Sa batang Aries
Lumipas ang araw naging okay pa rin ang tungo ko kay Aries, Pinilit kong kahit papaano na hindi n'ya mapansin na may iba sa akin. Malakas kasi ang kutob ko na kay Teri ang naiwan na ultra sound na 'yon. Pero kahit ilang beses ko nang sinubukan magtanong o bukasan ang usapin na 'yon. May umuusbong palaging takot sa akin. Takot na baka kay Aries ang batang dinadala ni Teri. Nakuha ko agad bumuo nang mga kwento sa aking isipan.
Paano kung kay Aries nga?
Kaya ko bang alisan ng ama ang isang batang halos hindi pa nasisilayan ang mundo?
Litong-lito na ako pero wala akong ibang matakbuhan.
Dahan-dahan kong sinarado ang aking mga mata kasabay noon ang pagdilim ng paligid, ang pag agos ng aking luha. Mariin kong kinagat ang aking labi, habang pilit na dinadama ang paligid. Wala akong ibang marinig kundi ang pinaghalong tunog ng aking puso at lagaslas ng tubig ilog kung saan kami madalas maglaro noon.
Bumabalik sa aking ang bawat hagikhik na aming sabay na pinapakawalan ni Aries sa bawat bagsak ng aming mga paa sa tubig dahil sa aming pag hahabulan.
Hindi ba pwedeng katulad noon ay maging katulad nang ngayon?
Ang mainit na tubig na patuloy sa pag agos sa aking pisngi ay hindi ko magawang pigilan. Kinuyom ko ang aking palad sabay sa pag bukas muli ng aking mga mata.
Pilit kong inaalis sa aking isipan ang mga oras na iyon. Sana ay hindi ko nalang s'ya pinuntahan. Saan ay hindi ko nalang inalam. Dinudurog ako ng sarili kong takot at galit.
Kasalanan ko naman talaga, ito ang gusto ko 'di ba? Lumayo ako para rito. Pero bakit...
Bakit... hindi ako masaya?
"As expected, makikipagkita ka rin sa akin." She looks so happy na ngayon ay nasa harapan n'ya ako.
Huminga ako ng malalim bago umirap sa kawalan. Inilapat ko sa lamesa ang ultra sound na iniwan n'ya sa table ko last time. I look at her intentionally, habang ang kanyang mga mata ay natuon sa aming lamesa. Ngumiti s'yang muli bago ako tuluyang tinapunan ng kanyang mga tingin. Bakas sa kanyang mukha ang hindi ma ikubling saya.
Looks like she won a battle between us.
"Buti naman natauhan ka. Matagal rin ha... muntik na akong mainip." She said, the playfulness in her voice was very evident.
"Ano ba talaga 'ya-"
She raised her hand to interrupt me from asking question, "Stop fooling around. We both know, kung ano 'yan at kung bakit ka andito, Tisha. Kaylangan ko pa ba elaborate kung paano namin 'yan na buo. I'm pretty sure, hindi mo gugustuhin malaman kung paano ako halikan ni Aries."
Fuck! Mariin ang aking pag kakahawak ko sa aking bag na nilapat ko sa aking hita noong maupo ako. Mainit na ang gilid ng aking mga mata dahil sa mga luhang nag babayad.
Paano niyang nagagawang sabihin sa akin nang diretso ang mga bagay na 'yon?
"No thanks... I'm not interested at all, Teri. Gusto ko lang malaman kung bakit mo 'yan iniwan? Para ingitin ako?"
Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Hindi ako dapat umiyak lalo na sa harap niya at mag mukhang talunan.
"Naiinggit ka ba?" She answered.
"Should I?" I asked. Pilit na pinapantayan ang kanyang mga titig.
She pouted, " Nakakaawa ka talaga. Ilang beses ko nang sinabihan si Aries na tigilan na niya. Wala naman na s'yang mapapala at mag focus na lang kami sa kasal at sa bagong blessing sa relationship namin. Pero talaga matigas s'ya. Ayaw niya magsettle kami nang hindi nakakaganti 'man lang sa'yo. Hanggang ngayon ay 'yon pa rin ang gusto n'ya, ang nakita kang nasasaktan at walang matakbuhan, just like... what you did to him, years ago."
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomantikSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...