Bente Siete

42 11 5
                                    

Pangalan ko

Ang malakas na tunog ng tubig na bumabagsak mula sa itaas ang sumalubong sa amin. Mas maganda pag masdan ang falls mula rito sa malapit. Sa likod ng gumaragasang tubig ay ang bunganga ng kweba. Tuloy pa rin ang pag agos ng tubig papasok doon. Kumpara sa labas ay mas malamig ang tubig rito. Mas luntian ang kulay ng mga maliit na halaman nabubuhay roon, may mga insekto rin lumilipad sa paligid.

Ngumiti ako ng salubungin ako ng isang dilaw na  paru-paro. Dumapo siya saglit sa may balikat 'ko bago muling lumipad at dumapo sa mga bulaklak na nag tataglay ng ibang ibang hugis at kulay.

"C'mon, let's explore the cave."

Bakas ang excitement sa boses ni Max. Ang kaninang na bubuong tensyo sa amin ay tila nalimutan dahil sa ganda ng kweba.

Bakit ba hindi kami nagpunta rito noon?

Dahil mga bata pa kami? Hindi pa kami papayag? But, I think papayagan naman, kung nagsabi kami.

"Masakit pa ang paa mo?"

Napabaling ako kay Aries ng bigla s'yang magsalita mula sa aking tabi.

"O-okay na... manhid na 'yong pakiramdam ko."

"That's good. Be careful... Tisha."

Tinapunan ko s'ya ng isang pilit na ngiti. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano s'ya papakisamahan.

"I... I-i will, t-thanks Aries."

Damn! Bakit ba ako kinakabahan?

Naiisip ko na naman 'yong posisyon kung saan nakatayo ako at nakaluhod siya habang tinitingnan ako. Alam ko ang mga ganoon bagay, hindi iyon maiwasang pag usapan sa circle of friends ko sa England.

And according to them, 'yon ang pinakamasarap na mangyayari sa isang babae, pag ginagawa na 'yon. But... gagawin lang daw 'yon ng lalaki kung mahal nila 'yong girl.

And bullshit! Bakit ko ba iniisip ito?

Napailing ako ng marahan upang mawala sa aking isipan ang mga bagay na iyon. Masyadong mapanganib para sa akin. Hindi ako dapat nagiisip ng ganoon. Mali 'yon, Tisha! Mali 'yon.

"Are you okay?"

Dumampi ang palad ni Aries sa aking balikat, mabilis ko iyong iniiwas. Sa simpleng pag lapat ng kanyang balat sa akin ay para akong nakukuryente.

"O-okay lang."

Latisha! Jusko ayusin mo ang buhay mo. Hindi ka nag aral para mag isip ng ganyang mga bagay. Ni hindi ko pa iyon nakaranas, pero ang aking utak ay tilay alam na ang bawat eksena sa mga pangyayaring iyon.

"May problema na naman ba?" si Teri.

"Wala, tinatanong ko lang kung masakit pa ang paa niya." pinal na sagot ni Aries kay Teri.

"Okay na 'di ba? Maliit lang na sugat 'yan Tisha. I hope... hindi sirain ng sugat mo ang gala natin. Lalo na't, I'm considering this place for our pre nuptial shots. Right, Clav?" sabay haplos niya sa balikat ni Aries. 

Pilit akong ngumiti habang pinag mamasdan ang marahan na pag haplos ni Teri sa balikat ni Aries, bumaba iyon sa braso tapos ay bumabalik rin sa may balikat.

Nagawa na kaya nila 'yon?

Napalunok ako dahil sa sariling pag iisip, huminga ako ng malalim bago tuluyang nagsalita, "O-oo naman. Sige, hmm... sundan ko lang si... Max," agaran kong sabi at  iniwan sila roon.

Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng aking mga paa. Basta umalis ako sa harap nilang dalawa.  Luminga linga ako pero wala akong Max na nakita.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon