siya one of this day. Gusto niya daw kasing surpresahin ako."

Pinakita niya din sa akin ang pool nila sa likod ng bahay.

"Kung gusto mong magswimming, go lang. Magsasawa ka dito sa bahay ko. Nagustuhan mo ba?"

"Opo." saad ko. Hindi ko pa din maiwasang malungkot dahil naaalala ko si Nanay. Hindi na din ako nakatira sa dating bahay namin. Namimiss ko na siya.

"Pasok muna po ako sa kwarto." paalam ko.

Kinuha ko ang picture ni Nanay sa wallet ko at umiyak.

"Nay, buti na lang pinatira ako ni Ma'am Angela dito sa bahay niya, ang ganda po dito nay, sayang lang nay, nawala ka kasi kaagad."

Umiyak ako ng umiyak. Mayamaya pa ay mayroon akong narinig na nagbukas ng pintuan.

"Are you okay?" bumungad sa akin si Ma'am Angela. Hinagod-hagod niya ang likod ko habang umiiyak.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon