CHAPTER 25
"Pero ikaw pa rin ang magdedecide sa sarili mo kung ano ang pasya mo. Kaya ako nandito para tulungan ka." saad niya. Napayakap na lamang ako sa kaniya. Sobrang bait talaga ni Tita Angela. Lagi siyang nandito para tulungan ako. Pag-alis niya ay nagtungo na naman ako sa balkonahe. Gusto kong mapag-isa. Mayamaya pa ay mayroon akong narinig na boses sa gilid ko. Sigurado akong kay Ivanne galing 'yon.
"Alam mo, simula nang dumating 'yong Tatay mo sa buhay namin, siya na 'yong laging nagpapalakas ng loob ko at tumutulong sa akin sa tuwing may problema ako. Siya 'yong naging ama ko simula no'ng iniwan kami ng Tatay namin. Kaya ikaw, mahalin mo ang Tatay mo dahil sigurado akong mahal na mahal ka no'n. Mahalin mo siya hangga't humihinga pa siya. Mahirap na kasing magsisi sa huli." saad niya.
Bahagya akong nakaramdam ng awa sa kaniya. Mahal na mahal niya si Tatay. Buti pa si Tatay naalagaan sila, samantalang ako hindi. Tama sila. Siguro nga ay kailangan ko na siyang patawarin. Wala din kasing kapupuntahan 'to kapag pinatagal ko pa. Hindi din naman 'to maguhustuhan ni Nanay lalo na kung buhay pa 'yon.
"Sorry nga pala sa mga nasabi ko kanina. Nasaktan lang ako kasi parang tunay na ama na ang turing ko sa Tatay mo. Sorry nga pala dahil naangkin namin siya. Wala naman kasi siyang binaggit na may anak siya."
"Ayos lang, tama naman 'yong mga sinabi niyo eh. Saka wala kang kasalanan sa nangyari. Problema namin 'to. Wala kayong kasalanan. Naiintindihan ko naman si Tatay. Nadala lang naman ako sa mga nangyari. Siguro heto na 'yong time para kalimutan na ang mga nangyari sa past. Siguro heto na ang tamang oras para makapagsimula ulit kaming dalawa." saad ko.
"Tama! Basta kapag may problema kayo nandito lang ako para tulungan kayo ni Tito."
"Salamat nga pala sa inyo ni Tita kasi lagi kayong nandyan para tulungan ako sa tuwing may problema ako. Alam kong hindi sapat ang salitang salamat para pasalamatan kayo."
"Wala 'yon. Basta ikaw, malakas ka sa 'min eh. O sige inaantok na 'ko. Mauna na 'ko. Matulog ka na din ha!"
"Sige, Good Night." bati ko.
"Good night din." saad niya sabay pasok sa kwarto niya.
Kung tutuusin, sobrang swerte ko pala kasi maraming nagmamahal sa akin. Nawala man si Nanay ay marami namang pumalit sa kaniya bilang isang ina at kaibigan.
Kinabukasan ay nagpahatid ako kay Ivanne sa dati naming bahay. Gusto kong makausap si Tatay.
"Tay, sorry sa mga nasabi ko. Nadala lang kasi ako. Sobrang sakit kasi ng nangyari sa amin ni Nanay. Simula kasi nang umalis ka, sobrang hirap ng naging buhay namin ni Nanay."
"Ako nga ang dapat magsorry sa 'yo anak dahil sa mga nagawa ko sa inyo. Alam kong hindi mo ako mapapatawad kaya tatanggapin ko ang katotohanang iyon. Sorry sa mga nagawa ko anak. Sorry." saad niya sabay luhod sa harapan ko. Halos madurog ang puso ko dahil sa ginawa niya. Napaluha na rin ako.
"Tay tayo ka na po diyan. Pinapatawad na kita Tay. Naiintindihan ko naman kung bakit niyo nagawa 'yon. Siguro ay nadala lang ako sa galit ko Tay."
"Salamat anak! Salamat!" saad niya sabay yakap sa akin. Napangiti na lamang si Ivanne sa nasaksihan niya.
"Tay, sumama ka sa 'min. May pupuntahan tayo!" saad ko. Tumingin ako kay Ivanne at alam niya na kung saan ko gustong dalhin si Tatay.
Nagpunta kami sa libingan ni Nanay. Gusto ko kasing magkausap sila.
"Nandito na tayo tay." saad ko. Naglakad kami hanggang sa makarating sa puntod ni Nanay. "Nay, nandito na po si Tatay. Wala pa rin po siyang pinagbago Nay, gwapo pa din. Sige tay, maiwan ko muna kayo ni Nay, kausapin niyo muna siya kaso lang po baka po may magsalita diyan. 'Wag niyo na lang pong pansinin." saad ko. Pumunta muna kami sa pinagparadahan namin ng kotse ni Ivanne.
"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.
"Oo sobra. Thank you talaga sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo, hindi maaayos 'tong problema namin."
"Always welcome! Gusto ko sana kayong ayain ni Tito na kumain sa labas. Treat ko!"
"Naku 'wag na, ako na lang magbabayad. Nakakahiya na sa 'yo. Napakarami mo ng naitulong sa akin noh!"
"Hahahaha 'di ba sabi ko, basta ikaw malakas ka sa 'kin."
"Sige na nga."
"Tara na anak, nagugutom na din ako." singit naman ni Tatay.
"Ayy oo nga po pala Tay, kakain nga po pala tayo sa labas. Treat daw po nitong si Ivanne."
"O sige tara!" saad niya.
Habang nasa biyahe ay naisipan kong tawagan si Tita Angela. Gusto ko kasing doon na lang sa bahay niya tumira si Tatay para sama-sama na kami. Hiniram ko ang cellphone ni Ivanne dahil nakalimutan ko ang cellphone ko.
"Tita Angela, pwede po bang sa bahay na lang tumira si Tatay?" tanong ko.
"Oo naman! Pwedeng pwede! Napatawad mo na ba siya?"
"Opo Tita. Sige po salamat po. Mamaya na lang po. Kakain po kasi kami sa labas."
"Oh ehh dumiretso na kayo dito sa Fast Food ko para naman libre na. Hihintayin ko kayo."
"Naku nakakahiya po Tita. Andamin niyo na ng pong naitulong sa 'kin eh."
"Ano ka ba? Okay lang 'yan! Para na ngang anak ang turing ko sa 'yo eh. Saka ngayon ka na lang ulit makakapunta dito sa fast food. Namimiss ka na no'ng mga kasamahan mo dito."
"Sige po Tita. Hinatayin niyo na lang po kami diyan." saad ko sabay patay ng tawag. Nang makarating kami ay agad naman akong sinalubong ni Ate Gemma at ng iba ko pang kasamahan.
"Bongga ka na ngayon ha! Kilala mo pa ba kami?"
"Oo naman ate Gemma. Makaklimutan ko ba 'yong diyosa dito sa fast food?" saad ko sabay tawa naming dalawa.
"Oh sino 'tong gwapo na 'to? Boyfriend mo? Naku ikaw ha! Hindi mo na ako binabalitaan."
"Hahah ano ka ba? Pamangkin 'yan ni Tita Angela. Si Ivanne nga pala." pakilala ko.
"Heto naman si Ate Gemma."
"Hi!" bati nila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Teen FictionMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...