Chapter 13

241 10 0
                                    

CHAPTER 13

"Manang tulungan ko na po kayo." saad ko. Dadalhan niya kasi 'yong mga kaibigan ni Ivanne ng juice at tinapay kaya naman tinulungan ko na siya. Ibinigay niya naman sa akin ito.

Agad kong dinala sa labas ang juice na dala-dala ko. Ang ingay talaga ng mga kaibigan niya. Inilapag ko sa lamesa ang juice na dala-dala ko ng makarating ako sa kanila.

"Pre heto ba 'yong yaya niyo?" saad no'ng lalaki sabay tawa.

"Pero wait lang guys, hindi naman yata siya yaya dito. Mukhang tumutulong lang siya." saad no'ng isa pa.

"Mga pre, heto nga pala si Nathan, pinatira siya dito ni Tita." pakilala ni Ivanne sa akin sa mga barkada niya.

"Hi!" bati ko. Nang makapagpakilala na sila ay aalis na sana ako pero tinawag ako ng isa nilang kaibigan.

"Pwedeng makuha 'yong number mo?" tanong ng kaibigan ni Ivanne. Alam kong straight guy silang lahat kaya hangga't maaari ay ayoko sanang ibigay ang number ko dahil sigurado akong lolokohin lang din nila ako kamukha ng ginawa ni Gerald.

"Sorry, pero marami pa akong gagawin at isa pa, hindi ko basta basta ipinamimigay 'yong number ko." saad ko sabay talikod sa kanila.

"Woahhh tol basted ka kaagad 'di mo pa naman nililigawan!" sigawan ng iba pang kasamahan ni Ivanne. Ramdam kong napahiya siya kaya naman lumapit agad ako at kinuha ang cellphone niya. Dali-dali kong itinype 'yong number ko sa cellphone niya. Nang matapos ako ay umalis na ako.

"Salamat sa pagtulong sa 'min ha." saad ni Manang.

"Okay lang po 'yon. Responsibilidad ko din naman po na tulungan kayo saka wala naman po akong ginagawa."

"Sir Nathan, may girlfriend o nililigawan na po ba si Sir Ivanne sa campus niyo?"

"Manang 'di ko po alam eh. Madalang ko lang po kasi siyang makita. Siguro po meron, dahil heartrob siya sa school namin. Imposible po kasing wala."

"Sa bagay."

"Pero manang, meron na po bang naging girlfriend si Ivanne na ipinakilala niya dito?"

"Opo sir, si Ma'am Heaven po. 'Di ko lang po alam kung bakit sila nagbreak ni sir."

"Sorry po manang, ang dami ko pong tanong. 'Wag niyo na lang po akong pansinin. Maiwan ko po muna kayo. Magdidilig lang po ako ng halaman."

Nang makalabas ako ay diniligan ko ang mga halaman. Namumukadkad ang mga bulaklak nito. Ang sayang pagmasdan. Mayamaya pa ay mayroong nagtext. Agad ko naman itong binasa.

"Hi!" saad ng lalaki sa text. Hindi ko na lang ito pinansin. Wala na kasi akong gana sa mga kagaya niya. Baka paasahin na naman ako. Balak ko sanang pumunta ngayon sa dati naming bahay pero busy si Ivanne. Ayoko namang abalahin siya. Nakakahiya.

Nang mayari sila ay niligpit ko na ang mga pinag-inuman nila. Agad namang pumunta si Ivanne sa kwarto niya. Mayamaya pa ay tinawag niya ako.

"Nathan! Pakidalhan mo ako dito ng juice, nauuhaw ako." saad niya. Agad naman akong nagtimpla ng juice at dinala ko sa kaniya.

Pagdating ko ay iniabot ko na sa kaniya ito at nasunggo niya.  Kaya naman naitapon ko ito sa damit at sa sahig niya.

"Tsss... Ang tanga naman!" saad niya.

"Sorry, hindi ko sinasadya."

Agad naman niyang hinubad ang damit niya. Nasilayan ko na naman ang katawan niya. Napalunok na lamang ako at tumalikod.

"Oh? Bakit ka nakatalikod?" curious na tanong niya.

"A-ano kasi ahm... virgin pa 'yong mata ko." saad ko.

Natawa na lang siya sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin at nakorner niya ako sa dingding. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Bilang kabayaran sa pagtapon mo sa damit ko at sa sahig ng kwarto ko, punasan mo ang natapon na juice sa sahig at pakilinis na din 'yong kwarto ko." saad niya. Wala akong choice tumanggi kahit hindi ko naman sinasadya 'yong nangyari. Nagtungo siya sa banyo at naglinis. Buti na lang at hindi ko nabasag 'yong baso kahit nalaglag ito. Sobrang gulo ng kwarto ni Ivanne. Nakakalat 'yong gitara, mga sapatos,maleta at mga damit niya. Agad ko naman itong pinulot isa-isa at itinupi.

Hinawi ko ang kurtina niya para naman lumiwanag sa loob. Iniligpit ko na din ang higaan niya. Habang naglilipit ako ay may nakita akong maliit na papel na nakalupi at binasa ko ang nasa loob no'n.

"Dear Heaven,

Mahal na mahal kita-- "

Naputol ang pagbabasa ko ng agawin niya sa akin ang papel na binabasa ko.

"Bakit mo pinapakialaman 'yong gamit ko? 'Di ba ang sabi ko sa 'yo linisin mo, hindi pakialaman 'yong mga bagay na nandito." saad niya sabay lamukos sa papel at tapon sa basurahan. Tutal tapos naman na akong maglinis kaya naman umalis na ako. Hindi ko naman sinasadya na basahin 'yong papel na 'yon. Akala ko kasi kung ano lang.

"Sir, nag-aaway na naman po ba kayo ni Sir Ivanne?" tanong sa akin ni Manang pagbaba ko.

"Opo manang, hindi ko naman po kasi sinasadya na matapunan siya ng juice kaya ayon, pinalinis niya 'yong kwarto niya. Hindi ko din naman po sinasadaya na basahin 'yong papel na nakita ko sa kama niya."

"Tungkol saan ba 'yong letter na nabasa mo?"

"Love letter po yata, about kay Heaven."

"Bakit po kaya sila nagbreak ni Heaven? Alam mo sir, botong-boto kaming lahat kay Heaven kasi sobrang bait niya. Halos lahat nga kami dito kaclose na niya. Nakakabonding niya din si Ma'am Angela." nalungkot ako sa sinabi niya. Kaya siguro masungit si Ivanne dahil sa nangyari sa kanila ni Heaven. Gusto kong ayusin 'yong relasyon nila pero hindi ko alam kung papaano at baka mapagsabihan ako ni Ivanne na nanghihimasok sa relasyon nila. Nalulungkot lang talaga ako para sa kanila.

Tinamaan na naman ako ng pagkabored dito sa bahay. Gusto kong umalis pero hindi ko alam kung papaano. Itatry ko na lang kausapin si Ivanne. Sana naman pumayag siya. Nagtungo ako sa kwarto niya para sabihin sa kaniya na gusto kong umuwi sa bahay namin.

"Ivanne!" saad ko.

"What are you doing here?" malamig na saad niya.

"Gusto ko sanang magpahatid sa bahay namin. Malapit lang naman 'yon. Sabi kasi ni Tita Angela kapag gusto kong pumunta do'n ihatid mo daw ako." sabi ko. Wala na siyang nagawa kundi sumunod na lang sa ayaw at sa gusto niya.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon