Bente Quatro

42 8 2
                                    

Teri

"Ma'am, kanina 'ko pa po kayo tinatawag. Kayo po si Tisha, 'di ba? Eto na po order n'yo"

A girl with a white polo shirt and a black pencil skirt approached me. She handed a cold salted caramel and dark chocolate milktea.

"T-thank you." I said.

"You're welcome po." she flashes a sweet smile and turn around.

Nilagay 'ko 'yong straw sa cup bago iyon tuluyang tikman. Ang malamig at pinaghalong tamis at alat ng aking milktea, ay mabilis na kumalat sa aking bibig. I bit my lower lip before taking another sip.

Pinaglaruan 'ko ang straw sa aking bibig. Kinakagat kagat 'ko iyon habang nakatingin sa kawalan.

Hindi mawala sa isip 'ko ang nangyari kahapon. Iniinsulto niya ba ako o talagang nagbago na s'ya. Hindi 'ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niya?

Kung bakit niya iyon ginawa?

"You know what, I liked your place. Ang daming papa. Like, I can hired him as my personal bartender," he giggles.

Lumingon ako kay Max na ngayon ay abala sa pag papuri kung gaano niya ka type iyong bartender daw. Taga gawa lang naman kaya iyon ng shake, milktea and coffee mix pero hindi s'ya bartender. Ang isang 'to pati ka sosyalan ng England ay dinala pa rito sa amin.

"Yeah! Bakit hindi mo sabitan ng karatula iyang katawan mo. Hiring for bartender, para naman mag apply s'ya."

"Why so mean, Latisha?"

Halos mamuti ang mata niya dahil sa kanyang pag irap. Hindi 'ko tuloy maiwasang matawa.

"Puwedeng maki share ng table."

Sabay kaming napatingin ni Max, sa babaeng nag salita. Ang kanyang mala labanos na balat ay tumingkad dahil sa sikat ng araw. Nakapuyod ang kanyang itim na buhok at kumikintab ang kanyang noo at leeg dahil sa pawis. May bibit s'yang plastik bag sa kanyang braso, may ilang laman iyon na gamit sa bahay at kung ano ano pa.

"Yeah, sure."

Nakita 'kong muli ang pag irap ni Max. Ang isang to, allergic pa rin sa babae. Siguro kung lalaki ito, baka s'ya pa ang nag prisinta sa pag napaupo rito sa aming table.

"Anyways, babalik rin ako ng England by next week. So, let's travel around your beloved province as soon as possible," halata sa boses ni Max ang pag kairita. Parang gusto niyang sabihin na nakakaistorbo 'yong babae sa aming dalawa.

Totoong aalis na siya next week. Gusto niya lang magbakasyon. Madami rin s'yang kaylangan asikasuhin.

"Ayusin nalang natin 'yong itinerary mamaya pag uwi. Tapos bukas pwede na tayo mag start." sabi ko tapos ay humigop ulit sa aking milktea.

"Pwede akong sumama?"

Nagulat kaming parehas ni Max dahil sa kanyang inusal. Pero hindi katulad 'ko ay agad na tumaas ang kanyang kilay sa babae.

"Y-yah," bumaling ako kay Max at pinadilatan ito, "Puwede naman siguro, 'di ba?"

"Talaga? Bago lang kasi ako dito. Busy 'yong boyfriend 'ko dahil sa business nila, kaya hindi niya ako ma itour. Wala naman ako friends dito, kaya ayon. Hanggang bayan pa lang 'yong napupuntahan 'ko."

Bagsak ang kanyang dalawang balikat, malamlam ang kanyang mga mata at bakas sa kanyang labi ang kalungkutan at pag kadismaya. Siguro ay gustong gusto na niyang makapag gala sa Aguinaldo pero wala siyang makasama.

"For sure, your boyfriend doesn't loved you." Max said with full irritation in his voice.

"Max!" saway 'ko sa aking kaibigan bago ako bumaling sa babae. Ngumuso siya saglit at dahan-dahang tumungo, feeling 'ko ay mas kinalungkot niya ang sinabi ni Max.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon