Trece

47 14 3
                                    

Dalawang salita

Malamig at nakakakiliting bagay ang maya't maya ay dumadampi sa aking muka, sinamahan pa ito ng mumunting kahol mula aking talagang si peechy.

Minulat ko ang isang mata ko upang makita sya, kumakawag ang buntot nito sa akin tapos ay nag papaikot ikot sya sa'king kama.

"Hmm, peechy I'm sleppy. Mamaya na tayo maglaro."

Muli ay dumapa ako sa aking kama at niyapos ang aking unan. Pumikit ako at hinayaang dalawin muli ng antok. Hindi pa nag tatagal ang aking pag Filip ay tunog na ng aking phone ang bumulabog sa akin.

Kinusot ko ang aking mata bago tuluyang bumangon. Agad naman lumapit si peechy sa'king kadungan ng makaupo na ko sa kama.

"Ano?! Latisha! Wala kang balak pumunta ng school?!"

Malakas na sigaw agad ni Aria ang aking narinig. Agad ko naman iyong inilayo sa tenga ko. Sobrang lakas kasi.

"Hoy!"

"Ano ba Aria? Hindi naman mahilig sa mga laro jan sa school."

Sport fest na kasi namin. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kaylan lang, may unang araw namin bilang highschool, ngayon ay sophomore ba agad kami. Active pa rin si Aria, mapa academic man yan o extra curricular. Consistent ang agawan nila ni Pio sa leaderboard.

"Oo nga't hindi ka mahilig! Pero si Aries!" angil nito sa akin.

Nasapo ko ang aking noo. Oo nga pala, first game sina Aries ngayon sa basketball. Ito yung game kung saan mapapasali sa semi final yung mananalo. Tapos mamayang hapon yung laban ng kung sinong mananalo ngayon para kalabanin yung depending champion, para bukas.

"Ano? Wag mong sabihin nakalimutan mo!" si Aria ulit.

"O-oo."

"Anak ka ng... Latisha naman! Alam mong hindi mabubuhay yung isa nang wala ka! Nag uumpisa na yung laro. 1st quarter pa lang, ayaw pumasok sa game ni Aries. Nakaupo lang sya doon at hindi kumikibo. Baka gusto mong bilisan. Hindi sila makakapasok sa semis kung hindi sya lalaro!"

Agad na niyang iyong pinatay nang hindi na pinakinggang ang aking sagot.

Oo na!

Kasalanan ko na, malay ko bang hindi sya maglalaro ng wala ako.

Lahat kasi ng laro nya present ako. Ang maingay nyang cheerleader. Halos maps ako para I-cheer sya. Pag kasi hindi ako sumigaw ay sinasadya nyang hindi ishoot ang ball. At ngayon na wala ako? Hindi ba talaga sya lalaro?

"Peechy, anong gagawin ko?"

Tumingin sya sa akin bago tumalon sa sahig. Nagkalat doon ang mga gamit ko. Gumawa kasi ako ng panibagong banner para sa laro ni Aries. Mejo gusot na kasi yung mga na una. Mayr oon doon isang malinis pa na kartolina.

"Good girl," himas ko sa ulo ni peachy.

Agad akong lumapit sa kartolina, wala na akong panahon mag design o kung ano pa man. Isinutayo ko nalang doon ang dalawang salita. Bahala na kung pangit ang sulat ang mahalaga ay malaki iyon at kitang kita.

Mabilis akong naligo at nag palit ng damit na sigurado akong hindi ikakagalit ni Aries. Pair of jeans at simpleng T-shirt lang.
.
Hinalikan ko si peechy bago tuluyang lumabas ng kwarto. Dala ko lang ang isang maliit na bag at mahiwang kartolina.

Sana ay dapat na ang dalawang salita para sa kasalanan ko ngayon araw.

"Tisha ka-"

"Bye ma! Usap tayo mamaya. I love you." Sigaw ko at dirediretso na palabas ng bahay.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon