Kinse

54 13 10
                                    

Kompitensya

"Ma? Okay ko lang ba?" tanong ko sa aking ina.

Nagsusuka sya nang madatnan ko sa aming kusina. Papasok na ko pero parang ayaw kong iwan si mama.

May sakit ba sya? Wag nalang kaya ako pumasok ngayon. Tutal ay sportfest lang naman, pero championship nina Aries ngayon.

Shit! Anong pipiliin 'ko.

"Okay lang ako, Tisha. Normal ito."

"Normal? Paanong naging normal? Ma nagsusuka ka, dapat ay pumunta tayo sa doctor," sabi ko.

Inabutan ko sya ng isang basong tubig bago siya tuluyang sumagot muli sa akin.

"Anak malelate ka na. Sige na, pumasok ka na."

"Pero mama paano ku-"

"Buntis ako Tisha. Kaya ang mag suka sa umaga ay normal lang. Kaya sige na, pumasok ka na."

Buntis si mama. Ibig sabihin ay mag magkaroon na ako ng kapatid. Sobrang saya naman nito. Mararanasan ko na rin kung anong pakiramdam ni Aries dahil may kapatid sya. Ilang taon akong walang kapatid at ngayon ay heto na sya.

Magiging mabuting ate akong sa kanya. Ipinapangako 'ko iyon.

"Sasabihin ko po kay Aries, na dalhan kayo ng prutas dito."

"Naku, mukang natakam ako sa sinabi mo," sabi ni mama at humagikhik ito.

"Ay ma, kami na po pala. Kahapon lang," mejo nahihiya kong magtapat kay mama.

"Naku, kung ganoon ay dapat pala na mag expect talaga ako ng prutas sa aking son-in-law."

Namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya. Napaka supportive talaga ng aking magulang pag dating kay Aries. Minsan iniisip ko kung sino ba ang anak? Ako ba o si Aries. Madalas kasi ay mas pabor pa si mama kay Aries kaysa sa akin.

"Ma, son-in-law agad. Boyfriend pa lang," pagrereklamo ko.

"Aba! Latisha, may gugustuhin pa ba akong ibang lalaki para sayo! Aries, is a good catch already. Bata pa lang ay may prinsipyo na. At wala ng mas hihigit pa sa lalaking may prinsipyo sa buhay. Iyan ang tatandaan mo," sabi nya.

Ang bilis mag bago ng mood ni mama. Kanina lang ay masaya sya tapos excited ngayon ay nagagalit naman sya.

"O-opo, I'll go ahead na ma."

Nag paalam na ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano pang emosyon ang mararamdam nya.

"Mang Kanor, alis na po tayo."

"Ay, ma'am ako ho ba ang mag hahatid sa inyo?"

Nabigla ako sa kanyang tanong. Wala naman ibang pwedeng maghatid sa akin kundi sya. Hindi rin ako pwedeng malate dahil ngayon ang championship ni Aries. Kalaban nila sina kuya Aruis. Last year na ng mga iyon kaya sigurado hindi rin sila mag papatalo. 

"Anjan po si sir Aries, kararting lang noong lumabas kayo. Sabi nga ho ni Salome ay wag ng ipasok ang kotse dahil palabas na kayo," paliwanag nya.

"Goodmorning."

Napalingon ako sa biglang may nagsalita sa aking likod. Suot na nya ang Jersey para mamaya. Bakit ba kaylangan maging ganto syang ka pogi. Simpleng jersey lang iyon pero pakiramdam ko ay model sya ng kung anong brand ng sikat na damit.

"Oh, magpalit ka," utos nya.

Tiningnan ko ang sarili ko. May mali ba sa suot ko. Naka pair of jeans naman ako, simpleng vintage V-neck shirt at sneakers. Tulad ng gusto niyang sinusuot ko. Noong hindi pa kami ay hindi ako makapagsuot madalas ng nga showy na damit, lalo na siguro ngayon.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon