Pangamba
"Baka madapa ako, Aries."
Nakahawak ako ang isang puting telang nakatakip sa aking mga mata. Eto na naman sya sa mga gimik niya.
First date daw kasi namin at dapat ay memorable iyon.
Gusto na naman pumuntos ni Aries. And yes, I'm counting his points. And maybe, I will consider it again... as his first point, dahil kami na. Hindi ba dapat ay ganoon iyon? Back to zero.
At sana, hindi na kami mag back to zero pang muli. Sana mag dirediretso na ang pag puntos niya. I want to count his points until my last breath, a thousands of it.
"Paanong madadapa ka? Kaylan 'ko ba hinayaang masaktan ka. Ako muna ang masasaktan Tisha, bago ikaw. Ako muna!" mariin niyang sabi sa akin.
Dahan dahan niyang tinggal ang takip ng aking mga mata.
Namilog ang aking mga mata dahil sa nakita. Isang puting tela ang nakalatag sa ilalim ng punong mangga kung saan madalas kaming mag laro noon. May mga christmas lights din sa paligid at mga dekorasyong malaki at maliit na mga puso. May ilang nakasabit rin na mga pictures namin simula pa noong maliit pa kami. May nagkalat din na puti at pink na lobo sa paligid.
"Happy three days, sevety-nine hours and two thousand four hundred seventy minut-"
"Ang OA mo na Aries," sabay tapik ko sa kanyang balikat.
"Love mo naman ako," natatawa niyang sabi.
"Ay wait," sabay kuha niya ng isang sunflower.
"Bakit isa lang?" ang tipid namang isang to.
First date daw!
"Ganto kasi yan," hinakawan niya ang kamay ko na nakahawak sa sunflower. Tapos inilagay iyon sa gitna naming dalawa, "ako yung I tapos yung sunflower yung love tapos ikaw yung you."
I chuckled, "ang corny mo."
"Kinikilig ka naman."
Pag mamayabang nya pa sa'kin. Muli ay sumenyas siya sa akin.
Nagulat ako ng bigla siyang sumipol. Namilog muli ang mata ko ng mabilis na tumatakbo si peechy papalapit sa amin. May tangay sya flower crown. Sobrang cute nya rin dahil sa damit nya. Sunflower rin ang design noon.
"Good girl," saad ni Aries bago muling tumingala sa akin. Nakatingkayad kasi siya sa harap ni Peechy.
"Dinamay mo pa iyong aso," puna ko.
Kahit ang totoo ay gusto ko ng tumili dahil sa kilig.
"Peechy dito muna kayo ni mommy, may gagawin lang si daddy ha."
Nanliit ang mata ko dahil sa sinabi nya. Mommy daw?
Pero hindi na ako umangal. Naupo ako sa puting tela na nakalatag sa lupa. Agad naman lumapit sa akin si peechy at pumwesto na sa aking mga hita.
"Ikaw ha, akala ko ba tayo ang kampi. Bakit naging kakampi ka ng daddy mo?" nakangiti kong tanong kay peachy.
Hindi naman siguro ito mag sususumbog sa daddy nya. Hindi ko mapigilang ngumiti ng sobra dahil ang isipin anak nga namin talaga si peechy.
Napatingala ako dahil may tumugtog na gitara kung saan.
Maya maya pa ay nakita ko si Aries na naglalakad papalapit sa akin mula sa likod ng puno. Wala naman syang hawak na gitara pero may natugtog pa rin.
"Uso pa ba ang harana... marahil ikaw ay nag tataka... sino ba tong mukang gago nagkandarapa sa pag kanta, nagsisintunado sa kaba."
Ngayon ko lang narinig na seryoso ang pag kanta ni Aries, dati kasi ay madalas pabiro ang mga iyon. Hindi sya kasing galing ni Leo, pero sa oras na ito masasabing kong maganda rin ang kanya boses.
BINABASA MO ANG
The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING)
RomanceSi Ariestotle Clavio, ang pangalawang anak ng mga Le Bris. Ngunit, marami ang ilag rito dahil sa isang dalaga. Ikinulong ni Aries ang kanyang sarili sa batang si Tisha. Sa pag lipas ng panahon, ay mas lumalim pa ang kanyang pagkahulog. Paano kung m...