Kapatawaran
Nakahilata lang ako buong mag damag. Kahit isang beses ay hindi ko nagawang humikab simula noong umuwi ako galing bristro. Pinasadahan 'ko ng aking hintuturo ang nakaawang 'kong labi. Tulala ako at tila hinihila pa rin ng aking diwa.
I need you... I want you... badly, Tisha.
Napakurap kurap ako dahil parang paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan ang kanyang mga salita.
"Ugh!"
Marahas akong bumangon para makaupo. Tumabad sa salamin ang aking itsura. Mukha akong zombie sa isang penikula. Kulang na lamang ay mag laway ako at tumabingi ang aking mukha.
"Ano? Sinabi ko sa kanya na mag usap kami, anong sinagot niya sa'kin?! No!... ugh! Tapos sasabihin niya, I want you! I need you! Fuck you, Aries!"
Habang sinasabi ko ang lahat ng iyo ay wala ring tigil ang hand gestures 'ko. Inis na inis talaga ako. Hindi na talaga s'ya ang Aries 'ko. Hindi ganoon ang Aries 'ko.
Agresibo? Sobrang agresibo n'ya! Sa tuwing maalala 'ko ang mga labi niya sa labi 'ko. Hindi 'ko maiwasang mainis. Sobrang rupok 'ko ba? Na pumayag na lang ako basta na mahalikan. Pero hindi naman s'ya ang una. Madami na ring nakahalik sa akin sa England. At... hindi iyon katulad ng kan'ya.
Pumikit ako ng mariin bago guluhin ang aking buhok.
Nababaliw ka na, Lastisha.
Paano nalang pala kung hindi siya sumuka kagabi? Baka kung saan na kami napunta.
Pinag ekis 'ko ang aking dalawang braso sa tapat ng aking dibdib. Mabilis 'ko rin naman iyong kinalas. Ano ba kasing iniisip 'ko?
"Tama Tisha, kumalma ka. Lasing lang si Aries. Oo! tama, lasing s'ya," kausap 'ko sa aking sarili.
Pero kahit na, ang isiping lasing s'ya kaya niya ako hinalikan ay isang kalapastangan para sa akin. Ano pwede niya akong halikan pag lasing siya? Na anytime ay okay lang sa akin?
Ang tanga tanga 'ko sa part na hindi man lang ako nagpumiglas. Ni hindi 'ko man lang s'ya pinigilan.
"Ma'am Tisha?"
Napalingon ako sa aking pintuan ng marahan iyong bumukas.
"Kung hindi pa raw ho ba kayo magtatanghalian?"
"Susunod na ako, Salamat."
Tumango siya sa akin bago tuluyang umalis. Mabilis naman akong kumilos para ayusin ang sarili. Tama na ang pagiging zombie 'ko. Hindi na tama ang pag iisip pa sa bagay na iyon.
Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Sinusuklay 'ko ang aking mahabang buhok.
Napabaling ako sa aking cellphone ng bigla iyong nag vibrate.
"Ace Lucas Perez sent a friend request, sino to?"
Binitiwan 'ko ang phone 'ko at hindi na lamang iyon pinansin. Hindi 'ko naman iyon kilala kaya bakit 'ko bibigyan ng panahon.
Muli ay tumunog iyon para sa isang pa notification.
Ace Lucas Perez wants to be connected with you.
My lips twisted, "hmm, persistent."
I click the spam message, sobrang daming messages na hindi 'ko binibigyan ng pansin. Wala kasi akong panahon para sa mga iyon. Kung gusto nila akong makausap ay lumapit sila mismo sa akin. Kausapin nila ako. Hindi naman ako nangangat or what para sa social media lamang sila magkaroon ng lakas ng loob.
Pero pagbibigyan ko ang isang ito.
Ace:
Hi, please don't ignore my friend request.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...