Aries's Point of View
Pangit na Le Bris
Dahan dahan kong inabot ang bungkos ng mangga. Madilaw na iyon at mukhang matamis. Nang matagumpay kong mapitas ang isa ay agad ko iyong inilapit sa aking ilong. Sobrang bango at sobrang tamis ng amoy. Nakakatakam.
"Tisha saluhin mo ha!" sigaw ko kay Tisha na ngayon ay nag aabangan sa'kin.
"Hindi ba ako magkakasugat dahil sa dagta niyan Aries?" pag mamaktol nito.
Nakahanda na ang kanya dalawang kamay. Magkadikit na ito at pumorma na parang basket upang masalo ang hinog na mangga.
"Hindi! Ang arte mo naman! Sabi mo gusto mo nito," mariin kong sabi sa kanya.
"Pero... kasi, sige na nga! Ihagis mo na!" bakas pa rin ang pag aalinlangan sa kanyang boses.
Natawa ako ng bahagya dahil sa kanyang inusal, gusto nya kasing kumain pero ayaw nya na mahirapan. Anak mayaman din naman ako pero hindi ako kasing arte niya.
"Ayusin mo ang pagsalo!" utos ko.
Umamba na ako ihagis ang unang mangga na aking napitas. Ilang beses kong idinuyan ang aking mga braso bago tuluyang binitawan iyon. Dumaplis iyon ng bahagya sa kamay ni Tisha bago tuluyang nahulog sa lupa.
"Ano ba naman yan! Lamog na!" may inis sa aking boses.
"Sorry," natatawa nitong sabi tapos ay pinulot ang mangga sa lupa at pinagmasdan ito.
"Hindi naman Aries, promise maganda pa ang isang to," natatawa nyang sabi.
"Ewan ko sayo! Ano kukuha pa ako?" sabi ko habang ginugulo ang aking ulo.
"Dalawa pa! Sasambutin ko na," maligaya nyang sabi sa'kin.
"Siguraduhin mo!"
At muli ay inilapit ko ang aking kamay sa piraso ng mangga. Marahan kong pinitas ang isang piraso at muli ay bumaling ako kay Tisha.
"Game na?" Saad ko.
"Oo, bring it on Ariestotle," may pasayaw sayaw pa siyang nalalaman habang nakaporma muli ang dalawang kamay.
Muli ay idinuyan ko ang aking kamay bago bitawan ang mangga. Sa pangalawang pag kakataon ay nasambot nya nga iyon. Tumalon talon siya habang hawak ang mangga. Hindi ko maiwasang mapangiti. Oo, marahil ay maarte sya pero malaki naman ang kanyang puso para sa lahat ng bagay sa mundo nabubuhay man o hindi.
"Eto pa! Last na ha," sabi ko habang hawak ang ikatlong mangga.
"Hoy! Bumababa ka nga riyan!" si kuya Primo.
Tss! Sigurado akong magpapasikat lamang ang isang to kay Tisha! Hindi naman sinasabi ni kuya na may gusto sya kay Tisha pero sa tuwing may ginagawa kami ay malaki hadlang sya palagi.
"Okay." pagsuko ko.
Mabilis akong tumalon mula sa aking kinalalagyan, upang mas mabilis ang aking pagbaba. Pinagpag ko ang aking kamay bago muling tumunghay.
"Okay na ba kuya?" sarkastikong tanong ko sa kanya.
Hindi naman kame mag kagalit ni kuya, iginagala ko pa rin sya. Kaso lang minsan ay sobrang istrikto na nya, daig nya pa si papa.
Sinamaan nya ako ng tingin bago kami tuluyang iniwan. Binata na kasi sya at ako ay mag hihighschool pa lamang, sabi ni mama ay okay lang naman kung mag laro ako kasi bata pa ako at sempre ganun rin si kuya, pero ewan ko ba kung bakit masyado nyang sineseryoso ang kapihan.
May ari kame ng coffee plantation. Hekta-hektarya lupain ang sakop namen dito sa Aguinaldo. Minana ni papa ang negosyo ng aming lolo samantalang si tita Valencia ay ang aming ancestral house. Kaya naman nag tayo si papa ng sarili nyang mansion sa mismong hacienda.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...