TISHA'S POINT OF VIEW
Ang aking...
"Good morning mama," bati ko sa kanya.
Nasa beranda sya at humihigop ng mainit na kape. Nakadekwarto ang kanya mga hita at nakapusod ang kanyang buhok.
"Hey there princess," bati nya saken atska ako hinalikan sa aking pisngi.
"Where's papa? Puwede kaya nya akong ihatid sa school?" I said while pouting.
"Tisha, busy ang papa mo may session si-"
"Of course, bakit naman hindi," si papa sabay hawak saking balikat.
"Ini-ispoiled mo masyado ang batang yan Bernardo," pag angal ni mama sa kanya.
"Ano pa bang dapat kong gawin Matilde? Wala naman akong ibang dapat ispoiled kundi ang aking nag iisa prinsesa," sabi ni papa at pagtapos ay humalik sa pisngi ni mama.
"Unless... you want me to spoiled you instead?" pilyong ngiti ang iginawad ni papa kay mama na naging dahilan ng pamumula ng pisngi nito.
"Magtigil ka nga Bernardo!" saad ni papa na nagmamdaling umalis sa harap namin.
Nagtawanan kami ni papa at iginaya na nya ako palabas ng bahay. Sumakay kame kotse nya. Didiretso daw kasi sya sa munisipyo kaya idadaan nya lang ako sa school.
May ari din kami ng trucking na pinaparentahan sa mga malalaking kompanya at sempre mga construction equipments na pinaparentahan rin. Sa buong Aguinaldo ay kami lamang ang may ganun kaya mabilis itong lumago.
"Ipapasundo nalang ba kita kay Kanor mamaya o sasabay ka kay Aries?"
Napabaling ako sa aking papa.
Alam na alam na talaga nya kung ano ang nasa isip ko. Minsan kasi kung hindi pa ko susunduin kina Aries ay hindi pa ako uuwi kahit gabi. Minsan nga inaakala ng mga taga Aguinaldo na pinagkasundo kami pero hindi iyon tinatanggi nina papa at tito Valentin.
"Siguro po ay sasabay nalang ako kay Aries," sagot ko habang inaayos ang aking sarili.
Malapit na kasi kami sa aking school. Madaming private at public school dito sa Aguinaldo kaya marami kang pag pipiliin. At kami ni Aries, ay Petals Integrated School o mas kilalang bilang PIS.
"Tisha," pukaw ni Aries sa'kin ng bumaba ako galing sa aming kotse.
"Good morning Aries," bati ni papa sa kanya.
"Good morning po tito, hihintayin nyo po ba umuwi si Tisha?" tanong nya kay papa.
"Naku hindi Aries, may aasikasuhin pa ko sa munisipyo. Ikaw na bahala sa prinsesa natin ha," sabay hawak ni papa sa ulo ni Aries kaya naman ngumiti ito sa kanya.
Prinsesa ang tawag nila sa'kin at ng ibang tao rito. Nag iisang anak at tagapagmana kasi ako ng mga Santiago. Pero hindi lang naman ako ang tinitingalang babae rito, anjan si Aria na halos kaedad ko lang din. Bunsong anak ng mga Lazatin. At madame pang iba na may mga negosyo rin dito sa Aguinaldo.
"Tisha, ang ganda ng bag mo. Si papa binilhan rin ako ng bago," sumasayaw ang unlandis na buhok ni Aria habang papalapit ito sa akin.
Nasa isang section lang kasi kami. Kumaway muna ako kay papa bilang pag papaalam, ganon rin ang ginawa ni Aries at Aria. Nag umpisa na kaming maglakad patungo sa aking classroom, agad ko naman naramdaman ang kamay ni Aries sa aking balikat habang papasok kami ng pinto.
"Ikaw Aries, grabe ka makabakod," tukso ni Pancho sa kanya.
"Sempre! baka maligawan mo," madiin sa boses ni Aries pero hindi ko na iyon pinansin.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...