Bente Sais

47 9 4
                                    

Sugat

Napakagat ako sa aking labi ng maramdaman ang hapdi mula sa aking paa. Bahagya 'ko iyong tinaas upang mas makita 'ko kung gaano iyon kalala.

"Tisha, halika na!"

Tawag sa akin ni Max, matagumay na siyang nakasakay sa may balsa kasama sina Aries at Teri. Balak naming magtungo nang mas malapit sa falls. May kweba sa likod noon na kahit minsan ay hindi ko pa napuntahan.

Damn it! ang mahabang linya na gumuhit sa aking talampak ay namumula na dahil sa dugo, mas tumingkad pa ang kulay noon dahil babad sa tubig ang matatalas na bato sa gilid ng ilog. 

"O-oo! Eto na!"

Pagkatapos ko noon ay mabilis kong ibinalik ang aking paa sa malamig na tubig ng ilog. Nang magtagpo ito at ang aking sugat ay bahagya akong napangiwi dahil sa hapdi. Hindi nag laon ay nasanay na rito ito kaya naman ang hapdi ay tila na manhid na lamang. Marahan pa ri  ang aking bawat kilos, tila may pangambang baka maramdam na naman ako ng panibango hapdi kung hindi 'ko pag iingatan ang aking mga kilos.

"Ang tagal ha," puna ni Max bago marahang inabot ang aking kamay upang makasama na rin ako sa wakas.

Napabaling ako kay Teri na ngayon ay kumukuha ng pictures sa falls. Nakangiti ito at parang walang bahid ng pag aalala sa aming pinag usapan kanina, o tama bang sabihin. Sinabi niya kanina, dahil hindi naman ako hinayaang makapagsalita ng maayos. Ni hindi 'ko nga magawang tumangi man lang.

"Aries, dito nalang kaya natin gawin 'yong pre-nup pictorial natin. What do you think?" sabi ni Teri habang busy sa pag scroll sa screen ng kanyang cellphone.

Siguro ay tinitingnan niyang mabuti kung maganda pa ang kakalabasan kung dito gaganapin ng pictorial para sa kasal nila.

Napabaling ako kay Aries, dahil inaantay 'ko rin magiging sagot niya.

Pero nakatagilid lamang ang kanyang ulo, ang kanyang hintuturo ay marahas na nilalaro ang kanyang pang ibabang labi, ang kanyang makapal na kilay ay nais ng magdikit, ang kanyang mga labi ay bahagyang nakaawa ngunit ang mga mata niya seryosong pinagmamasdan ang aking paa. Hindi 'ko tuloy naiwasan na napatingin rin roon.

Ramdam ng aking talampakan ang lamig ng kawayang nakalutang sa ibabaw ng tubig. Ang kulay pulang dugo ay humahalo sa bawat pag hampas ng mumunting alon sa aking paa. 

Muli akong nag angat ng tingin kay Aries pero huli ang lahat. Namilog ang aking mga mata ng punitin niya ang kanyang T-shirt na kanina lamang ay hinubad n'ya. Hindi 'ko na napansin kung kaylan niya iyon sinuot pero isa lang ang sigurado ngayon. Sira ang laylayan ng kulay abo niyang T-shirt.

"Take a sit!" utos ni Aries.

Napabaling ako sa kung saan, dahil sa pag iisip kung saan ba ako uupo. Pero wala akong makita na pwedeng kong gawing upuan.

Ang balsa ay gawa lamang sa ilang piraso ng kawayan na pinagtagpitagpi, tinalian at pinakuan lamang para maging balsa. May kasama kaming isang lalaki na s'yang nagsasagwan gamit ang isang kawayan na hindi pa na puputol at nanatili pang bilog ang hugis noon.

Matinis na irit ang aking pinakawalan ng bigla akong buhatin ni Aries. Ramdam ko ang malapad n'yang palad sa aking likuran at ang kanyang braso sa aking binti.

"Shit! Dahan dahan naman Clav! Ano bang ginagawa mo?!" bakas ang pagkairita sa boses ni Teri.

"Ano ba 'yan, Tisha?!" saad nito ng bumaling na sa akin.

"Omg! What happened?" agad naman lumapit si Max sa amin.

Nakita 'ko ang pagkabigla ni Teri ng makita niya ang nangyari sa akin.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon