Suprise
"Ano yan?" tanong ko.
Lunch break ngayon, andito kami sa canteen. Umuwe si Inez, kasi may bisita raw sila at doon sya magtatanghalian sa bahay nila. Si Bea naman ay may tryout sa volleyball. Ngayon week kasi ang start noon para sa darating na sportfest sa spetember.
"W-wala," agad naman itinabi ni Estin ng papel na kanyang sinusulat bago ako dumating.
Sinamahan ko kasi mag order si Aries, pero iniwan ko rin sya doon para maghintay sa order namin. Bumalik na ko sa lamesa namin, wala kasing kasama si Estin dito.
"Sus, love letter iyon no?" mapanukso kong tanong.
"H-hindi ah! ano ka ba naman Tisha, sino naman ang pagbibigayan ko noon? Baka mandiri lang sa akin pag nagkataon."
"Bakit naman mandididri?"
Kung titingnan mabuti, maganda naman si Estin. Mejo off lang siguro ang sobrang puting kulay ng kanyang balat tapos kulay kalawang pa kanyang buhok. Yung tipong redish na brown, kulot pa ito sobra. Parang goldilocks ang pag pagkakulot ng buhok nya. May mga pimples din sya sa pisngi, ilong at noo, nakitang kita dahil nga maputi sya atsaka na mumula ang mga iyon. Pero kung titingnan naman ay maganda sya.
"Tinatanong pa ba yan? Bukod sa tinatawag nila akong mangkukulam ay sobrang pangit ko pa," paliwanag nya.
"Estin, hindi ka pangit. Mejo kulang ka lang sa pag aayos. Mali lang yung hati ng buhok mo, actually ang cool ng buhok mo kasi ang ganda noong mga kulot, mejo dry lang," sabi ko sabay hawak sa ilang hibla.
"Nambola ka pa," natatawa nya sabi.
"Ibinili kita ng cake, Estin. Nakita ko kasi na may baon kang lunch. Sigurado akong papipilahin na naman ako nong isa jan, pag hindi nya kayang kumain ng cake, dahil sayo."
Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung papuri ba iyon o panunukso. Mas lalong nanliit ang aking mata ng pareho silang tumawa.
"Grabe, kabisadong kabisado ka ni Aries. Actually, pareho kayo, alam na alam nyo ang ugali ng bawat isa. How I wish, na magkaroon ng ganyan."
Ngayon ay kami naman ni Aries ang natawa dahil sa kanyang sinabi.
"Ano ka ba, hindi rin madali. Ewan ba namin, parang hindi na tagal kaya pag wala yung isa," sagot ko.
Nagumpisa na akong galawin ang pagkain ko. Nag uumpisa na rin akong masanay sa gantong environment.
Minsan na isip ko, walang mali o tama sa mga desisyon pinipili mo. Iyon ay nakadepende sa kung paano mo iyon gagawin. At ang desisyon na mabuhay kasama si Aries, ay hindi madaling piliin. Kaakibat nito ang pangambang baka dumating din ang araw na, hindi na namin gusto ang isa't isa.
"Buti hindi ka natakot na baka masira yung friendship? Pinayagan mo sya manligaw?"
"Hoy Estin, gusto mo bawiin ko yang cake?"
Kahit kaylan talaga pikon ka Aries! Hindi ko masabi iyon, kasi alam kong lalo syang maiinis.
"Joke lang," sabi ni Estin sabay peace sign.
Ganon kami palagi araw araw, minsan kasama namin sina Aria at Pancho, madalas hindi, kasi nasa library sila palagi. Scholar kasi Pancho, kaya naman kaylangan nya talaga mag aral. Hindi kasi sya gifted katulad ni Estin. Si Aria naman, ay nakikipag kompitesya maige. Gusto nya kasi mag top sa leaderboard. Ewan ko ba doon.
"May surprise ako sayo mamaya," si Aries.
"Ano?"
Pasurprise surprise pa ang isang to.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...