Aries ko
Linggo at buwan ang lumipas, simula ng araw na malaman 'ko ang tungkol sa kanya. Simula noon ay kinainisan ako ng lahat. Kahit anong gawin 'ko ay walang maniwala sa akin na hindi ko iyon ginawa. Unti unting nawala ang mga kaibigan 'ko. Tanging si Aria, Pancho at Aries na tunay na nakakilala sa akin ang natira. Anjan din si Estin, na aking ikinagulat. Nanatili siya sa aking tabi, kahit anong sabihin ng lahat.
Minsan pinuntahan ako ni Claudia, hindi rin siya makapaniwala sa mga balitang naririnig niya. Pero wala akong magawa. Hindi ko matanggap na mas kayang paniwalaan ng iba si Vieya. Na dahil lang sa naitulak 'ko siyang sa hagdanan ay kaya 'ko ng gawin ang mga binibintang niya sa akin.
Hindi tumigil si Aries at Aria para mapalabas ang totoo, pero kahit napatunayan nila na si Vieya lang naman mismo ang gumagawa ng mga iyon, pinakiusapan sila ni papa na sana wag nalang ilabas dahil lalong masisira ang pangalan niya.
Mas pinili niyang ako ang maging masama kaysa sa anak niya sa ibang babae.
Iniminsan ay hindi humingi ng tawad sa akin si Vieya. Nagpaliwanag lamang siya na nilamon siya ng sobrang inggit sa kung anong buhay ang meron ako. Na nakikita niyang masaya at kinagigiliwan ako ng lahat. Samantalang sya ay lumaking kinukutya at pinadidiriin dahil wala siyang ama, dahil doon ay nakuha niya kahit papaano ang simpatsya ni mama, ngunit hindi iyon naging sapat para talikuran ako ni mama gaya ng ginawa ni papa.
Sabi ni papa ay ginagawa niya iyon para bumawi kay Vieya, na mas lalo 'kong ikinagalit. Parang kasalanan 'ko pa na naging masaya ang buhay 'ko. Na nabuhay ako sa isang buong pamilya at s'ya ay hindi. Bakit ako ang kaylangan mag bayad sa kasalanan ni papa. Ako ang dapat magparaya sa isang ateng ako dapat ang iniintindi. 'Di ba dapat ay nagagalit ako sa kanya dahil ginusto niyang mamatay ang aking kapatid. Pero bakit, dapat ay ako pa ang umintindi.
"Tisha, may bagong resort sa Lejos. Outing tayo?"
Pag yaya sa akin ni Aries. Malapit na kasi ang summer break. Ramdam mo na ang init ng panahon. Ang hapdi ng sikat ng araw sa tuwing lalapat sa iyong balat.
"Ayoko, kayo nalang."
He pouted. "Please, promise tayo tayo lang nina Aria."
"Ayoko, Aries."
Huminga siya ng malalim bago marahas na tumayo sa aking harapan.
"Sasayaw ako rito. Sumama ka lang," saad nya.
"Aries, ano bang mahirap intindihin sa salitang ayoko! Please lang din! Kung gusto mo, kayo nalang! Peste!"
Padarag akong tumayo sa aking kinauupuan at iniwan siya.
Palagi kaming ganoon ni Aries. Kung hindi kami tahimik na dalawa, ay nasisigawan 'ko naman siya. Labag sa loob 'ko ang aking ginagawa pero hindi 'ko iyon maiwasan sa tuwing naiinis ako. Kinikimkim ko ang galit na matagal ko na dapat inilabas.
Ni minsan ay hindi umalis si Aries sa tabi 'ko. Kahit anong masakit na salita ang sabihin ko ay anjan pa rin sya. Ganoon rin sina Aria, Pancho at Estin, pero madalas ay nasisigawan 'ko rin lang sila o 'di kaya ay nasusungitan. Kaya minsan ay ilag sila sa akin, pero kahit minsan ay hindi nila ipinakita sa akin na sumusuko sila, nagpapahinga lamang sila ng ilang araw tapos ay anjan na naman sila at nangungulit. At si Aries, wala s'yang pahinga. Palagi siyang anjan, hindi umaalis kahit anong pang gawin 'ko.
"O sige, kumain nalang tayo."
Hindi ko na ikinagulat ang kanyang pag sunod sa akin. Bakit ba kahit anong masakit na salita ay tila hindi natalab sa kanya.
"Busog ako Aries," tipid ang aking naging sagot. Ni hindi ko nga siya matingnan sa kanyang mata.
Nagulat ako ng bigla akong ipihit ni Aries papunta sa ibang direksyon. Lumingon ako para tingnan kung ano o sino ba ang iniiwasan namin.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...