Baltaraz
Natapos ang baksayon namin. Si Tayo, natuto ng lumipad. Inalpasan namin sya nung baksayon. Paulit ulit lang ang ginawa namin ni Aries. Minsan dito kami sa mansyon nila, minsan doon sa bahay namin, minsan naman ay nasa bayan kami. Kung anong magustuhan naming gawin.
"Hindi ba talaga dito papasok si Claudia?" tanong ko.
"Hindi raw, alam ko naka enroll na siya sa ANHS," si Pancho.
"Sayang naman, mapapalayo sya sa atin."
Sabi ko sabay kagat sa tinapay na binili namin sa canteen. Nag eenroll na kasi kami ngayon sa HMCI. On process na yung papers namin, kaya nagpasya muna kaming kumain at tumambay sa may bleachers.
Kulay creama at maroon ang kulay ng buong school. Dalawang palapag iyon at sakto lang para sa kakakonting estudyanteng kaya mag enroll para sa martikula nito.
"Si Aries, Himala hindi mo kasabay?" si Aria.
Nagkibit balikat na lamang ako sa sinabi nya.
"Tawagan mo kaya Tisha?" suhisyon ni Aria sa'kin.
"Baka naman nag away kayo?" tanong ni Pancho.
"Si Tisha, matitiis ni Aries? Sinong niloko mo Pancho. Kahit ata sukdulan ang galit noon kay Tisha, didikit pa rin iyon sa kanyang prinsesa."
With action pa iyong sinabi ni Aria. Tila ba manghang mangha sya na hindi ako kayang tiisin ni Aries.
Bakit nga kaya wala sya? Dahil ba hindi ko sya kinausap kahapon? Hindi ko sya pinatawad?
Sinubukan kong tawagan si Aries pero walang nasagot. Kaya sa telepono nalang nila sa bahay ang aking tinawagan.
"Ano hindi nasagot?" usisa ni Aria sa akin habang nakatingin sa aking reaksyon.
"Le Bris mansion, how can I help you?"
Sagot sakin ng isang babae sa kabilang linya.
"Hmm... si Tisha po ito."
Panimula ko. Baka kasi pag babaan ako kung hindi ako magpapakilala.
"Anong sabi?" pabulong na tanong ni Aria.
"Maghintay ka kaya matapos ang usapan bago ka mag tanong," masungit na saway ni Pancho sa kanya.
Kaya naman na batukan sya ni Aria. Iniisip ko tuloy kung may gusto ba si Pancho sa akin o kay Aria. Sinasabi kasi ni Pancho na crush nya ako pero mas malapit sya kay Aria.
"Naku ma'am Tisha, nilalagnat ho si senyorito," may pag alala sa kanyang boses.
"po? Nilalagnat sya."
Hindi ako makapaniwala sa kanyang sagot.
Kahapon kasi ng umaga ay magkasama kami, nagalit ako sa kanya nung muntik na akong sipain ng kabayo dahil sa ginawa nya.
May alaga kasi silang ilang kabayo at kabaling na roon si baltaraz, ang kabayo ni kuya Primo. Dahil hindi naman masyadong gamay ni Aries si baltaraz kaya muntik na itong mag wala. Sobra akong natakot na pakiramdam ko ay hindi na ako muli pang sasakay sa kabayo. Kaya naman sobra ang inis ko kay Aries kahapon. Paano kung may nangyari sa amin.
Nung oras na din na iyon ay umuwi na ko sa amin. Ilang beses nya akong tinawagan at tinext pero hindi ko iyon lahat pinasin. Hanggang sa noong hapunan ay dumalaw sya sa bahay. Hindi rin ako lumabas kahit nagagalit na si mama sakin, nakakahiya daw kay Aries na naghihintay roon.
"Mama ayaw ko nga!" sagot ko at nagtalukbong nalang ng kumot.
"Fine. Pero Tisha, masama ang nagagalit ng sobra lalo na't hindi siguro iyon sinadya ni Aries."
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...