Bente Nueve

46 7 6
                                    

Closure

Lumipas ang mga araw. Nangapa ako kung paano papatakbuhin ang trucking. Madami pa talaga akong dapat matutunan. Bukod sa mabusisi itong trabaho ay madami akong kaylangan harapin na tao.

Mga nag rerenta ng trucks at construction engines. Sobrang nalilito pa ako sa mga equipment sa tuwing may pupunta rito at mag papa asses para sa kagamitang gusto nilang hiramin.

"Ang sakit naman sa ulo kabisaduhin 'tong mga 'to."

Kasi naman, anong pinagkaiba ng skid skeeter loader sa excavator? Pareho lang naman ata silang dumadakot ng mga bagay bagay.

Ngumuso ako dahil mukhang matatagalan pa bago ako masanay.

Huminga ako nang malalim bago ibinaling ang pansin sa laptop na nasa aking tabi. Mamaya ko na papansinin ang mga papel na iyon.

Tinapa ko ang pamilyar na mga letra at kasabay noon ang bawat pag bugtong hininga ko.

"Aries... Aristotle?"

Kumunot ang noon ko noong walang Aries na lumabas kung meron man ay hindi s'ya 'yon.

My lips twisted, "Baka Clavio..."

Agad kong tinipa iyon pero hindi pa rin si Aries ang lumabas na resulta. Ano bang pwede niya maging pangalan. Sinubukan kong buuin ang pangalan niya.

Ariestotle Clavio Le Bris.

Tumaas ang aking kilay ko noong sa dinami dami ng resultang lumabas ay wala pa rin siya roon. Nagpatuloy ako sa pag scroll.

Ano bang pangalan mo?

Bumungtong hininga ako dahil sa mga nakikita wala kahit isa doon ang kamukha ni Aries. I continue scrolling when I notice a suspicious name.

Pangit na Le Bris.

I bit my lower lip, kinakabahan ako habang tinitingnan ang screen ng aking laptop. Ang tagal bago lumabas ng kanyang profile.

Nang mag pakita na ito ay mas lalo akong kinabahan. Ang profile picture ay si Aries habang nakasandal sa kanyang itim na enduro. Nakatagilid ang kanyang ulo habang nakatingin sa paanan. Mula sa kanyang wavey at malagong buhok, ang pilikmata mahaba at nakakurba ng bahagya. Ang matangos niyang ilong at ang mapula niyang labi.

Para akong natuyuan ng laway habang pinagmamasdan ang kanyang kagwapuhan. Tila sinampal ako ng nakaraan, paano ko nakuhang pakawalan ang gantong klase ng nilalang. Ano bang nasa isip ko ng mga oras na iyon at nag aksaya ako ng ganito.

I tried to scroll and stalking his social media. May mga photos doon about sa racing niya, may mga times na may medal pa siya, malaki ang ngiti niya habang hawak hawak ang isang gold na medal.

May isang rin doon na picture ni Teri habang pinupunasan ang kanyang pawis, si Aries naman ay umiinom sa bottle water.

Napaka supportive naman. Tila gustong kumalas ng eyeballs ko mula sa aking mata dahil sa aking pag irap.

Nagawa ko na rin 'yan dati. Sinagot ko pa nga s'ya. Kala mo ikaw lang.

Mabilis ang ginawa kong pag scroll at tila maiinis lang ako pag may nakitang pictures pa ni Teri doon. Parang masisira ko ata ang screen ko.

"Hmm... parang kilala ko to."

Tanging nasambit ko ng makita ang isang bike na may ribbon kulay pink ang nakaparada sa isang tulay na tingin ko ay narating ko na. Pamilyar din ang laman ng basket nasa harapan ng besikleta. Katulad rin ng bag ko noong nasa England ako.

May caption na... My girl knows how to ride a bike.

Nag bukas ako ng bagong tab para pumunta sa isang social media platform ko. Kung saan mga magaganda picture ang pinopost ko bukod doon ay mga video rin. Tingnan ko kung follower ko siya pero hindi. Walang Le Bris doon o kahit ano. Nag scroll ako sa mga photos ko. At merong isa doon na nakatayo ako sa isang tulay, ang aking bike na may kulay pink na ribbon at may basket sa harapan kung saan nakalagay ang aking school bag, malayo iyon ng konti sa akin dahil sa gitna ako ng tulay nakatayo, si Max ang kumuha ng picture na iyon.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon