Trenta y Uno

57 8 0
                                    

Uwi na

Mabilis akong tumayo, agad kong tinumbok ang kanyang katawan upang mayakap. Para akong batang nawalan na ina sa gitna ng maraming tao at walang na gawa kundi ang umupo sa isang tabi at umiyak hangga't sa matagpuan ako.

"Hush baby, I'm here."

Parang lalo akong naiyak sa mga sinabi niya, marahan niyang hinaplos ang aking buhok habang mahigpit ang pag kakahawak ko sa kanyang damit sa bandang likuran.

"My girl is such a cry baby. Hindi ka nagbago."

Napaangat ako sa pagkakayakap at dahan dahan tumingal upang makita ang kanyang mukha. Nakangiti ito habang pinag mamasdan ako.

Tila ang mga luhang kanina ay patuloy sa pag agos ay nanuyo dahil sa kanyang mga salita.

Hindi ako nag bago?

Kung ganoon ay s'ya ang nagbago.

O baka kami talaga.

Naulit na naman ang mga tanong na tila'y wala pa ring kasagutan hanggang ngayon.

"S-sorry," sambit ko, bago dumistansya sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin

"Wala kang pakialam!" sambit ko ng tuluyan nang bumalik ang aking ulirat. May lakas na ulit ako ng loob para sigawan siya. Nawala na ang takot na kaninang bumabalot sa akin.

"Nagsusungit ka dahil..."

Itinabingi niya ang kanya ulo at sumibol ang mapang akit niyang ngiti.

"Dahil... dahil... ah basta! Ano bang ginagawa mo rito? Umalis ka na nga!"  sigaw kong muli.

Hindi ko kaylangan ang kanyang tulong.

"Fine, I'll go ahead. Bye Tisha."

Tumalikod na siya sa akin pagtapos na iyon sabihin. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang kinilos, pinagsiklop ang mga tikas na buhok mula sa aking pisngi. Nag uumpisa nang humangin dahil sa malapit na mag dapit hapon.

"S-sandali! A-ah... tulungan mo ako sa k-kotse ko."

Kinagat ko ang aking pangibang labi dahil tila kinakain ako ng kaba. Lumingon lamang s'ya sa akin at bahagyang nagtaas ng kilay. Wari ko'y nag aantay siya sa kung ano.

Lumunok ako ng bahagya bago muling nagsalita, "Please, Aries."

Unti unting kumurba ang kanya mga labi hudyat ng kanyang pag ngiti. Marahan itong nag lakad pabalik sa akin.

"Say it again. But this time... I want more."

Nakaawang ang kanyang labi habang nakatingin sa akin, o mas dapat ko bang sabihin ay pinag mamasdan niya ang labi ko. Pabalik balik ang tingin niya roon tapos sa aking mata at pabalik na naman sa aking labi. Parang tambol na sira ang aking puso dahil sa sobrang bilis nito, palagay ko ay rinig rin ni Aries ang bawat tunog noon.

"I want..." he said huskily.

Hinapit niya ang aking byewang na naging dahil ng mas lalo naming paglalapit. Palagay ko ay wala ng pulgada ang aming pagitan.

"I want..."

Fuck! His voice.

Pakiramdam ko ay nalalasing ako sa kanyang mga titig, nanlalambot ang aking mga tuhod dahil sa kanyang boses. Nagwawala ang aking t'yan sa hindi malamang dahilan.

Buwisit na mga paniki ito ayaw akong tantanan.

"I want you." he finally completes his sentence, pero mas lalo ata akong nawala sa kamunduhan. Sinasabi niya iyon habang nakatingin sa aking mga labi. Kitang kita ko ang mahaba at maitim niyang mga pilikmata.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon