CHAPTER 33
"Nandito ka sa hospital." saad ng lalaki.
"Paano ako napunta dito? Anong nangyari sa 'kin?"
"Nabangga kasi 'yong sinasakyan mong tricycle kanina kaya dinala kita dito."
"Wait, sino ka? Anong ginagawa mo dito?"
"Ako si Brent Anthony David. Boyfriend mo." pakilala niya.
"Ha? Matagal na ba tayong magboyfriend?"
"Oo naman! Three years na tayo!"
Mayamaya naman ay mayroong pumasok na doktor.
"Kayo po ba ang kasama ng pasyente?"
"Opo, kamusta po siya?"
"Maayos naman ang lagay niya. Hindi naman siya gaanong nasaktan sa nangyari. Mga galos lang ang natamo niya. Buti na lang at madali lang gumaling ang mga galos niya. Can we talk for a while?" tanong ng doktor kay Brent. Saglit lang silang nag-usap. Pumasok din siya kaagad pagkatapos.
"Anong gusto mong kainin? Gusto mo ng prutas?" tanong niya.
"Wala. Gusto kong mapag-isa, do'n ka muna sa labas." utos ko. Agad naman itong lumabas. Sobrang sakit pa rin ng ulo ko.Hindi ko marecognize na si Brent pala ay matagal ko ng boyfriend. Kailangan ko lang sigurong magpahinga.
Habang nakahiga ako ay iniisip ko kung ano ang nangyari kanina bago ako maaksidente pero wala akong mahalungkat sa utak ko. Para akong blangko na walang alam kung hindi ang sinabi ni Brent na naaksidente ako.
Mayamaya pa ay may pumasok na nurse.
"Sir, ano pong pangalan niyo?" tanong niya sa akin. Hindi ko din maalala kung ano ang pangalan ko. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Nag-aantay siya ng sagot na lalabas sa bibig ko pero wala. Wala siyang nakuhang sagot. Buti na lang at pumasok si Brent.
"Sir, ano pong pangalan ng pasyente?"
"Devin po." saad niya. Devin? Parang devil? Hayst! Hindi ko na talaga matandaan ang pangalan ko. Paglabas ng nurse ay agad ko siyang tinanong.
"Taga saan ba ako?"
"Nakatira ka sa bahay namin. Hindi mo ba talaga natatandaan?"
"Hindi talaga eh. Pasensiya na."
"Magpahinga ka muna. Heto 'yong prutas kumain ka." saad niya sabay abot ng mansanas. Nakatulala lang ako habang kumakain. Gusto ko ng umuwi kaso lang, hindi pa ako pwedeng lumabas.
"Kailan ba tayo pwedeng lumabas? Hindi ako komportable dito sa loob."
"Kakausapin ko na lang 'yong doktor mamaya. 'Wag kang mag-alala, makakalabas din tayo mamaya. Hihingi na lang ako ng mga gamot para gunalin kaagad 'yong mga sugat mo at para maiuwi na kita sa bahay."
Nang matapos akong kumain ng prutas ay natulog na ako. Paggising ko ay nasa bahay na ako.
"Buti naman gising ka na hijo, kumain ka muna." aya sa akin ng isang medyo matandang babae.
"Sino po kayo? Ano pong ginagawa ko dito?"
"Magulang kami ni Brent. Dinala ka niya dito. Nakausap niya kasi 'yong doktor. Pwede ka na daw iuwi."
"Eh saan po nagpunta si Brent?"
"May binili lang. Tara na kumain ka na."
Agad naman akong umupo sa tabi nilang mag-asawa. Simple lang ang bahay nila Brent. Hindi gaanong malaki at hindi naman din gaano kaliit. Sakto lang. Masasabi kong may kaya naman ang pamilya ni Brent.
"Anong lugar po ba 'to?"
"Batangas hijo."
Wala akong maalala na sa Batangas ako nakatira. Hindi ko din sila matandaan kung dito man ako nakatira noon pa man. Magpapahinga na lang siguro ako bukas. Baka pagod lang ang isip ko kaya ganito ako.
"Kamusta pakiramdam mo hijo?" tanong sa akin ng isang matandang lalaki na asawa ng babae.
"Maayos naman po. Sumasakit lang po 'yong ulo ko."
"Mabuti pa'y bilisan mo ang pagkain mo ng makapagpahinga ka na ng maigi."
Kinabukasan ay medyo maayos na ang pakiramdam ko. Bahagya na lang sumasakit ang ulo ko.
"Hijo, mag-almusal ka na. Maiwan ka na namin at magtitinda pa kami sa palengke. Nandyan naman si Brent, aalagaan ka no'n."
"Devin, tara kain na tayo!" aya niya. Agad naman akong tumalima sa sinabi niya. "Kamusta pakiramdam mo? Okay ka na ba?"
"Maayis naman. Bahagya na lang sumasakit ang ulo ko."
"Mamaya pagkatapos mong kumain, papainumin kita ng gamot."
Nang matapos akong kumain ay pinainom niya ako ng gamot. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa bakuran ng bahay nila. Malawak ang bakuran nila. Kitang-kita mo ang puro kulay berdeng damo. Bahagyang may sumagi sa isipan ko na kulay berdeng damo pero malabo ang pagkakaalala ko dito. Hindi ko maaninag ang tao na kasama ko habang nasa damuhan kami. Siguro ay si Brent lang ang kasama ko no'ng araw na 'yon.
"Gusto mong maglakad-lakad sa bakuran?"
Tumango lang ako. Gusto kong makita kung gaano kalawak ang bakuran nila. Mukhang ang sarap mahiga sa kulay berdeng damo sa harap ng bahay nila.Sinamahan niya akong maglakad-alakad sa bakuran nila.
"Buti na lang nakaligtas ka. Buti na lang, walang nangyaring masama sa 'yo." saad niya. Napatingin ako sa kaniya. Naupo kami sa ilalim ng puno ng mangga na nasa bakuran nila. Habang nakatingin ako sa mukha niya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ang gwapo niya pala. Parang nakita ko na ang mukha niya dati pa.
"Bakit nga pala ako walang maalala?" tanong ko.
"Nagkaroon ka kasi ng amnesia. Nawala lahat ng alala mo dahil sa aksidenteng nangyari kahapon."
"Pasensiya na kung marami akong tanong ha, hindi ko lang kasi talaga matandaan 'yong ibang detalye dahil sa kalagayan ko."
"Walang anuman. Nandito naman ako. Kahit makalimutan mo 'yong nakaraan, gagawa naman tayo ng marami pang memories na magkasama."
Ang swerte ko pala sa kaniya. Sobrang mapagmahal niya. Buti na lang at siya ang lalaking napili ko para maging kasintahan.
Lagi kaming magkasama ni Brent. Nag-eenjoy ako sa tuwing kasama ko siya. Parang ayokong mahiwalay sa tabi niya. Siya ang nagbigay ganda sa buhay ko simula ng nakalimutan ko ang nakaraan namin. Kung naaalala ko lang siguro lahat ng nangyari sa nakaraan ay mas mag-eenjoy ako dahil alam kong higit pa dito ang pagmamahal na ibinibigay sa akin ni Brent. Maayos na ang pakiramdam ko. Wala na ang mga galos na natamo ko simula ng maaksidente ako.
Habang nakaupo sa labas ay mayroon akong nahipo na nakasabi sa aking leeg. Isang kwintas na mayroon pendat na dalawang taong nagmamahalan. Pakiramdam ko ay epesyal ang bagay na ito dahil galing ito sa taong pinakamamahal ko. Bigla na lamang akong nakaramdam ng bigat sa dibdib ko ng mahawakan ko ito.
BINABASA MO ANG
I'm Yours
Подростковая литератураMeet Nathan Monteverde. Isang taong sumuko sa love dahil sa sakit at hirap na pinagdaanan niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki na muling magpapatibok ng puso niya. Mahalin kaya nila ang isa't isa? Love knows no gender. Kung ma...