Bente Cinco

51 9 4
                                    

Fairytale

Busangot ang mukha ng aking kasama. Magkasiklop ang kanyang dalawang braso at walang tigil ang kanyang kaliwang paa sa pagyugyog. Panay rin ang kanyang pag bugtong hininga. Bakas sa mukha niya ang sobrang inis na nadarama.

"What the hell, Tisha! Ano wala pa ba 'yang so called friend mo?!"

Halos mamuti na naman ang mata ni Max dahil sa pag irap. Ang kanyang nguso ay puwede mo nang sabitan ng kung ano sa sobrang haba.

"Papunta na raw, nagtetxt na."

"Replyan mo! Samahan ng konting bilis. Naku!"

Kahit ako ay mejo naiinis na rin dahil sa sitwasyon. Ito ang unang raw ng tour ni Max sa aming lugar. At ayaw na ayaw niya iyong mga taong hindi marunong sumunod sa usapan.

Mag tetrecking kami papababa ng Malibiclibic falls. Sa ibaba kasi ng kapatanagan ay may ilog kung saan halos mahaba habang lakaran bago mo marating. We decided to get ready early in the morning para mas ma enjoy pa namin ang falls. Pero malapit na sumikat ang araw, ang maitim na kalangitan ay unti unti nang pumupusyaw, nagpapakita na ang mga sinag ni haring araw sa may silangan.

"Please Latisha, tell me kung s'ya na 'yan. Kumukulo talaga ang  dugo 'ko," he hissed.

Itinabingi 'ko ang aking ulo, unti unting kumunot ang aking noo habang tinatanaw s'ya. Malapad ang ngiti niya sa amin ng lumabas ito mula sa pamilyar na kotse. Naka maong short rin si Teri at simpleng white shirt at sneakers, habang ako ay naka racer back at sneakers din. Kung titingnan ay mas maganda ang hubog ng katawan niya sa akin, halatang hinubog maigi ng lalaking kasama niya.

Tila ang inis na kanina ay si Max lamang ang nakaramdam ay sumanib sa akin.

"Hi, sorry na tagalan ako. Pinilit 'ko pa kasi si Clav."

"Sana tinagalan mo pa," pag angil ni Max sa kanya.

Hindi mo naman malalaman na bading si Max kung hindi ito mahuhumaling sa mga lalaki. Masasabi kong si Max 'yong tipo ng bading na mukhang lalaki pa rin.

"Sorry na, Max."

"Let's go, Tisha. Kanina pa ako maiinip."

Hindi 'ko alam ang irereact 'ko. Para akong nilamon ng oras at hindi 'ko makuhang magsalita.

Paano niya nakukuhang titigan ako habang kaharap niya ang girlfriend n'ya.

I smirked when I noticed na talaga nakatingin s'ya sa akin.

"Max, wait lang." sabi 'ko gamit aking pinakamalambing na boses.

Nang tuluyan na akong makalapit kay Max ay agad akong bumulong. Busy siya sa pag dala ng ilang gamit namin pababa. May pagkain doon at kung ano ano pa na tingin namin ay kakailangin.

"Si Aries 'yon." mahina ngunit sapat upang marinig niya.

"A-ries?" tila ang tanong niya ay parang pag kompirma sa bagay na matagal na niyang alam.

Namilog ang kanyang mata ng tumango ako sa kanyang bilang sagot.

"Oh, seriously? Latisha, si Aries talaga 'yon?"

"Oo nga sabi. Magpanggap kang lalaki ha! Naku Max, sinasabi 'ko sayo. Itatakwil kita." pag babanta 'ko sa aking kaibigan.

"Akala 'ko ba nag mamadali. Bakit nag lalandian pa kayo d'yan?"

Isang malalim na boses ang pukaw sa amin ni Max. Hindi 'ko talaga alam ang gagawin ngayon andito na siya.

"Max, sabay tayo. Nabitin ako sa kwentuhan natin kagabi."

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon