Date
Inilabas ko ang aking kamay sa kotse upang maramdaman ang sariwa at malamig na hangin na dumadampi sa aking balat.
"Saan tayo pupunta?" saad 'ko habang nakapikit.
Ngayon na lang ulit ako nakasakay sa kotse nang hindi ako ang driver. Noong umuwi kasi kami nina mama ay sobra napagod ako, wala akong kapalitan kaya naman hindi ako nakapag enjoy sa b'yahe namin.
Sinusulit 'ko rin ang ilang araw na bakasyon na binigay sa akin. Pag balik nina mama sa maynila ay mag uumpisa na rin ako pamahalaan ang trucking. Lumago na kasi sya kaya naman mas dumami pa ang mga ito. Mas lumaki na rin ang construction industry dito kaya mas lalo pang yumabog ang aming negosyo.
"Sa kaybiang tunnel," sagot ni Ace.
Matapos ang paguusap namin ni Vieya, ay agad na rin s'yang umalis. Napagsabihan ako ni mama kung bakit hindi 'ko man lang daw pinagbigyan si Vieya. Na dapat ay matuto akong mag patawad, dahil hindi rin naman iyon ginusto ni Vieya.
Pero kahit anong gawin 'ko. Hindi na ata talaga ako 'ying tisha na kaya pang umintindi ng isang taong may nagawa nang masama sa akin.
Tila kay hirap na para sa akin, isipin na pwedeng maging mabuti ang kahit sino. Na pwedeng intindihin nalang ang bawat isa.
Iyon ang lumang Tisha. Ang Tisha, kayang makita ang maganda sa pangit na mundo. Na kayang pahalagaan ang maliit na kabutihan ng bawat tao. Itong Tisha na 'to, malayong malayo na sa dati. Hindi na ito kaya pang durugin ng kahit ano. Matatag at matapang na.
"Meron na pala noon dito? Hmm..."
Talaga palang malaki na ang pinagbago ng Aguinaldo, simula noong umalis ako. Kung titingnan palang sa bayan nito ay malaki na talaga ang nagbago. Marami na ang nawala at marami na rin ang dagdag.
"Connecting tunnel 'yon ng Tarnate at Batangas," pagpapaliwanag niya sa akin.
"Batangas? Anong lugar sa Batangas?"
"Nasugbu, Masasa beach tayo?"
Nabaling ako sa kanya sinabi.
Bilag yata akong nakaramdam ng excitement, I loved beaches. Sobra! Kaso nga lang wala akong dalang swimming attire at isa pa, nakadress ako pero tingin ko ay pwede naman itong pang beach kasi above the knee maxi dress naman at kulag white ito. Kaya hindi na masyadong masama, plus nakasandal lang ako kaya pwede na rin siguro.
"Nakalimutan 'ko pala sabihan ka, sorry."
Natatawa niyang sambit sa akin. Gusto ko sanang mainis pero masyado na akong natuwa sa sariling pagiisip na pupunta ako ng beach.
"Oh my... 'yan na ba iyong tunnel na sinasabi mo?"
"Uh huh. Park ko lang, baba tayo saglit,"
Natanaw ko ang maraming tao nasa loob ng tunnel 'yong iba ay nasa taas ng tunnel mismo. Siguro ay doon sila dumaan sa maliit na passage sa may harap namin kung saan nag park si Ace.
"Saan mo gusto sa taas o sa loob?"
Napatingin ako sa suot 'ko bago ibinalik ang tingin sa mga tao sa taas. Napabaling ako kay Ace ng humahikgik s'ya.
Mejo gwapo rin ang isang 'to. Hawig sila ni Fabio kaya naman hindi mo mapagkakailang magpinsan sila. Matangos rin ang kanyang ilong, singkit ang mga mata at higit sa lahat maputi siya. Parang model. Ang ganda rin ng tabas ng kanyang katawan, lalaking lalaki.
Pwede na.
"Sa loob nalang tayo," sabay hila niya sa akin.
Iginala 'ko ang aking mata sa kabuuan ng tunnel. Hindi sya sobrang creepy katulad ng iba dahil nga maraming tao. Tingin ko ay mga riders sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/225173797-288-k879452.jpg)
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...