Trenta

39 7 3
                                    

Goku

"Ma'am last na fresh milk na po ito. Mag gorgroceey pa ho kami mamaya" sambit ni Salome habang nilalabas ang huling pack ng fresh milk.

"It's okay, Salome," I said.

Isinali ko ang gatas sa aking baso at marahan ng tumalikod para makabalik sa beranda.

"Ma'am kanina pa po pala nakaalis si Sir Bernardo. Pinapasabi sa inyo na gusto n'ya raw na sabay kayo mag dinner."

Malakas ang boses ni Salome habang sinasabi ang mga iyon. Ako naman ay dirediretso lang hanggang makalabas, tila ba ayaw kong intindihin ang kahit isang salita na kanyang binanggit.

"Ang tagal ha," bungad ni Aria ng tuluyan na ako makabalik.

"Yoo looked stress, pailang fresh milk mo na ba iyan?" dagdag pa niya.

"I don't know," mabilis ang aking naging sagot.

Tanggan ko ang isang papel. May kaylangan kasi akong aralin doon, hindi ako pupunta ng office ngayon dahil may bibisitahin ako sa site namin sa magallenes, kung saan ang ibang trucks at engines ay na andoon.

"Anyways, andito na si Pancho kagabi. I'm lucky na may tutulong na sa akin."

"Tutulong lang ba?"

Nagtaas ako ng kilay sa aking kaibigan. Pancho was there to help her, with I don't know. Magaling naman si Pancho, graduate din siya ng busines so, I think may maitutulong sya sa production ng company nina Aria sa Maynila.

"Oh please, Latisha! We'er friends and we've talked about that already." she rolled her eyes.

"Well, I hope so. He's crazy for you." I teased.

Nagkibit balikat na lamang ang kaibigan sa akin. Hindi ko akalain na magsasama pa sila matapos ang nangyari.

"You're right! Sa sobrang pag kabaliw n'ya sa akin. Sinabi niya na may nawalang dalawang tao na nag outing sa Malibiclibic falls, natagpuan daw sa kweba? Blind item of the day."

My lips parted, hindi ko rin alam kung paano ako magsasalita. Looks how she turns the table.

"Hindi naman 'yon sinasadya. Hinahanap ko si Max." sabi ko.

"Si Max? I don't think so na si Max nga ang hinahanap mo." tila siguradong sigurado s'ya sa kanyang sinasabi at parang alam niya na hindi si Max ang aking kasama.

"I'm saying the truth. Si Max ang hinahanap ko. Hindi ko alam kung paano s'ya napunta doon."

"Ibig sabihin, nag teleport si Aries. Ano s'ya si Guko?"

Napapikit ako ng mariin dahil sa kanyang sinabi. Her logic was unbelievable. Parang hindi kayang iproseso ng aking isipan.

"Fine! You win, Tuaria! Hinanap ako ni Aries, at hindi sinasadya..." I emphasised the word sinadya, "nahulog rin s'ya, kaya ayon wala kaming choice kundi mag hintay sa rescue."

Ngumuso ang aking kaibigan tila hindi s'ya kombinsido sa aking paliwanag. Wala na akong sasabihin pa sa kanya. Mama is more than engouh para makaalam pa sa nangyari doon.

"Wala na Aria! I swear!"

It feels likes, ako na ata ang pinakasinungaling na tao sa mundo. At mag susingungaling pa ako matapos lang ang lahat ng ito.

"Okay, sabi mo. So, after that, hindi ka na niya muli pang kinausap?"

Magsasalita na sana ako ng bigla niyang itinaas sa hangin ang kanyang palad. Hudyat iyon na nais niyang pigilan ang aking sagot.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon