Ang unang tagpo
Natapos ang laro, panalo sila pero dalawa lang ang naging lamang. Umikot ikot siya sa buong court at nagsisigaw na ang saya saya nya. Nakakahiya siya tingnan pero hindi ko rin magawang itanggi na sobrang saya rin ng aking nararamdam.
"Tisha, ulitin mo nga yung sinabi mo kanina?"
"H-huh? Alin don?"
Alin ba ang dapat kong ulitin?
"Yung ano. Sinigaw mo kanina," kinakamot na nya ang kanyang batok habang sinasabi iyon.
Namumula ang pisngi ni Aries at hindi sya makatingin sa'kin. Hindi ko akalain na may ganto palang side si Aries. Marami pa pala akong hindi nakikita sa kanya.
"Ah, yung boyfriend ko?" tanong ko sa kanya ngunit umiling sya.
Bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay. Ngayon ay hindi ko na rin alam kung ano ba ang tinutukoy nya.
"Alin ba?"
"Y-yung a-ano."
Pinunasan ko ng pawis nya gamit ang towel na nakasampay sa kanyang balikat. Pinadaan niya ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok bago muling tumingin sa akin. Grabe sobrang pula na ni Aries.
"Oy, ano ba kasi iyon?" natatawa kong tanong.
"Yung ano nga... isinigaw mo kanina. Yung ano kas-"
"Tawagin mo ulit na baby!" Kanyaw ni Pio sa kanya.
Nagtawanan naman sina Aria dahil sa sinabi ni Pio, magkakasama na sila ngayon habang pinapanuod si Aries.
Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa nagbabayad pag tawa.
"Baby Aries," malambing ang tono ng aking boses.
"Isa pa," nakangiti nitong sabi.
"Tang ina! Alam kong mahal mo Tisha. Pero hindi ko akalaing patay na patay ka." Panunukso ng mga kasama.
"Tumigil nga kayo jan! Tara na baby?" Sabay akbay nya sa akin.
"Mabaog ka sana Le Bris!" sigaw ni Pio habang papalayo na kami.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hindi ko na inisip iyon. Basta ang mahalaga ay kasama ko sya.
Nagulat ako ng bigla 'yang pisilin ang tunki ng aking ilong.
"Bakit nalate ka?" seryoso na ang kanyang boses ngayon.
"Napasarap ng tulog, sorry."
Tumango tango lamang sya sa akin. Muka naman syang hindi badtrip kaya hindi na ako nagsalita pang muli.
"Nagugutom ako, saan mo gusto kumain? Tara sa plaza?" pagyaya nya sa akin.
"Pwede, doon mo ba gusto magcelebrate tayo?"
"Nang pagkapanalo namin? Pwede? Nang first date natin, ayoko doon madaming tao."
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Bakit kaylangan magkaiba pa? Atsaka ano naman kung madaming tao? hindi ba mas okay pag ganoon?
"Tisha, I love you," sabi nya at hinawakan ang aking kamay.
"I love you too," sagot ko.
Iyon ang unang beses kong sinagot ang I love you niya. Palagi ko kasi iyong binabaliwala o kaya ay hindi pinapansin. Pero ngayon siguro ay okay lang kung sasagutin ko iyon dahil kami naman na.
Napatingin ako sa kanyang ng bigla syang tumingil at ipinikit ang kanyang mga mata.
"Oy, bakit?"
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...