Peechy
Nasapo ko ang aking noo atsaka hinawakan ang pagitan ng aking mga kilay. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over. Galing kami sa kabisera kahapon ng mga kaibigan ko. Nagkatuwaan dahil sa wakas ay magpapakasal na si Fabio.
"Tisha, andito na ang mama at papa mo," sigaw ni manang mula sa labas ng aking kwarto.
"Opo, maliligo lang po ako saglit."
Sabi ko habang ginugulo ang aking mahaba ngunit may pagkakulot sa dulong kulay brown na buhok. Pinasadahan ko ng aking palad ang aking mukha bago tuluyang pumasok sa banyo.
Walang pag dadalawang isip kong binuksan ang tubig patungo sa aking katawan, ikinabigla ko ang mabilis nitong pag agos sa akin. Malamig ang tubig na nag mumula sa shower. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil parang ginising ako ng tubig.
Nang matapos akong maligo ay pumili lang ako ng isang simpleng loose na T-shirt at shorts, wala naman kasi akong plano na lumabas ngayon, kung meron man ay baka igala ko lang si Peechy sa labas.
"Talagang hinintay mo pa kami hija makauwi bago ka naligo," halata ang pagkadismaya ni daddy sa kanyang boses.
"What's new?" tipid ko sagot sa kanya.
"Latisha Barbara! hindi kita pinalaking ganyan ha!" suway sakin ni mama.
Nagtiim-baga lamang ako dahil sa narinig sa aking ina. All this year ay bulag pa rin sya sa babae ni papa. Simula ng dumating yon dito ay nagulo na ang buhay ko.
I hate them! I hate her!
She's really fond of acting like a damsel in distress. We'er old! Kung dati ay pwede pa sya mag paawa, pwes ngayon ay hindi na! Kaya na namin tumayo sa sarili naming paa. Kaya wag ako!
"It's okay honey, kasalanan ko rin naman kung bakit sya ganyan sa'kin" si papa.
Actually, I really loved my father when I was young. Ako yung prinsesa nya at walang iba. Buntis si mama kay Lean nung pumutok yung balita na umuwi raw dito sa Aguinaldo ang bastarda ng aking ama. Which is, ayaw kong paniwalaan nung una.
"I'm done." sabi ko atsaka tumayo.
"Latisha, bumalik ka ri-"
"Let her Matilde, wag natin sya pilitin. I know, matagal na iyon pero kung ganon pa rin ang nararamdaman nya ay maiintindihan ko," si papa.
Mayor na si papa ng aming lugar, kaya idinadahilan nya sa'kin na dapat ay tanggapin ko na lang para sa kanyang pangalan. Mas magiging mabango raw ang pangalan nya pag hindi nya itinanggi iyon.
"Hi ate, good morning," si Lean.
Bati nya sakin matapos nyang bumaba ng hagdan. Mukang kagigising nya pa lamang.
"Good morning baby," bati ko rin sa kanya bago hinalikan sa pisngi.
"Let's eat ate."
Hinila nya ang laylayan ng aking damit pero umiling ako sa kanya.
"I'm already done. You should go, eat with papa and mama." utos ko
He pout at me then run towards the dining area. Marahil ay sa mga panahong ito ay naiintindihan na nya ang nangyayari. At isa iyon sa ikinagagalit ko. Namulat si Lean sa isang pamilyang hindi masaya. Hindi nya man lang naranasan kung ano ang naranas ko noon. Kaya kahit anong paintindi ang gawin sa akin, tila hirap na hirap ako.
Pinagmasdan ko si Lean hanggang makarating ito sa dining area. Pag tapos noon ay ibinaling ko na aking mata sa kabuuan ng aming beranda. Hinahanap ko ang aking asong si Peechy pero hindi ito mahagip ng aking mata.
Sinubukan kong maglalakad lakad para silipin sya sa mga gilid pero walang peechy ang lumabas.
"Ya, si peechy po?" nag aalala kong tanong kay Salome.
"Ay ma'am, andiyan lang ho iyan kanina," mabilis ang naging sagot nya sakin.
"Sige po, at ipapahanap ko po," sabi nya muli bago tumalikod saken.
"Peechy!" Tawag ko sa aking alaga. Pero kahit munting kahol ay wala akong narinig.
Nasaan naman kaya iyon nagpunta?
Ilang ikot pa ang ginawa ko sa aming beranda at sa terrance pati na rin sa may pool area pero wala pa rin peechy akong nakita. Hanggang sa nahagip ng mata ko ang maliit na siwang sa aming gate.
Hindi kaya lumabas doon si peechy?
Walang alingan ay mabilis kong tinahak ang landas palabas ng bahay. Hindi naman highway pag labas mo agad ng gate namin pero kung kanina pa syang nakalabas ay sigurado akong nasa highway na iyon.
"Peechy!" Sigaw ko para marinig nya at bumalik na sya bago pa sya tuluyang makalayo.
"Oh my god! where are you peechy?" Sabi ko, at sa palagay ko ay namumuo na ang luha sa gilid ng aking mga mata.
Kunot ang noo kong tiningnan ang isang lalaking may tangan kay peechy habang pinapatay ang kanyang engine. Kulay black ang kanya enduro na motor, naka helmet sya at black na leather jacket.
Ibinaba nito si peechy sa lupa at agad iyong tumakbo papalapit sa'kin pero hindi noon nakuha ang aking atensyon.
The man was pulling off his helmet, revealing his jet black hair. He wiped the back of his hand across his forehead. His golden-brown skin tone makes him more manly, He looked at me with his expressive brown eyes.
Aries?
Isang pamilyar na ngiti ang similay sa kanyang labi pero hindi ko na masasabing katulad iyon ng dati, ang dati niyang ngiti ay puro at walang halong lungkot o galit.
"Hinatid ko na, baka masagasaan," si Aries.
Hindi na rin pamilyar saken ang kanyang boses. Masyado na itong malalim ngayon. Ibang iba sa Aries na nagiwan sa akin o dapat ko bang sabi umalis dahil itinaboy ko ng hindi... sadya.
"S-salamat"
Nag squat sya sa tapat ni peechy at muli ay hinawakan iyon sa may ulo. Tilay nakikipaglaro pa sya sa nagiisang alala ng dating ako. Iyong ako na masayahin at mabait. Iyong ako na hindi marunong manghusga. Iyong ako na mapag patawad. Si peechy nalang ang alala saken ng lumang ako.
Tumayo sya, kaya sinubukan kong tumingin sa ibang direksyon. Nag babayag ang mga luha saking mata. Pinilit ko iyong hindi lumabas o kahit mapansin man lang.
Nagulat ako ng naglakad na sya pabalik sa motor nya ng hindi man lang ako nililingon. Sumakay sya roon at inaayos ang kanyang sarili bago umamba na suotin muli ang kanyan helmet pero bago nya pa iyon magawa ay tinawag ko na sya.
"Aries."
Naka kunot ang kanyang kilay habang nakatingin sakin. Siguro inisip nya ay kung bakit ko sya tinawag.
"Can we ah... talk?" kagat kagat ko aking pang ibabang labi pagtapos kong sabihin iyon. Tilay ginapang akong hiya.
"No!" mariin nya sagot saken.
Namilog ang mata ko dahil sa kanyang sagot. Hindi ko na sya muling napigilan pang umalis. Laglag panga akong naiwan sa harap nga aming gate.
Unti unting nawala ang tunog ng kanyang motor. Katulad ng dahan dahan ring pag kawala ng aming relasyon.
Ganon na ba sya katigas para tanggihan ako ng mabilis. Wala man lang pag dadalawang isip. Binaliwala na ba nya talaga lahat. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko noon... pero hindi ko naman inaasahan na ganto pala kasaket.
Hindi na sya ang Aries ko.
Iyon ay kung aking pa nga ba sya?
Walang araw na hindi kita iniisip at ang araw na makikita kitang muli. Pero bakit gantong kasakit? Ang kasalanan ko lang naman ay hindi ako marunong tumanggap, pero ano sya pa ang masaya at ako ang nagdururusa. Kung sino ang nanira sya pa ang maganda ang buhay.
Ugh, I hate her!
She ruined my life. Dahil sa kanya, nawala ang lahat sa'kin. Ang buhay ko at mga taong mahalaga sa'kin. Hinding hindi ko sya matatangap.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...