Ang hilig ko
Pinagmasdan ko ang aking clearance, konti nalang at mapupuno ko na iyon. Pag natapos ko ito, ibig sabihin ay pwede na akong mag enroll.
"Ano Tisha, alam mo na ba kung may tao na sa admin?"
"Hindi ko alam Inez, nag punta ako roon. Lunch break pa raw."
"Konti nalang at bakasyon na tayo, pwede ba kami tumambay sa inyo o kaya kina Aries? Kung wala kaming pupuntahan nina daddy."
"Oo naman, magsabi lang kayo. Anytime ay pwede."
Nakita ko ang hingal na hingal na si Estin, bahagya kasi syang tumigil sa pag takbo. Siguro galing itong student council. Kumpara kasi sa mga normal na estudyante, mas maraming requirements pag scholar ka ng school. Kaya si Aria, lumibot muna kasama si Pancho. Ewan ko ba doon sa dalawang yon, best friend na din ata. Hindi na rin mapaghiwalay.
"Tapos ka na?" bungad ni Bea.
"Hindi pa! Gago yung student council!"
Namilog ang mata ko dahil sa sinabi ni Estin. Ngayon ko lamang sya narinig mag mura.
"Woah! Nag mumura ka na," si Inez.
Maging sya rin pala ay nagulat. Kahit singing makarinig noon ay tiyak na magugulat rin.
Sino ba ang student council ngayon? Basta na kasi ako bomoto. Dapat pala sa susunod ay tingin ko na kung sino.
"Pag nawala ang scholar ko! Isusumpa ko sya! Baka maging mangkukulam talaga ako!"
Bakas na bakas kay Estin ang pag kainis. Gusto ko matawa dahil sa mga sinasabi nya. Hanggang ngayon ay mangkukulam pa rin ang tingin sa kanya ng mga tao. Lalo na iyong si Luisa, pero hindi tulad noong una ay wala ng nang bubully sa kanya ng sobra. Well, except lang siguro ay Luisa, na hindi nadadala.
"Sino ba yan?" hindi ko na mapigilan ang pag uusisa.
"W-wala wala... wala!"
Feeling ko ay kahit anong pilit namin ay hindi nya sasabihin. Sagad ang inis nya pero hindi nya ito ilalaglag. Kung sino man sya, salute na inis nya ng sobra si Estin.
"Alis muna kami, para matapos na ito. Hintayin mo ba si Aries jan?" tanong ni Bea sa akin sabay baling kay Inez.
"Oo. Sige mauna na kayo. Andito naman na si Estin."
"Okay, tara na Inez."
Kuamaway pa sila sa amin bago tuluyang umalis. Ewan ko ba kahit isang taon na kaming magkakasama nina Bea at Inez, hindi pa rin ako ganong ka komportable sa kanila. Sinabi na iyon sa akin ni Estin, may something sa kanilang dalawa na hindi ko mawari.
"Bakit ka ba naiinis?"
Tanong ko ng tuluyan ng makalayo ang dalawa.
"Yung halimaw na iyon, kung ano ano ipinagagawa sa akin. Okay lang sana kung sakop pa sa school rules and regulations, pero hindi na. Personal purposes na niya iyon!"
With action pa sya habang sinasabi ang mga salitang. Ang cute ni Estin, kaya naman hindi ko maisip kung bakit nabansagan syang mangkukulam. Tingin ko ay sa buhok nya iyon peor kung aayusin ay maganda sya.
"Sino ba yang halimaw na tinutukoy mo?" natatawa kong sabi.
Grabe naman kasi sa description.
"Isang punyetang nilalang!"
"Grabe, saan mo ba nakukuha ang mga salita mo? Parang hindi ikaw yan? Nasaan ang malumanay at mahiyain na Estin?"
"Ugh! Nakakainis, Tisha. Alam mo iyon gusto syang tirisin ng pinong pino!"
Ipinapakita nya pa sa akin kung paano nya titirisin ng pinong pino ang punyetang nilalang.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maguguluhan. Kasi hindi ko talaga kilala kung sino ang tinutukoy nya. Isa lang ang sigurado ako, grabe ang ginawa nya para mainis ng ganto si Estin. Biruin mo, nawala yung pag kamalumanay ni Estin.
"Naku sinasabi ko talaga!"
Patuloy nya pa. Nakalagay ang mag kabila nyang palad sa kanyang byewang. Pabalik balik ito sa aking harapan. Tila ba, pinapakalma ang sarili.
"Hi, ate Tisha."
Nagulat ako sa biglang pag bati ni Leo sa aking likuran.
"Pinauna na ako ni kuya, bibili raw lang sya ng makakain." Saad nya.
Nakahawak si sa makabilang strap ng kanyang back pack na kulay itim. Ang isang ito, hindi rin maitatangging may dugong Le Bris.
"Estin, alam ko nakikita mo na sya. Pero pakilala ko ng maayos sayo ha."
Tinitimbang ko kasi kung okay na ba sya, mamaya kay Leo ibunton ang galit.
"Si Leo, bunsong kapatid ni Aries. Eto si Estin, kaibigan namin."
"Oo, nakikita ko na sya minsan. Ikaw yung gitarista ng Four AM."
Namilog muli ang mata ko, sobrang daming alam ni Estin. Simula kasi noong palagi syang nawawala, ang laki na ng nagbago sa kanya. Parang bigla syang namulat sa mundo. Hindi naman sa ayaw ko ng pag babago na iyon, pero iba talaga. Malapit na ko mag hinala tungkol doon sa punyetang nilalang.
"Thank you po, na recognize nyo ako at ang banda," si Leo.
"Eto na ang foods!" si Aries.
Diosko! Ang layo pa lang nakasigaw na. Pero ang cute ng future boyfriend ko, sinamahan mag inquire ang kapatid nya. Hindi ko pa sya sasagutin. Hindi pa ngayon o bukas o sa isang araw, pag handa na ko. At sempre malapit na iyon. Konting tiis nalang Aries.
"Bukas na tayo magpa prima," bungad nya ng makalapit sa akin.
"Aries, malelate na naman tayo ng sobra."
"Si Estin nga, wala pang pirma kahit isa."
Totoo naman kasi, wala pa si Estin kasi nga madami silang requirements bago pa tuluyang mag proceed sa mismong clearance na katulad sa amin.
"Kuya, nakita ko sina Julio at Fernan. Doon muna ako sa kanila, tingnan ko kung magkaklase kami," paalam ni Leo sa amin.
"Oh gitara mo," sabay abot ni Aries sa kanya.
Siguro ay sya ang may dala noon kanina. Mahilig kasi sa instrumento si Leo kahit noong mga bata pa kami. Hindi sya madalas makipaglaro kami. Gusto nya laging may hawak na gitara. Kaya naman, nahuhumaling ang mga kababaihan sa kanya. Mabait na, may talento pa.
"Yung kapatid mo Aries, buti pinapayagan ng parents mo na mahumaling sa pag kanta?" biglang puna ni Estin.
"Basta ba... libangan lang, ay okay lang kina mama at papa. Tutulungan pa nga nina papa mag invest doon sa gusto nilang mangyaring bistro ni Pio. Basta daw ba, seryoso sa pag aaral at hindi iyon hadlang pag dating sa negosyo." may patango tango pa si Aries habang sinasabi iyon sa amin.
"Bakit ikaw ba? Wala kang hilig?" si Estin ulit.
Feeling ko mas okay na makinig ako sa kanilang kwentuhan. Pakiramdam ko kasi ay may ibang dahilan ang pagtatanong ni Estin. Kung ano man yon ay paniguradong ramdam din iyon ni Aries, kaya naman pinagbubutihan nya ang pagsagot.
"Si Tisha lang hilig ko."
Binatukan ko nga! Parang sira, ang taas pa naman ng pag asa kong inaayos na ang sagot, pero hindi pala.
"Aray! Mapanakit ka," natatawa sya habang kinakamot ang ulo kung saan tumama ang aking palad.
"Ewan ko talaga sayo!" sabi ko sabay irap sa kalawan.
Sabay naman silang natawa ni Estin. Sa buhay na ito, masasabi kong marami kang pwede maging kaibigan pero konti lang ang pwede mong ituring na totoo. May mga bagay na ramdam mo kahit hindi sabihin. Alam mo kung pang matagalan ba o hindi.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...