Forgive
Ang kahel na kalangitan ang unang tumambad sa dahan-dahan kong pag mulat. Hindi ko alam kung paano o kung sino ang nag uwi sa akin rito. Ang tangi na iintindihin ko lamang ay nakahiga na ako sa malambot at komportable kong higaan.
Gumalaw ako nang bahagya para maayos ang aking katawan. Simula ba kaninang umaga ay tulog ako?
Napabaling ako sa kanang bahagi ng aking kama, hawak-hawak niya ang aking kamay na ipinatong niya sa isang unan, ang malaking espasyo noon ay inakupa niya upang matulungan.
Muli kong inayos ang aking pag kakaupo para mas mapagmasdan s'ya. Ang kanyang buhok patungo sa kanyang mga mata hanggang sa kanyang ilong at mga labi. Lahat na 'yon ay minsang naging akin. Bahagya mong itinaas ang isa kong kamay patungo sa kanyang buhok pero tila may pumipigil sa akin, ilang beses kong sinubukan pero tingin ko ay hindi na dapat.
Hindi na akin. Hindi na tama.
Hinayaan ko lang ang aking kamay sa era at ipinikit ang aking mga mata kasabay noon ang muling pag agos ng aking mga luha.
Hanggang kaylan ako iiyak?
Hanggang doon nalang ba talaga tayo?
Mumulat ako at nilamon ng kaba noong maramdaman ko ang kanyang pag galaw. Agad na dumapo sa aking basang pisngi ang aking mga kamay upang maikubli ang ang mga luhang dulot ng sakit na aking nararanasan.
"A-anong ginagawa mo rito?"
Ang aking boses ay tila namamaos at walang lakas upang bulyawan s'ya. Pagod na ako. Kaya para saan pa ang pag sigaw kung wala rin naman nakakarinig.
"Sinundan kita. Pero hinayaan kitang gawin ang gusto mo, Tisha. Hindi ko lang kaya na pabayaa-"
"Aries... tama na, pwede ba?"
Tumingin ko s'ya nang may pag mamakaawa. Wala akong lakas para makipagtalo. Ang gusto ko lang ay matapos na ito... dahil mali na.
"Maniwala ka naman, inisip ko lang 'yon pero hindi ko na gawa."
"Inisip mo man o ginawa mo man... hindi na iyon mahalaga. Puntahan mo na si Teri, ple-"
"Hindi akin ang batang 'yon. I didn't even lay a hand on her, Tisha... maniwala ka naman sa akin."
"Sayo o hindi... puntahan mo pa rin s'ya."
Namilog ang kanyang mga mata sa aking inusad, bakas ang gulat at ang kanyang mga labi ay nakabahagi na tilay hindi kayang tanggapin ang aking mga sinabi.
"Akala ko ba... akala ko ba, gustong bumalik tayo? Kahit masakit, gusto mo pa ring maging ta-"
"Oo! Gustong gustong gusto ko... makasama si Aries. Ang batang Aries, at hindi... ikaw 'yon! Ang Aries ko, ibalik mo s'ya! Ibalik mo s'ya, please. Gusto ko kay Aries. M-miss na miss ko na s'ya."
Hindi ko na nagawang mag maktol noong kulungin ako ni Aries sa kanyang mga bisig. Panay pa rin ang pag hampas ko sa kanyang balikat. Pakiramdam ko ay nawawala ako at hindi ko mahanap kung paano ang pabalik.
"I-ibalik mo s'ya..." I'm begging like a child to her parents.
"Babalik s'ya, okay? Ibabalik ko s'ya. Hahanapin ko si Aries. Iuuwi ko s'ya... sayo, Tisha." He answered.
Pag tapos noon ay ginawaran lang ako ni Aries ng isang halik sa aking noo habang ang dalawang palad niya ay nakahawak sa aking dalawang pisngi. Pilit niyang pinagtagpo ang aming mga mata.
"Gagawin ko ang lahat para lang makauwi ka, pangako... aking prinsesa."
Pag tapos noon ay binitiwan niya ang aking mga pisngi at tuluyan nang nawala sa aking paningin. Saka lamang ako natauhan noong... maramdam kong nagiisa na naman ako.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...