Bintang
"Ma, good evening."
Bungad ko sa aking ina ng tuluyan na kaming makapasok ng bahay. Nag mano lamang si Aries sa kanya bago muling nag paalam. Ayaw ko na kasing mag tagal siya rito. Problema ito ng pamilya at ayokong masaktan na naman siya ng dahil sa akin. Noong una ay ayaw niya akong sunduin pero kalaunan ay napapayag ko rin siya.
Ilang sandali pa ay dumating na si papa. Laking gulat ko ng kasunod sa kanyang paglabas ay kasama na rin niya si Vieya. Ang akala 'ko ba ay umalis siya?
Nakita 'ko ang pag kabigla sa mukha ng aking ina.
Hindi 'ko maiwasang mainis kay papa. Bakit kaylangan ay patungtungin niya rito ang babaeng iyon ng wala man lang pasabi sa amin. Hindi man lang niya hinayaang ayusin namin ito bilang pamilya.
Kating kati ba siya dalhin dito ang kabit nya?
"Oh my... what is the meaning of this, Bernardo?!"
Agad 'kong nilapitan ang aking ina at hinagod ang kanyang likod. Ang kaninang nakangising mukha ni Vieya ay tila nag papaawa na ngayon. Hindi ba dapat ay wala siya rito. Paanong nagagawa ni Vieya na humarap sa aking ina?
"Matilde, nakita na siya ni Tisha, kanina sa school. Hindi ba dapa-"
"That's bullshit!" putol ng aking ina. "At tingin mo ay sapat na rason na iyon?! Para dalhin mo rito ang bastarda mo! For Pete's sake! Kung patutungtungin mo lang din iyan dito ay mabuti pang umalis na kami ni Tisha! I can barely think that my precious daughter is breathing the same air with her!"
"Anong po ibig ninyong sabihin mama?"
Pabalik balik ang tingin 'ko sa aking ama at ina.
Bastarda?
Ibig sabihin ay ate 'ko siya?
"See, nakita lang ni Tisha ang basurang 'yan sa school at dinala mo na s'ya agad rito! Ni hindi mo 'man lang pinaliwanagan muna ang anak mo tungkol sa..."
Hindi na magawang ituloy ni mama ang kanyang sasabihin. Tiningnan niya si Veiya mula ulo hanggang paa at pabalik bago tinalikuran si papa.
"Totoo ba, papa?"
I want the truth came straight from my father.
"Princess, she's your ate. I didn't know that I had a child with Lorena, her mother. I had so many flings that time even when I am already engaged with Matilde. I'm so sorry, Tisha."
"Oh please... don't touch me! You're disgusting!"
Hawi 'ko sa kamay ni papa na dapat ay lalapat sa aking balikat.
"Princess, please listen to me."
"And don't you dare calling me princess. I'm not your princess anymore! I'm done being your princess! I hate you!"
Tatakbo na sana ako pataas ng biglang nakarinig kami ng sigaw ni mama mula sa kusina. Mabilis akong nag tungo roon at nilagpasan ang nakabungisngis na mukha ni Vieya.
Wala akong panahon para sa katulad niya.
"Kanor! Salome!"
Sigaw ni papa ang bumungad sa akin. Agad niyang binuhat si mama pero tumangi ito. Masakit ang kanyang nararamdaman pero hindi niya magawang isang tabi ang galit para sa aking ama.
"S-stay away from me B-bernardo!"
Nakuha pa niyang mag salita kahit halos hindi na maipinta ang kanyang muka. Nakatulala ako habang pinag mamasdan ang aking ina. Gumuho ang mundo ng makitang bamagal na umaagos ang dugo sa kanyang hita.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...