Wakas

103 8 11
                                    

Pitong taon

Parehong pakiramdam ang nanuot sa akin sa muli kong pag mulat. Pinagmasdan kong maigi nang dahan-dahan ang kabuuan ng lugar kung nasaan ako ngayon. Kumpara kahapon ay nasa isang normal na hospital room ako, based sa aking nakikita, tanging dextrose na lamang ang natitirang tubong nakakabit sa akin, nawala na ang mga aparatong kahapon lamang ay nakakabit pa, o... kahapon nga lang ba ang mga iyon?

"Good morning, gising ka na pala ulit. Tatawagin ko lang muna si Doc." she said and flashed a sweet smile.

"Hmm, e-excuse me."

Napabaling s'ya sa bigla kong pagsasalita, "Ano po iyon?"

"Si Aries?"

Kumunot ang noo niya sa akin.

May mali ba sa aking tanong?

"Aries? Ah... may isa po kaming pasyente rito na Aries ang pangalan. Madi-discharge na po s'ya mamaya." wika niya.

Kung ganoon ay hindi iyon panaginip. Andito si Aries at buhay siya. Ang tangi lang na gumugulo sa akin ay ang araw na una akong nagising.

Pero hindi ko na dapat iyon intindihin gayong buhay si Aries.

"Hindi niya ba ako bibisitahin dito?" magiliw ang aking boses sa pagbigkas ng aking katanungan.

Napakurap kurap s'ya sa akin na tilay ba may mali na naman sa aking itinanong. Para bang ang bawat tanong na aking ibabato sa kan'ya kakaiba at walang tuturan.

"Kaano ano n'yo ba si Aries? Matanong ko lang po," mejo awkward na ang kanyang boses bago pinasadahan ng tingin ang dalang clipboard kung nasaan siguro ang mga record ng pasyente naka assign sa kan'ya.

"Fiannce k-ko s'ya. Hmm... pakisabi naman bisitahin nya ako o baka pwede na ako ang bumisita sa kanya? Halika, samahan mo ako." I smile to ease the tension I'm feeling.

I tried to move para makaalis sa kama, inabot ko ang dextrose upang maisama ito sa aking pag alis.

"Si Ma'am naman, ang tanda na po nitong Aries na ito para sa inyo." saad niya habang may kinakapa sa kan'yang bulsa. "Sabagay po, kung hindi naman kayo na coma ng pitong taon, baka po... okay lang ang age gap n'yo. Pero kahit na, senior na nga po ata si Sir Aries e,"

Pitong taon?

Na coma ako ng pitong taon?

Gusto ko magsalita pero parang umurong ang dila ko at walang akong mahagilap  na mga salita upang sabihin.

Napatingin ako sa kan'ya noong abutan niya ako ng isang maliit na salamin.

Namilog ang mata ko ng makita halos hindi ako tumanda. May nagbago man sa akin pero... ako pa rin ang Tisha... sa nakalipas na... pitong taon?

Mabagal kong itinaas sa ere ang aking kamay bago ito tuluyang dumapo sa aking pisngi. Ako nga ito. Pero hindi katulad nang... ano ba ang dapat kong itawag doon?

Bumaling ang tingin ko sa nurse at tila doon lamang unti-unting nabubuo sa aking isipan ang kan'yang mga sinabi.

"Miss... b-bakit ako na rito?" may halong kaba ang aking boses. Ang tila takot na nararamdam ko kanina ay nagkaroon na ng kompirmasyon ngayon.

"Naaksidente po kayo... sakay kayo sa tricycle tapos po nabangga ang sinasakyan n'yo na naging dahilan upang macoma kayo. Akala nga po namin hindi na kayo magigising. Limang taon po kaya bago kayo tumigil sa pag ciesisure." walang pakundangan ang kanyang pag bitaw sa mga sagot sa aking tanong.

Na sa bawat sagot na makukuha ko ay may bagong tanong ang nabubuo sa akin. 

Saang tricycle? Bakit ako nakatricycle? Saan ako pupunta? Kanino ako pupunta? Kaylan nangyari? Limang taon? Anong nangyari sa limang taon? Mas lalo lang dumami ang mga tanong ko. Mas lalo lang akong kinabahan.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon