Torpe
Andito kami ngayon sa bahay nina Claudia. Nanalo sya bilang Ms. Valentine, naghanda ang mama nya ng konting salo salo para samin.
"Kain lang kayo, pasenysa na yan lang nakayaan ko," panay ang hingi ni tita ng pasensya dahil sa kanyang mga inihandang pagkain.
Sa totoo lang walang masama sa spaghetti, tinapay at juice. Hindi naman kami nag rereklamo at isa pa, masarap ang luto ng mama ni Claudia.
"Okay lang po ito tita," sabay sabay naming sagot.
"Ma, tinataranta mo ang mga bisita ko. Hindi maarte ang mga yan, kaya hindi mo kaylangan humingi ng tawad para sa spaghetti," saway ni Claudia sa kanyang ina.
"Ikaw naman kasi anak, jusko! anak ng pinaka mayayamang tao ang kaibigan mo," nag aalangan si tita na sabihin iyon.
Totoo naman kasi. Ako ay anak ng Vice Mayor ng bayan ito, si Aries ay haciendero ng mga Le Bris samantalang si Aria ay isang Lazatin na nag mamayari ng malalaking lupain.
"Tita, ako lang ito. si Pancho."
Basag ni Pancho sa nagiging awkward na sitwasyon, na naging dahil upang mag tawanan kami.
Nagkwentuhan kami kung paano ang naging reaksyon ng kaibigan ni Yna. Noong sinabi na kung sinong winner ay bigla silang tumiklop. Nawala ang yabang nila pero, hindi pa rin nawala ang pag kainis sa kanilang mukha.
Bago pa lang kasi si Yna dito at wala pa syang ganon kakilala para lumikom ng pera. May papel kasing binigay sa mga kandidata, pinapipirmahan iyon sa mga kakilala at ang isang pirma ay limang piso ata ang katumbas.
"Saan tayo pag tapos?" bulong ni Aries sa'kin.
"Bahala ka, ayaw mo ba pa umuwi?" tanong ko.
"Pwede na rin, pag tapos nito. Sama ka?" mahina pa rin ang boses nya tilay ayaw nyang may makarinig.
"Saan?"
"Sa mansion, laro tayo ng play station."
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya atska ni namnam ang aking spaghetti. Nakita kong similay ang ngiti sa kanyang labi ngunit binaliwala ko na iyon.
"Tisha tara sa may plaza, may nagbukas daw doon na cafe. Bagong tambayan, maganda daw," excited na sabi ni Aria.
Nagiging maunlad na kasi sa bayan. Yong school kasi namin ay hindi located sa bayan mismo, kaya minsanan lang makapunta kami roon. Inilipat na yung munisipyo namin sa mas maluwag na lupain, kaya naman lumang munisipyo na lang ang naiwan malapit sa simbahan at mismong plaza, na ginawa na ngayon headquarters para sa mga sector ng gobyerno.
Nais kasi ng Mayor Quiambao na magkaroon ng livelihood program ang bawat organisayon katulad ng mga person with disabilities, overseas workers, senior at iba pa, para may sarili silang pagkakakitaan bukod sa ayudang nakukuha mula sa gobyerno.
Hindi naman masama ang pag unlad lalo na kung para iyo sa ikakabuti ng lahat.
"May gagawin ako Aria, sa susunod nalang."
"Naku! I bet, si Aries yang pag kakaabalahan mo," nanunuya nyang sabi.
"Bakit may masama ba roon?" biglang tanong ni Aries.
"Wag na natin pilitin Aria, kami nalang ni Pancho ang sasama sa iyo."
Pag sang ayon ni Claudia para saken.
Napatingin ako kay Aries na ngayon tila hindi na mapapawi pa ang ngiti. Pero isang huni ang pumukaw sa aking atensyon, itinagilid ko ang aking ulo habang nakatingin kay Aries at magkasalubong ang aking kilay, ganun rin ang ginawa nina Claudia, Aria at Pancho.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...