Nueve

60 15 34
                                    

Unang araw

Tunog ng cellphone ko ang gumising sa akin. Nakabaon pa ang aking mukha sa aking unan, nakapikit ang mga mata tilay tamad na tamad para sa araw na ito. Kung saan saan dumapo aking palad upang kapain ang nag iingay kong cellphone sa lamesa, katabi ng aking kama.

Nang matagumpay ko na itong makapa ay kinuha ko iyon, dahil sa nakapikit pa ako ay muntik na itong dumulas aking kamay. Agad ko iyong inilapat sa aking tenga, hindi alintana ang buhok na nakatakip doon.

"Hmm," bungad ko ng sagutin ko ang tawag ng kung sino.

He chuckled when he heard my husky voice.

"Gising na, 5:30 am na malalate ka. I'm on my way na para sunduin ka,"

Imbis na intindihin ko ang sinabi ni Aries ay minulat ko nalang ang mga mata ko, bumaling ako sa alarm clock. Nakalimutan ko pala mag alarm. First of day at school, mukhang may balak pa akong malate.

Ano nalang gagawin ko kung wala si Aries?

"Hey, Tisha! Wake up!"

Napapikit ako ng mariin dahil na iniimagine ko na tumatawa si Aries habang sinasabi iyon.

"Y-yeah. Thank you," awkward kong sagot dahil lutang pa talaga ako.

"Good morning," masigla nyang sabi. "Paalis na ko, mag ready ka na. Okay?"

"Okay."

Noong pinatay ko ang tawag ay doon pa lamang ako natauhan na. Ginulo ko ang buhok ko, atsaka mabilis na bumango para maligo. Mabilis ko lamang itong ginawa dahil nakakahiya kay Aries na pag hihintayin ko pa siya pag dating nya.

Nang matapos ako sa pag ligo ay ngumuso ako ng pagmasdan ko ang aking uniform. Long sleeve na dirty white, isang maroon na neck tie at maiksing maroon na palda, tingin ko pag tuwad ko rito ay kita na ang aking pag kakababae. Bakit ba pinapayagan na ganto ang uniform ng mga estudyante?

Nagkibit balikat nalang ako at dinampo ang mga iyon para isuot. Humarap ako sa salamin at inayos ng konti ang aking sarili, hindi pa ko dapat ng lalagay ng kahit ano. Nakita ko kasi iyong ibang highschool na may nilalagay na sa kanilang labi, kaylangan ba talaga iyon? Hinawakan ko ang aking labi, natural ang pagiging mapula nito, ganoon rin ang aking pisngi. Sinuot ko ang isang pink na head band na may design na strawberry. Hinayaan ko lang na bumagsak ang aking wavey na buhok. Ngumiti ako muli sa harap ng salamin, sumilay sa aking pisngi ang dimple ko.

"Ma'am Tisha," pukaw ni yaya sa akin habang nakasilip sa pintuan.

Lumingon lamang ako sa kanya bago kinuha ang aking pink na bag. Feeling ko ay pang bata pa ang mga gamit ko, parang hindi na ito appropriate para sa school na papasukan ko, pero ayaw ko naman magpabili kay papa, may mga bag pa naman ako na hindi mukhang pang bata, sa ngayon ay ito nalang muna.

"Anjan na po si sir Aries sa baba," usal nito ng makitang papalapit na ko.

"Okay po," sagot ko bago sya tinapunan ng isang ngiti.

Pinalagpas nya muna ako bago tuluyang sinarado ang pinto ng aking kwarto. Pababa na ako ng hagdaan pero wala akong makitang Aries.

Nasaan kaya iyon? Sabi ni yaya, andito na sya.

"Nasa dinning area po sila, ma'am."

Nagulat ako ng biglang mag salita si yaya. Kasunod ko pa pala sya, nilingos ko lamang sya saglit bago nagtungo sa dinning area. Pag dating ko roon ay mukhang nag kakatuwaan si papa, mama at Aries.

"Oh Tisha, kala ko ay pag hihintayin mo ng matagal itong si Aries," si mama.

"Okay lang po iyon tita," nakangiting sabi ni Aries.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon