Bente Tres

43 8 1
                                    

Utang

Ang sarap ng amoy ng sariwang prutas at gulay. Maganda talaga pag sa probinsya, makukuha mo lahat ng fresh, 'yong tipong bagong pitas pa ang iba.

"Tisha, bakit ikaw ang namimili?"

Bati sa akin ng tindero ng mga gulay rito sa palengke. Nakakagulat na hanggang ngayon ay may nakakakilala pa sa akin. Iyong mga halos kaidaran ko ay kilala pa rin ako pero 'yong mga sumunod sa kanila ay kakaunti na lamang ang nakakatanda sa akin.

"May importante po kasi akong bisita, kaya gusto 'ko po na ako mismo ang bumili at magluto."

"Nakakatuwa naman itong anak ni Mayor, marunong mamalengke at magluto." puri niya sa akin.

"Naku, 'yong si Vieya rin ah. Napagtitinda pa nga rito. Ikaw ba ineng ay marunong mag tinda?"

Bahagya akong umismid dahil sa sinabi ng isang lalaking may tinda ring mga gulay at prutas. Bahagya naman siyang siniko ng kanyang kasama sa pagtitinda.

"M-marunong naman po."

Magalang pa rin ang aking naging sagot kahit na tingin ko ay nabastos ako sa kanyang sinabi o baka naman dahil inis ako kay Vieya kaya iyon ang dating sa akin.

"Naku, ako'y hindi pa rin sampalataya sa tayuan ni Vieya, kumpara mo rini kay Tisha, na simula't sapul ay nasubaybayan na natin ang paglaki. Kung hindi nga 'yan winalangya ni Vieya, baka rito na rin iyan tuluyang nagdalaga."

"Aling Patring, tama na. Tayo'y mahiya sa anak ni Mayor."

Ilang piraso pa ng patatas at carrots ang aking kinuha at inilagay sa timbangan. Bago ako muling bumaling sa kanila.

"Okay lang po," saad 'ko.

Kahit ang totoo ay mejo nakakailang na ang kanilang usapan.

"200 pesos lahat iyan, madami ka atang lulutuin? Pang chicken curry gah?"

"Opo," sabi 'ko, habang bumubunot ng pera sa aking wallet.

"Naku, ay may manok ka na ba? Kung wala pa ay meron doon kay Karding. Mas mura doon, dahil angkat mismo sa farm ng mga Lazatin. Kaibigan mo si Aria 'di ba? Ay natanong 'ko lang."

Ngumiti na lamang ako sa kanyang mga sinabi. Bago nagtungo sa pwesto ni Karding. Tunay nga, na mas mura ang manok roon dahil galing mismo sa farm nina Aria.

"Tatlong kilo sa manok po, patadtad na ho."

"Aba! Tisha himala, ikaw ang namimili."

Halos lahat ata ng mabibilhan 'ko ay nagugulat na ako ang nabili sa kanila.

"Sino ho ba dati?"

"Si Vieya ang suki rito. Sayang nga lang at hindi sila nagkatuluyang ni Arius. Pero hindi mo rin naman masisi si Donya Victoria. Kahit ako naman ay hindi rin papayag."

Napakagat na lamang ako sa aking labi habang pinagmamasdan siyang hinahati ang biniling manok. Ganto siguro talaga sa Aguinaldo, lahat nalalaman ng tao kaya kahit maliit na bagay napaguusapan pa.

"Ikaw atsaka si Aries. Sayang rin kayong dalawa. Aba akalain mong may makakapaghiwalay pa pala sa inyo. Ang kapalaran nga naman." Sabay abot niya ng plastik na may lamang manok. "300 pesos nalang 'yan."

Agad akong nag abot ng bayad bago kunin ang aking binili.

Pinagmasdan ko ang aking bibit at mejo puno na ang aking basket. May ilang prutas na doon at kaylangan para sa bahay. Halos kumpleto naman na yata at mukang wala na akong nakalimutan.

Napalingon ako ng isang bata ang humihila ng dahan dahan sa laylayan ng aking damit. Madumi at butas butas ang suot niyang damit, salasalabid na rin ang kanyang buhok, tila walis na nilagyan ng  glue. May dala siyang lata na may kalawang na.

The first point of Aries (AGUINALDO SERIES #1) (PUBLISH UNDER B&B PUBLISHING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon