Trenta y Cinco

42 8 0
                                    

Ring

"Alis na, Aries." pagtataboy ko sa kanya.

Maraming s'yang dapat gawin at ganoon rin ako. Iisa-isahin ko pa ang mga dapat kong isaalangan pag dating sa business namin.

"Pumasok ka na muna," seryoso niyang sabi pero bakas sa kanyang mukha, na may kung ano rito ang hindi ko kayang intindihin.

"Ang kulit mo. Aantay kita makaalis bago ako pumasok." saad ko, gusto ko sana na wag na pansin ang kanyang mga mata. Tila ba may kung ano talaga doon na nagsasabi sa akin na dapat ay mauna siyang umalis.

"Aanatyin rin kita makapasok, bago ako umalis."

Kung kanina ay mukha lang s'yang seryoso ngayon at mababatid mo na rin iyon sa kanyang boses. May tinitimbang talaga s'yang kung ano.

I take a deep breath. Para akong bata na muling natalo sa pustahan. Kahit labag sa loob ko ang pag payag ay gagawin ko na.

I sighed, "Fine, papasok na ako."

Umirap ako sa kawalan dahil sa kanyang pag tawa. Kaylan ba ako mananalo sa kaniya? O mananalo pa nga ba ako sa kan'ya?

Tumalikod na ako at akmang papasok na ng building ng biglang may humigit sa aking kamay galing sa aking likuran.

Namilog ang mata ko at bahagyang bumuka ang aking bibig. Kinulong ako ni Aries sa kanyang mga bisig. Marahan siyang tumungo at ipinatong ang noo sa aking balikat habang ang dalawang palad ay pinagsiklop niya sa aking likuran.

"I hate i-it." he said, ang boses niya ay puno ng lungkot at takot.

"H-huh?" sagot ko. Punong puno ito ng pag tataka.

Naramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking balikat. Bahagyang gumalaw ang kanyang mga palad, mas humigpit pa iyon na naging dahilan ng mas lalong paglapit ng katawan ko sa kanya. We're almost bend, pakiramdam ko anytime soon ay matumba kami.

"I t-tried. Pero... hindi ko pala talaga kaya. Mas gugustuhin kong ako ang unang umalis, than seeing you walk away from me. I'm sorry, Tisha. I'm scared, like a puppy abandon by his owner. Sa mundong 'to, ako ang unang aalis. Hindi na p'wedeng mauna ka. I can afford to lose you... again. Never... a-again."

Pagkasabi niya noon ay itinaas ko papalapit sa kaniya ang aking mga kamay. Nang tuluyan na itong dumampi sa kanyang likod ay tinapik ko iyon ng marahan. Pakiramdam ko ay kaylangan niya iyon. Ganito ba ang epekto ng ginawa ko noong pag alis? Takot na takot s'ya. Kung dati ay s'ya ang naglililigtas sa akin, parang baliktad na kami ngayon. Ako na ang kaylangan mag ligtas sa kanya.

Malinaw na ang lahat, hindi ako ang nag bago. Ako ang bumago kay Aries. Iniwan ko s'ya at wala akong ibang ibinigay sa kanya kundi ang takot ng pag iisa. Iniwan ko s'ya sa mundong kinasanayan naming dalawa, na kami lang at walang ibang nakakaintindi.

Tulad nang pag sasanib ng buwan at araw. Binigyan ko s'ya ng pandaliang liwanag sa gabing madilim. Lumisan ako bilang araw niya, iniwan ko s'yang muli at hinayaan sa dilim. Hindi ko maiwasang isipin, sino ang naging mga bituin niya? Meron kaya?

Si Teri kaya?

"Did I... traumatized you?" I chuckled a bit, gusto kong ibahin ang usapan.

Kumirot nang bahagya ang aking puso sa sariling kong pag iisip. Kaya imbis na pumait ang aking boses ay pinilit kong tumawa ng bahagya.

Si Teri bilang kanyang bituin. Hindi ata tama 'yon!

Sa wakas ay tumunghay na siya, dumapo ang kanyang mga matang tila nangungulila sa mga sandaling ito. Marahang s'yang umiling sa akin bilang sagot.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon